Kabanata XXVII: The Unexpected

2.6K 203 33
                                    

Kabanata XXVII: The Unexpected

UNTI-UNTI niyang idinilat ang mga mata at lumantad sa kaniya ang isang pamilyar na mukha na ang lapad ng ngiti.

“You’re finally awake, Raziel,” nakangiting bungad na sabi nito habang maingat na hinihimas ang buhok ng piniks.

Ilang ulit na pinikit-bukas ni Raziel ang mga mata hanggang sa naaninag na niya ng malinaw ang mukha ng lalaki. “S-Sir Doyle,” nanghihinang sambit ni Raziel.

Isang ngiti ang isinukli nito saka tinulungang makaupo ang piniks at inabutan ng isang basong tubig. “Here. Drink some water. Limang araw ka ng tulog.”

Nagulat naman si Raziel. “G-Ganoon katagal?”

“Yes. Matagal kasing gamutin ang mga sugat mo,” nakangiting sagot ni Doyle.

“S-Salamat po.”

Seryoso namang tumingin si Doyle kay Raziel kaya nagtaka si Raziel. “Raziel, may nalaman ako.”

“Ano po?”

“You’re pregnant.” Napalaki ang mga mata ni Raziel.

“Po?” patanong na sabi ni Raziel dahil hindi siya makapaniwala sa narinig.

“I said, buntis ka,” ulit ni Doyle kaya napatingin si Raziel sa tiyan niya.

“A-Ako? P-Paano? Lalaki ako!” hindi makapaniwalang sabi ni Raziel.

Kahit si Doyle ay hindi rin makapaniwala noong una niya itong natuklasan. “Hindi ko rin alam kung bakit pero may laman ang tiyan mo at sigurado akong anak n’yo ni Sefarino iyang bata.”

Dahil sa sinabi ni Doyle ay napahawak si Raziel sa tiyan niya at hindi makapaniwalang may bata sa loob ng tiyan niya. Napaluha naman si Raziel dahil sa nararamdaman niya, pinaghalong pangamba at kasiyahan. Pangamba dahil ano na lang ang masasabi ng ama niya kapag nalaman ang katotohanan na nakagawa siya ng isang malaking kasalanan at kasiyahan dahil nagbunga ang pagmamahalan nila ni Sefarino.

“Raziel, okay ka lang ba?” Napatango naman si Raziel saka ngumiti nang matipid kay Doyle.

Agad namang kinuha ni Raziel ang isang papel na lumitaw sa harapan niya at agad itong binasa.

Raziel, umuwi ka na. Inumin mo itong gamot na pampagaling sa lahat sugat mo. Ngayon din. Zadkiel.

“What’s that?” takang tanong ni Doyle kay Raziel dahil nagulat siya sa biglang paglitaw ng papel.

“Mensahe galing sa ama ko. Pinapauwi na ako,” malungkot na sabi ni Raziel habang mahigpit na nakahawak sa isang maliit na bote.

“What? Uuwi ka na? Paano na si Sefarino? Paano ’yong bata?” sunod-sunod na tanong ni Doyle.

Tumingin naman si Raziel kay Doyle. “Ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo sasabihin kay Sefar ang tungkol sa bata.”

“Ano? May karapatan siya, Raziel.” Napayuko naman si Raziel dahil sa sinabi ni Doyle.

“A-Alam ko naman iyon pero hindi ito ang mundo ko. Kapag nalaman niyang magkakaroon kami ng anak ay mas malulungkot  at hindi ko rin kayang umalis kapag nagkataon,” naiiyak na usal ni Raziel dahil hindi niya rin alam kung ano ang gagawin niya.

Naninibago pa siya sa natuklasan. Ni minsan ay hindi niya narinig o nalaman man lang na ang isang lalaking katulad niya ay mabubuntis pa lang.

Niyakap siya ni Doyle. “Tahan na. Hindi ko sasabihin sa kaniya pero kapag umuwi ka ay dapat kang magpaalam sa kaniya.”

Napatango naman si Raziel. “Salamat.”

“Pupunta tayo kina Sefarino bukas dahil akala niya na patay ka na, nag-e-emote pa ’yon,” natatawang sabi ni Doyle na nagpailing kay Raziel.

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon