Nagmulat ako ng mata sa kalagitnaan ng gabi. Sobrang lamig ng klima at malakas ang hangin. Wala akong ideya kung bakit nagising ako sa ganitong oras. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang paulit-ulit na gumalaw ang ang bintana. Kinakabahan man ngunit pinilit kong lumapit doon dala ang gasera, dahan dahan kong binuksan at inilabas ang ilaw upang makita kung ano o sino ang narito. Ngunit ganon na lang ang aking kaba nang pilit ipasok ng kung sino ang gaserang hawak ko, tinutulak nya ito paloob, umakyat din sya sa bintana para makapasok sa kwarto. Mabilis nyang isinarado ito. Akmang sisigaw ako ngunit agad tinakpan ng kung sino ang bibig ko.
"Wag kang maingay, kailangan na nating maka-alis dito" nasisigurong kong si Ryle ito. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang sinabi nya. Takot ang bumalot sa buo kong katawan.
"N-nandito sila?" Sa halip na sagutin ako ay nagnamdali nyang kinuha ang gamit at dagliang hinatak ako paplabas ng pinto sa kwarto.
"Naghihintay si mang Pedro sa kabilang dako ng isla kaya dalian na natin. Tahimik lang, iwan mo ang gasera dito para hindi tayo makita"
"Pero paano si tita?"
"Umalis na kayo! Gawin mo ang lahat para ma-protektahan ang pamangkin ko. Mag-iingat kayo" pabulong ngunit may diing pagkakasabi ni tita na nasa labas na pala. Isang kandila lang ang dala nya at pinipigilang kumalat ang ilaw sa lahat ng sulok ng bahay. Binalingan nya ako at nangingilid ang luhang tinignan. "Lalo ka na"
"Janine, tayo na!" Hawak pa rin ni Ryle ang kamay ko at pilit na hinihila papalabas sa likod ng bahay.
"Tita..." naiiyak na pag-tawag ko dito. Hinawakan nya ang dalawa kong pisngi na ngayon ay nababasa na sa luha.
"Umalis na kayo bago pa kayo maabutan. Tandaan mo ang pangako mo Janine. Mahal kita"
Ayoko mang iwan si tita ay wala na akong magagawa, baka mapano sya. Madilim na paligid ang bumungad sa amin ng makalabas, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Patuloy kong inililibot ang mga mata at nagulat ng may makitang bangka na may apat na lalakeng sakay, nasisiguro kong sila na iyon. Malayo pa ito sa amin kaya may oras pa kami para tumakbo. Patuloy lang kami sa pagtakbo at pagtago hanggang sa makarating sa kabilang dulo ng isla kung saan malayo sa mga 'yon.
"Tayo na po mang Pedro" nagmamadaling saad ni Ryle. Agad nya akong tinulungan upang makasaky at pinaupo sa ilalim nya, tinabunan nya ako ng kumot at itinago. Maya maya pa ay nararamdaman ko na ang pag-galaw ng bangka kaya nasisiguro kong naglalayag na kami kahit hindi ko nakikita dahil sa nakatabon sa akin.
Kalmado lang ang pag-galaw para hindi mahalatang may tinatakasan. Malayo layo na kami kaya pilit kong sinisilip ang isla, kasalukuyan nang bumababa ang mga sakay ng barkong iyon para suyurin ang buong lugar.
Kinakabahan at natatakot ako ngayon. Hindi na maawat ang pag-iyak habang tutop ko ang bibig, napapalakas din ang hikbi ko sa buong byahe. Mukhang napansin yon ni Ryle kaya yumuko sya at kinuha ang nakapatong sa katawan ko. Minsan pa syang lumingon lingon sa paligid bago ako paupuin ng maayos sa tabi nya.
"Tahan na, magiging maayos din ang lahat" bulong nya. Hindi ko na napigilan ang pagyakap sa kanya na mas nagpabuhos pa ng aking luha. Naramdaman kong hinigpitan nya din ang pag-yakap saka ako muling pinatungan ng kumot, ngunit hanggang leeg lang sapat na para makahinga ng maayos. Hindi ko namalayang nakatulogan ko na ang pag-iyak sa mga bisig nya.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
De TodoJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...