Chapter 25

59 4 14
                                    

Tahimik ang bahay na pinuntahan namin, inabandona na ata ito. Mapapansin ang makakapal na alikabok na bumabalot sa mga paintings sa dingding. May mga puting kurtina din ang nakatakip sa iba pang malalaking gamit dito. Tahimik lang din kaming dalawa habang naglalakad, sinusundan ko lang kung saang parte sya ng bahay pupunta.

Pumasok kami sa malakaing silid na mukhang opisina ng kung sino. Kaninong bahay ba to?

"Janine, anak..." narinig kong pagtawag sa aking pangalan. Hindi ko alam ang iaakto ko kaya pinili ko na lang manahimik. Walang imik akong tumitig kay dad na nakatayo sa nakasaradong bintana "Buti naman ata makakausap na kita ng maayos"

"Sabihin mo na lang kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayari ngayon." Diretsong saad ko. Naramdaman ko ang bahagyang paglingon sa akin ni Ryle na nasa bandang gilid. Nagulat siguro sya dahil ganun ako makipag-usap sa lalakeng nagpalaki sakin. Pero hindi nya ako pinigilan, alam nya kung ano ang dahilan kung bakita ganito ako ngayon. Napabuntong-hininga si dad bago magsimula sa pagku-kwento.

"Tatlong taon na ang nakakaraan nang may nagawa akong kasalanan" sumilay ang mapanglait na ngisi sa aking labi.

"Makasalanan ka naman talaga" bulong ko, alam ko din namang narinig yun nila. Bahagya akong hinawakan ni Ryle sa balikat. Sinusuway na.

"Malakas ang ulan noon. Iniwan ko kayo ni Elizabeth sa bahay dahil sa isang tawag. Pinuntahan ko si Sherry sa bahay para tulungan dahil manganganak na sya nang araw na yon"

'At sya ang ama'

Napairap ako, bakit kasi hindi nya pa diretsuhin. Pinilit kong pahabain pa ng pasensya.

"Sobrang kapal ng hamog ng gabing yon. Nagmamadali din ako sa pagpapatakbo ng sasakyan kaya hindi ko namalayang may nabangga ako" nagsimula na syang maging emosyonal. Napaupo si dad sa silya at doon isunobsob ang kanyabg mukha sa sariling mga kamay. Problemado

"At ngayon... ngayon, gusto nilang pagbayaran ko ang kasalanan kong iyon. At ikaw ang gusto nilang saktan" sandali akong natigilan. Walang ibang maririnig kundi ang kabog ng dibdib ko. Wala naman akong kasalanan kaya bakit kailangan pa akong idamay? Nakita ko na lang na may hawak na sobre si dad "Natanggap ko ito, kamakailan lang" pinakatitigan ko ito ng mabuti, doon nanlaki ang mga mata ko.

"Yan yung sobreng napanaginipan ko! May tatak na R, tama?" Dahan-dahang tumango si dad. Tama nga ako yan yung napanaginipan ko. So, nung una pa lang talaga, alam ko na ang ibang mga pangyayari.

"Nalaman kong Rico ang ibig-sabihin ng letrang to at iyan din ang pangalan ng taong gustong pagbayaran ang kasalanang nagawa ko" Tahimik lang akong nagkuyom ng kamao.

"Alam kong may nagawa akong mali sayo, pero hindi pa rin mawawala ang pagaalala ko bilang ama mo" walang imik akong tumitig sa kanya "Nadamay pa pati ang tita Lara mo." Mababakasan man ang emosyon ngunit hindi mawawala ang malalim na boses nya. Binalewala ko ang mga sinasabi ni dad.

"Nabigyan ba ng maayos na libing si tita?" Marahan itong tumango at pinakatitigan ako ng matagal bago mag-salita.

"Pero Janine, hindi mo pa pweding bisitahin sa puntod nya. Saka na kapag maayos na ang lahat"

"Alam ko"

Mabilis na lumipas ang minuto, gusto kong makausap ang ama ko ng pribado kaya pinauna ko na si Ryle sa sasakyan. Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon