Chapter 4

56 7 29
                                    


"A-Anong ibig mong sabihin? Hindi mo naman ako kailangang ihatid sa coffee shop araw araw" gulat na gulat talaga ako.

"No. Ihahatid kita, dun na din kasi ako mag tatrabaho mula ngayon kaya.. Sabay na tayong pumunta dun" seryoso talaga sya, halata kasi sa mukha nya. Kung kanina ay ngingiti-ngiti sya, malaking kabaliktaran ang ekspresyon nya ngayon.

"Okay lang naman kung hindi mo ako isabay" pinilit ko pang ngumiti pero hindi ko kaya, nakakatakot at seryoso nyang mukha.

"Janine sumakay ka na, ayokong mapahamak ka. Araw araw, dapat sabay tayong pumasok doon"

'Seryoso ba talaga sya dyan sa araw araw na pagsabay sakin?'

"Bat naman ako mapapahamak?"

"Nabalitaan ko ang nangyari kagabi, sinabi sakin ng kaibigan ko. Kung nagtatanong ka kung sinong kaibigan, yun yung nag ligtas sayo." Natigilan naman ako sa sinabi nya.

"Nasaan ba sya ngayon? Para makapag pasalamat man lang ako sa kanya" mahinang sambit ko.

"Wala. Umalis sya kahapon. Pumuntang ibang bansa." Wow ang bilis naman, hindi na tuloy ako makakapag-pasalamat sa kanya. Pero pwede namang..

"Teka may number ka.. " hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla syang sumagot.

"Wala" nagmamadali ba sya at bakit ang bilis nyang makasagot? "Sumakay ka na nga, gusto mo bang ma late?" Halatang naiinis na sya sa akin, kunot na kunot na kasi ang noo.  Sino bang may sabing sabay kami diba? Pwede naman nya akong iwan dito.

"Wag na! Mukhang naiinis ka na eh" bigla namang humupa ang pagka-kunot ng kanyang noo at napalitan ito ng seyosong mukha.

"Maiinis talaga ako kapag hindi ka pa sumakay" Ayan seryosong seryoso na talaga sya "Sabi ko naman sayo na.. Kapag kasama mo ako, asahan mong ligtas ka. Kaya simula ngayon ay wag kang aalis sa tabi ko" natulala nalang ako sa sinabi nya.

Lumapit sya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Isuot mo na to" sabay abot sa akin ng helmet.

Kasalukuyan kaming umaandar ng mabilis, malapit na din kasi kaming ma late. Nakahawak lang ako sa gilid nya at itinutuon ang tingin sa kalsada.

"Ryle, nabanggit mo kanina na dun ka na rin sa coffee shop magtatrabaho simula ngayon. Paano nangyari yun? I mean kailan ka nag apply?"

"Kahapon"

"K-Kahapon? Hindi naman kita nakita ah"

"Paano mo ako makikita kung nasa kitchen ka palagi?" May point nga naman sya.

"Bakit natanggap ka 'agad' doon? At bakit doon mo naisipang mag-trabaho?" Nakitang kong gumalaw ang likod nya na parang bumuntong hininga.

"Ang dami mo namang tanong, basta kailangan ko ng 'pera' ngayon kaya naisipan kong magtrabaho" Hindi ko alam na madali palang maubos ang pasensya nya.

"Isang tanong na lang, pwede? "

"Sige." Diretsong diretso sya kung makasagot ngayon ah, anong problema nya? Okay naman sya kanina.

"Saan mo nakuha yang sugat mo sa kamay? " Kanina ko pa kasi napapansin ang sugat nya sa kamay na ngayon ay nakapatong sa manibela.

"Nahiwa ng kutsilyo nung nag hihiwa ako ng pagkain" nararamdaman kong seryoso sya sa sagot dahil dire-diretso ang kanyang pagakakasabi.

"Okay" yun lang at nanahimik na ako.

"Hoy shunga! Dalawang beses ka na nyang hinahatid ah? Wag mong sabihing nagkataon lang?" Salubong ang kilay ni Alyza ngayon at sinusuri ang presensya ni Ryle.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon