Maaliwalas ang kalangitan, madaming nagliliparang mga ibon, mga dahong nalalaglag sa puno, sariwang hangin at payapang kapaligiran. Ito ang gusto kong buhay, tahimik at parang walang problema. Kasabay ng pagbuklat ko sa aking libro ay ang pag-ihip ng malakas na hangin dahilan para liparin ang ilang hibla ng aking buhok papunta sa harap ng aking mukha, hinawi ko ito at nagsimula nang mag basa. Naka-upo ako sa bench sa isang park dito sa aking lugar habang may coffee frappe sa aking gilid. Maaga pa kaya medyo mangilan-ngilan lang ang tao dito, at saka malapit lang ito sa aking condo kaya kahit anong oras ay pwede akong pumunta dito.Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may bigla akong maramdaman sa aking likuran, sunod noon ay ang pag takip nito sa aking nga mata. Na langhap ko ang pamilyar na amoy nito kaya sa tingin ko ay alam ko na kung sino ito.
"Ellie itigil mo yan, nagbabasa ako"
Hindi ito nagsalita at sa halip ay kinuha ang kamay nya na naka takip sa aking mata at tumabi ito sa bench na inuupuan ko.
"Janine umamin ka nga sakin" nabigla ako dahil seryoso ang pagkakasabi nya, hindi ako sanay. Nakilala ko kasi si Ellie bilang isang babaeng palatawa at isip bata. "Do you have eyes in the back of your head?"
"Ellie, seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mo dyan?" Tumango ito at tumingin sa akin ng seryoso. "Ellie itigil mo nga yang kalokohan mo, kahit pa tignan mo yang likod ng ulo ko ay wala kang makikitang mata dyan"
"Janine naman, syempre joke lang yun ano kaba" Tumawa sya at hinampas pa ang balikat ko. Dyan sya magaling. "Eh pano ba naman kasi? Kahit nasa likod ako ay nakikilala mo ako" patuloy pa din sya sa pag tawa kahit wala namang nakakatawa. Ang kaninang tahimik kong paligid ay nawala ng dahil sa kaniya.
"Amoy na amoy ko ang watermelon scent na pabango mo"
"Ah ganon ba? Kaya pala.. Sa susunod e babaguhin ko na ng ilang beses ang pabango ko para hindi mo na ako makilala" sabi nya at saka tumawa. Isip bata talaga.
Napailing nalang ako sa inasta ng kasama ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa at pagsimsim sa coffee frappe ko. Akala ko titigilan na nya ako at magce-cellphone nalang sya, yan kasi ang madalas nyang ginagawa.Pero nagka mali ako.
"Janine mag mall tayo mamaya? O kaya mag experiment tayo ng mga bagong recipe? Tutal wala ka namang gagawin ngayon diba?"
"Ellie ayoko, may importante akong pupuntahan"
"Saan yun? Pwede bang sumama? Please.. " Ipinagdikit pa nya ang kanyang mga kamay sa harap nya na parang nagmamakaawa. Makikita mo talaga sa mga mata nya na excited sya sa kung ano mang isasagot ko.
"May kikitain lang akong kaibigan. Pwede naman sumama, kita nalang tayo mamaya sa condo ko mga alas dos ng hapon, okay ba yun?" Tumango ito senyales na okay na ang lahat sa amin.
Kinuha ko ang coffee frappe ko at tinanong sya kung sasabay ba sya sakin pabalik ng condo. Magpapaiwan daw sya dun kasi mag mumuni-muni pa daw sya kaya nagpaalam na ako. Si Ellie ay nakitara din sa condo na tinitirhan ko pero magka-iba kami ng unit. Nakilala ko sya last year noong lumipat ako doon, sya ang unang naging kaibigan ko simula noong pumunta ako dito. Approachable si Ellie kaya marami syang kaibigan at isa na ako don, kaya nga lang isip bata sya kaya minsan ay hindi kami nagkakasundo sa ibang bagay.
Habang naglalakad ako sa pabalik sa condo ay may nakita akong dahon sa sahig kaya pinulot ko ito, kakaiba ang itsura at iba din ang hugis nito. Tatayo na sana ako ng may biglang bumanggang naka bike sa akin dahilan para tumilapon ako sa sahig at mahulog ang book at coffee ko. Mabuti nalang at sa magkaibang direction ito tumilapon, dahil kapag nagkataon na nabasa ang book dahil sa coffee ay hindi ko talaga sya mapapatawad. Nanatiling nakasubsob ang mukha ko sa sahig, nilingon ko ang taong bumangga sa akin at nakita ko ang nagugulat nitong ekspresyon. Lumapit ito sa akin at tinulungan akong tumayo.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
RandomJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...