Chapter 3

57 4 11
                                        


Nakahiga ako ngayon sa kama, walang ibang ginagawa kundi magbasa ng libro. Minsan napapaisip talaga ako.

'Ganito na lang ba lagi ang buhay ko'?

Yan ang tanong na hindi mawala wala sa isip ko. Gumising, kumain, magtrabaho, umuwi, kumain uli at matulog, yan lang ang ginagawa ko araw araw. Oo, gusto ng tahimik na buhay pero hindi ko gustong hanggang dito nalang ang buhay.

Nang matapos ako sa binabasang libro ay tinignan ko ang phone ko. Alas dose na pala, hindi ko namalayan na kanina pa pala ko nagbabasa.

*TOK TOK TOK*

Bigla akong napalingon sa gawi ng bintana. Kinuha ko ang spray na may tubig at sili, ginawa ko ito para pangdepensa sa sarili. Dahan dahan akong humakbang papunta doon ng may nanginginig na kamay.

Napahinga ako ng malalim nang makarating ako sa tapat ng bintana. Marahan ko itong binuksan at walang ibang bumungad kundi ang malamig na hangin. Lumingon ako sa magkabilang gilid at sa baba, wala namang kakaiba.

'Baka naman may nang t-trip lang?'

Binalik ko na ang spray sa maliit na shoulder bag. Bumalik ako sa kama at ipinikit na ang mata.

Mahimbing na natutulog ang bata sa kaniyang kama. Sumikat na ang araw at umiihip din ang malakas na hangin, biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga magulang ng bata. Nagsimula na itong kumanta at dahan dahang lumapit sa kanilang anak.

"~Happy birthday to you, happy birthday to you~" biglang nagmulat ng mata ang bata at kinusot ito, napangiti naman sya nang makita ang mga magulang na may dalang cake.

"~Happy birthday dear Janine.. Happy birthday to you!~" niyakap ng batang Janine ang mama at papa nya.

"Make a wish and blow your candle anak" nakangiting sabi ng kanyang ina. Pumikit naman ang batang Janine at humiling. Maya maya ay hinipan nya na ang kandila.

"Yey!" Masayang sigaw ng kaniyang magulang, kinarga naman sya ng kanyang ama.

"Happy Birthday Anak" masayang bati ng kanyang ama.

Bago pa mawala ang lahat ng eksenang yun sa paningin ko ay may bumulong sa akin.

"Happy birthday Janine, mahal na mahal kita anak"

Napabangon ako sa kama na habol habol ang hininga. Miss na miss ko na sya, kung nandito lang sana sya eh sana masaya na kami ngayon na nagdiriwang ng kaarawan ko. Hindi ko na mapigilan ang nga luhang kumakawala sa mga mata ko.

"Mama.. kung nasaan ka man *sob* tandaan mong mahal na mahal din kita *sob*. Salamat sa pagbati mama"

Makulimlim ang langit sa labas ng coffee shop, parang nakikiayon ito sa nararamdaman ko.

"Janine may nagpapabigay oh" bungad sa akin ni Alyza nang makapasok ako. Nakita ko ang mga libro ngunit hindi lang basta libro, parang ginawa nya iyong bouquet but instead of flowers ay libro ang naka-lagay

"Kanino daw galing?"

"Hindi ko alam eh, nakita ko lang na nakapatong yan dyan at may nakasulat na pangalan mo" May maliit letter yun at hindi pa nabubuksan dahil halata naman sa pagkakatupi nito.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon