Chapter 16

32 3 8
                                    

Kasalukuyan kong inihahalo ang mga sangkap sa niluluto ko nang sumulpot si Chris sa gilid. Agad nyang kinuha ang sandok at sinabing sya na daw ang bahala. Sa halip na hayaan syang gawin ang lahat ay tinulungan ko parin ito, hindi nga lang sa mismong paghahalo o pagluluto. Naghiwa nalang ako ng iba pang mga sangkap. Rinig na rinig ang pagtama ng bakal na sandok sa kawali, sumabay din nang magsalita si Chris.

"May itatanong lang sana ako,"

'Sabi ko na nga ba't may rason talaga kung bakit nandito itong lalakeng to'

"May iba akong gusto." Bigla na lang ay lumabas sa bibig ko, hindi ko namalayan kung saan ko nakuha o nahugot ang rason na yon. Mukhang alam ko na kasi kung saan mapupunta ang usapan. Kumunot ang noo nya at bahagyang natawa.

"Ha? Anong sinasabi mo dyan?"

"B-bakit? Inunahan lang naman kita, ayaw mo 'non?" sa halip na sumagot ay mas lalo pa itong tumawa.

"Itatanong ko lang naman kung anong regalo ang gusto ng mga babae,"

"Ah.. ganun ba?" Napapahiya akong tumawa bago lumapit sa kanya upang maglagay ng sangkap sa kawali "Ewan ko, hindi naman magkatulad ng gusto ang lahat ng babae, depende iyon" nagpakawala sya ng buntong-hininga bago ginalaw ang inilagay ko.

"Hmm ang hirap naman palang mamili"

"Obserbahan mo nalang ang taong pagbibigyan mo. Makikita mo kung sa anong bagay sya nawiwili o anong bagay ang gusto nya, siguro ay yun ang iregalo mo" hinarap ko sya at pinamewangan  "Bakit, sinong pagbibigyan mo?" hindi nya sinagot ang tanong ko pero ngumiti ito na alam ko ang saktong kahulugan. At nasisiguro kong hindi ako ang tunay na dahilan ng ngiting iyon. Napangiti ako sa iniisip.

'Masaya ako para sa 'yo'

"Na realize mo na talaga." Wala sa sariling nasambit ko. Kumunot ang noo nya ngunit nananatili parin ang mahinang pagtawa.

"Ang alin?" Simpleng iling lang ang tanging naisagot ko bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Noon ay nahihirapan akong isipin kung paano na ang pagkakaibigan namin ni Alyza dahil lang kay Chris pero nag-iba na ngayon. Base sa ngiti at sa mga mata ni Chris ay may iba na itong iniibig, at masaya ako 'don. Hindi ko man nasisigurong si Alyza yon pero masaya pa din ako, dahil sa huli ay na realize na nyang pagmamahal lang ng kaibigan ang maibibigay ko sa kanya.

Narinig naming bumukas ang pinto ng kwarto ni Alyza at sinundan iyon ng presensya nya. Halatang bagong gising pa ito at inaantok pa. Nasa kabilang kwarto naman si El na nakatabi kong matulog, hindi pa ito bumabangon kaya kaming tatlo lang ang nandito.

Pinagmasdan ko si Chris, inaalam ko kung may kakaiba sa pagtingin nya kay Ly. Pero parang wala lang sa kanya. Sabagay, ganyan naman talaga ang iba. Kapag nandyan na ay binabalewala, pero kapag wala na saka naman hinahanap. Napangiti tuloy ako sa sariling iniisip. Tumulong din si Alyza sa amin pagkatapos nyang mag ayos.

"Uuwi na pala kami mamayang hapon," saad ni Ly sa kasagsagan ng pagkain namin. Gulat akong napatingin sa kanila at nalulungkot na ngumuso.

"Ganun kadali?"

"Oo e, alam mo na ang dahilan. Ayaw ko pa nga pero papagalitan naman ako" si Ellie na ang sumagot. Pinagmasdan ko ito at alam kong totoo ang sinabi nya.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon