"Paano kayo nagka-kilala? Mag kwento naman kayo oh"
"Magka-trabaho lang kami" si Ryle na ang sumagot habang nakitingin pa din sa akin dahilan para mailang ako.
"Hmm magka-trabaho lang?" Gulat akong napatingin kay Ellie na ngayon ay nakataas ang isang kilay.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala"
Napatingin ako kay Ryle at nakitang nakatingin pa din sya sakin, binalik ko nalang kay Ellie ang paningin.
"Ano palang ginagawa mo dito Ryle?" Tanong ni Ellie.
"Sa totoo lang ay nagpahangin lang ako, paalis na rin" Hindi ko maintindihan kung bakit sa akin pa rin sya nakatingin kahit si Ellie ang kausap nya.
"Teka! Kanina pa kita nahahalata Ryle"
"Bakit?"
"Bakit hindi maalis yang mata mo sa kaibigan ko?"
Dun nya lang inalis ang paningin nya at itinuon ito kay Ellie.
"Hindi.. Yung convenience store ang tinitignan ko"
Napalingon ako sa likod at nandun nga ang convenience store, malapit lapit lang ito at nasa tapat lang ng park, isang tawidan lang ng kalasada.
"Nagpapalusot ka e" naku! Ayan na naman si Ellie. Napatawa tuloy si Ryle dahil sa kanya.
"Convenience store talaga ang tinitignan ko, may dapat kasi akong bilhin"
Napatango nalang si Ellie. Totoo nga ba ang sinasabi nya? Pero hindi e, alam kong sa akin nakatutok ang mata nya.
"Huy Janine?" Pinitik pa ni Ellie ang daliri nya sa harapan ko.
"A-Ano?"
"Kanina pa naka-alis si Ryle ghurl, tulala ka na naman"
"Ah ganon ba.."
Nagulat ako ng bigla nya akong hampasin at tumawa na parang tinutukso ako.
"Siguro.. disappointed ka noh?" Tinaas-taas nya ang dalawang kilay at sinisiko ako.
"At bakit naman?"
"Kasi hindi ikaw ang tinitignan ni Ryle kanina"
"Anong pinagsa-sabi mo dyan? Hindi no, marami lang talaga akong iniisip"
"Maraming iniisip? Isa ba sya doon?"
"Ewan ko sayo Ellie" Inirapan ko lang sya at tumingala nalang sa mga puno na nasa paligid namin.
Alas tres na nang hapon at nandito kami ngayon ni Ellie sa condo unit ko. Malakas ang ulan at madilim ang kalangitan. Wala kaming magawa ni Ellie kaya naisipan naming mag-movie marathon.
"Tignan mo Janine, Dalii!" Kanina pa ako kinalalabit ni Ellie kapag nakakatakot na yung eksena. Sya yung pumili ng papanoorin namin pero sya din yung unang natatakot.
"Tss perfect ka talaga eh, noh?"
"I never expected naman kasi na ganyan yung mga eksena. I mean, sobrang nakakatakot na nakakadiri"
Sabay kaming napabalikwas nang tumunog ang door bell, nagkatinginan kami at napatawa dahil sa kapraningan namin. Binuksan ni Ellie ang pinto at kinuha ang mga food na pina-deliver namin. Kumuha din ako ng canned beer na nasa ref.
Sa sahig kami nakaupo ngayon imbes na sa sofa, mas comportable kasing uminom at kumain dito.
"Ellie may pupuntahan ako mamaya, sama ka?"

BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
RandomJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...