Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi. Ipinikit ko muna ang aking mga mata at dinama ang lambot ng aking aking kama.
Araw ng Lunes, babalik na ako sa aking trabaho. Isa akong barista sa isang coffee shop at magiisang taon na ako don. Bigla kong naalalang alas nuwebe pala ang pasok sa trabaho ko.
"Teka anong oras na ba?" Napabalikwas ako sa kama ko ng makitang eight thirty na ng umaga. Dali-dali akong naligo at kumain ng bread, hindi na ako nag kanin dahil wala na akong oras para magluto. 8:45 na nang makababa ako sa condo, dumiretso agad ako sa gilid ng kalsada at naghanap ng taxi.
Limang minuto na ang nakakaraan at hindi pa din ako nakakahanap ng taxi.
"Sakay ka na" Nararamdaman kong nagkasalubong ang aking mga kilay, sino ba tong lalakeng to? Naka helmet sya at naka all black sakay ng motor nya.
"Teka! Sino ka ba?" Tinanggal nya ang kanyang helmet at ipinakita ang mukha nya. "I-ikaw yung gumamot sa akin diba?" Ngumiti ito at inilahad ang kanyang kamay.
"Ryle" pagpapakilala nya sa akin.
"Ah.. A-ah Janine"
"Sa tingin ko ay nagmamadali ka, sumakay ka na Janine. Ihahatid kita" Ang napakalawak nyang ngiti ang nakakapag gambala sa akin.Wala naman akong ibang choice kasi mukhang wala talaga akong masakyan ngayon. "Bakit? Hindi ka pa ba nakasakay sa motor?" Tumango lang ako bilang tugon. Nahalata nya siguro ang mukha kong nababahala. "Wag kang mag-alala, kumapit ka lang sa motor.. " nagsimula na akong maglakad papalapit sana sa motor nya ngunit may bigla itong ibinulong at hindi ko talaga narinig iyon.
"Ryle, may sinasabi ka?"
"Ah nothing.. Isuot mo na tong helmet" Kinuha ko sa mga kamay nya ang black helmet at isinuot ito. Sinabi ko na sa kanya kung saan ang destinasyon ko at umandar na kami. Tinignan ko muna ang aking relo at nanlaki ang mata nang mapagtanto na limang minuto nalang ay maga-alas nuwebe na.
"Ryle" nakakapit ako sa likod ng motor nya. "Uhm kasi dapat alas nuwebe nandon na ako sa pinag.. Ahhh!" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pinatakbo nya ito ng mabilis, muntik pa akong mahulog kaya niyakap ko sya sa likod. Nang mapagtanto ko ang aking ginawa ay inilipat ko ang kamay ko sa gilid nya.
"Sorry, asahan mong makakarating tayo doon nang mabilis" natawa sya nang mahina. Feeling ko tuloy yun talaga ang intensyon nya, ang mapayakap ako sa kanya pero pwede rin namang hindi, napapraning lang siguro ako. Mayamaya ay nakarating na kami sa coffee shop. Dali-dali akong bumaba at tinanggal ang helmet
"Salamat talaga, hulog ka talaga ng langit. Bye! " Tumakbo na ako papasok sa loob, nadinig ko pang may sinasabi sya pero hindi na ako lumingon sa kanya.
"Uy Janine, sino yun? Boyfriend mo noh?" Tanong ni Alyza nang makapasok ako sa loob. Sya ang cashier dito.
"Hindi noh, ngayon ko lang naman nakilala yun"
"Eh.. Bakit ka sumama sa kanya?"
"Wala kasi akong masakyan kaya nagprisinta syang ihatid ako"
"Ganon ba.. Sige Janine pumasok ka na dun, may paparating oh" lumingon naman ako sa parking lot na katapat lang nang coffee shop, at tama nga si Ly may naka park na doon at may tatlong tao na lumabas. Pumunta na ako sa kitchen, sinuot ang pink na apron at inilagay ang hairnet sa buhok kong naka bun.
![](https://img.wattpad.com/cover/222796799-288-k281654.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
RastgeleJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...