Chapter 21

34 3 0
                                    

Lahat ng tao ay nagwawakas ang buhay na pansamantalang hiniram, ngunit kaya mo bang tanggapin kapag nalaman mong sapilitan lang ito? Na hindi pa oras nya pero nawala ito dahil sa brutal na kagagawan ng iba?

Bata pa lang, tinuruan na akong magpahalaga sa kapamilya at ibang tao. Palaging pinapaalala sa akin ni mom na mahalin si tita lalo na't si tita ang magsisilbing ina kapag nawala sya.

"Walang hiya sila, akala ko ba ako lang ang kailangan nila? Bakit dinamay nila si t-tita?!" Nakakuyom ang kamao ko't nakatingin ng masama sa kung saan. Patuloy na umaagos ang mga maiinit butil ng luha sa aking pisngi "Sya na lang yung natira sakin e... bakit pa nila kinuha?"

"Sisiguruhin nating mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni tita, wag kang mag-alala" naninigurong saad ni Ryle. Hinarap ko ito. Hindi ko na napigilan ang paghagulhol na sinabayan ng paghampas ko sa sariling dibdib, sumisikip ito dahil sa galit, puot at lungkot na nadarama.

"Ryle ang sakit, sobrang sakit na. Lahat na lang kinukuha sakin, masama ba akong tao? Ha? Naging masama ba ako para maranasan ko ang ganito?" Sa pagkakataong iyon ay dahan dahan nya akong nilapitan. Naramdaman ko na lang na ikinulong nya ako sa kanyang bisig habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok.

"Hindi, syempre hindi ka masama. Wag mong isipin yan"

Kung alam ko lang na huli na pala naming pag-uusap yon ni tita, hindi ko na sana nilagyan yun ng pagtatapos. Kung alam ko lang na papatayin sya don, hindi ko sana sya iniwan. Ang dami ko pang bagay na hindi nasasabi sa tita ko. Ni minsan, hindi ako nakatanggap ng masasakit na salita sa kanya. Ni minsan, hindi nya ako napagbuhatan ng kamay katulad ng ginawa ng isa sa myembro ng aking pamilya. Ni minsan, hindi nya pinaramdam sakin na wala syang pakealam.

Parang kailan lang, nagtatawan pa kami, nagbibiruan at naglalambingan. Tandang tanda ko pa kung paano sya tumawa at na abot hanggang tainga kapag may nagagawa akong nakakatawa o mabuting bagay. Si tita ang gumabay sa isang Janine Cordeza...

Ngunit baki't kailangan pa syang kunin sakin?

Sa pag-abot ni Ryle ng isang basong tubig sa akin, agad yung marahas na gumalaw dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa din nagsi-sink in sa akin ang lahat. May nakahandang pagkain ngunit hindi ko yun tinapunan ng tingin at ginalaw kahit minsan. Napapapikit ako sa sakit kapag inaalala ang mga huling sandali kasama si tita.

"Basta't ipangako mo... na kahit anong mangyari, wag mong hayaaang tuluyan kang ilubog ng mga masasamang tao"

Napamulat ako dahil sa natandaan. Nangako ako, kailangan kong tuparin yon, hindi dito nagtatapos ang lahat! Napatayo ako't nagpakawala ng malakas na buntong hininga, na naging dahilan ng pag-baling sa akin ng kasama ko na kasalukuyang nakaupo sa sofa.

"Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang ilubog ako ng tuluyan ng mga masasamang tao" napatayo din sya 't marahang lumapit sa gawi ko, hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Ganyan nga, malalampasan mo din ito... malalampasan natin to, dahil kasama mo 'ko"

Kinausap ako ni Ryle tungkol sa pag-alis namin sa hotel. Nalulungkot pa rin ako pero hindi ko hahayaang masundan kami dahil sa pagmumokmok ko. At nakakasiguro naman akong si dad ang mag-aayos ng libing ni tita. Inayos na ni Ryle ang lahat mula sa bayarin at lahat lahat, lalabas lang sa room ang kailangan kong gawin. Mabilis ding lumipas ang oras at handa na ang lahat.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon