Chapter 14

34 4 3
                                    

"Janine, pakihatid nga ito sa manang Milda mo" Katamtamang lakas na sabi ni tita galing sa kusina isang araw. Sikat na sikat na ang araw at presko din ang hangin, oras na kasi ng tanghalian.

"Sige tita" inilahad nya sa akin ang mangkok, may laman iyong ulam na hindi ko matukoy kung ano. Bago kasi ito sa paningin ko.

"Amoy masarap ah" nakapikit na aniko matapos amoyin ito.

"Sino pa ba ang babaeng masarap mag luto dito?" nakataas ang isang kilay nya ngunit natatawa din. Halatang nagbibiro. Bahagya kong itinaas ang hintuturo at inilagay iyon sa aking baba, pinagsingkitan ko din sya ng mata bago malapad na ngumiti.

"Walang iba kundi ang mahal kong tita!" Masiglang sabi ko. Inilapit ko pa sa kanya ang mangkok at bahagyang sumayaw. Sabay kaming natawa.

"Hay naku, ihatid mo na nga lang  iyan. Mag-ingat ka, dalawang kamay ang ihawak mo" paalala nya.

"Tita naman..." ngumuso ako sa harapan nya "Para naman akong bata na tinuturuan pa" sabay na naman kaming natawa.

Hindi na nasundan ang pag-uusap kaya dumiretso na ako sa bahay ni manang. Katamtaman lang ang laki nito at masyadong tahimik.

"Manang?" pagtawag ko dito at bahagyang kumatok. Ngunit sa halip na si manang ang mag-bukas ay sinalubong ako ng batang si Robert.

"Ate?" puno ng pagtataka ang bumalot sa mukha ni Robert.

"Robert! Hello" ngiting bati ko at bahagyang pinisil ang pisngi nyang nasa bandang baywang ko lang. Inilibot ko ang paningin sa loob at napansing hindi lang pala labas ang tahimik, pati na rin ang loob ng bahay "Nasaan si mama mo?"

"Umalis po ate eh may pupuntahan lang daw" nangunot ang noo ko, hindi makapaniwala.

"Naiwan kang mag-isa?"

"Okay lang naman po ate, babalik din naman agad si inay" sa halip na malungkot ay nakikita sa mga mata ng bata ang labis na kasiyahan.

'Weird'

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi gawin ang pakay ko dito "Ganon ba? Ilalagay ko nalang 'tong ulam sa lamesa nyo. Okay?"

"Sige po" ngiting sagot nito.

"Isarado mo ang pinto Robert ha? Wag kang magpa-pasok ng iba" paalala ko dito nang paalis na ako. Nakaupo ako sa tapat nya upang magkapantay kami.

"Opo ate, pabalik na naman siguro si nanay" ngiti at tango lang ang nagawa ko bago umalis.

~~~

"Kailan ba bibisita ang mga kaibigan mo dito?" tanong ni tita habang nasa hapag kami at naghahapunan, kinagabihan.

"Hindi ko po alam e, siguro ay bibisita iyon kapag may oras na. Alam mo na tita... may mga trabaho"

"Sabagay" nakita kong paulit-ulit syang tumango "Hindi mo ba sila na miss?"

"Syempre, na miss ko silang lahat tita" natigilan ako at bahagyang nalungkot sa susunod kong sabihin. Lumingon ako sa gawi ni tita at binigyan sya ng mapait na ngiti "Pero wala akong magawa, natatakot ako"

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon