Chapter 7

47 4 10
                                    

Napalingon ako sa gilid at nakita ang isang ale. Mukhang sya yung kausap ni tita Lara kahapon sa katabing kubo. Napalingon din ito sa akin at marahang ngumiti.

"Hindi ko inaakalang ganyan ka na ka ganda at kalaki ngayon Janine" Nanlaki ang mga mata ko at napaturo sa sarili.

"Kilala nyo po ako?" Marahan itong tumango at dahan dahang hinawakan ang aking buhok.

"Hindi mo ba ako naalala?" Marahan akong umiling dahil hawak nya pa din ang ilang hibla ng buhok ko. "Sampung taon ka pa lang noon nang umalis sa trabaho at umuwi sa mga anak ko. Ako ang nag-aalaga sa iyo ng sampung taon, mula nang ipinanganak ka hanggang sa umalis ako"

"Manang Milda?"

"Ako nga ito.." Niyakap nya ako ng mahigpit at binulong ang mga katagang. "Napag-alaman ko ang nangyari sa iyong ina, nakikiramay ako" ngumiti na lang ako kahit na nakayakap pa din sya sa akin. Nang kumawala na kami sa isa't isa ay pareho kaming napatingin sa dagat.

"Manang pano nyo po nalaman ang linyang yun ni mommy?"

"Bata ka pa noon nang pumunta tayo dito, ako ang nagbabantay sayo noon kayo nasa tabi mo ako sa lahat ng oras. Nang sinabi ng mama mo ang mga katagang iyan, nandun ako at narinig ang lahat" Napatango nalang ako.

"Manang? Bakit ka po pala umalis?"

"May mga personal lang akong inasikaso. Ang bilis ng panahon Janine noh? Yung alaga ko noon dalagang dalaga na ngayon"

"Sayang nga lang kasi hindi na masusubay-bayan ni mom ang iba pang mangyayari sakin manang"

Sandali kaming natahimik, nilingon ko si Ellie ngunit nasa malayo ito kasama si tita Lara at may nilalarong bata na sa tingin ko ay nasa anim na taong gulang.

"Magiging masaya ka din balang araw. Makakangiti ka rin na walang halong sakit. Ang kailangan mo lang ay tanggapin dahil nagyari na ito"

"Matagal ko na pong tanggap manang. Nasasaktan lang ako dahil pinili kong manahimik kahit alam kong may magagawa ako"

"Nabanggit ng tita Lara mo na nagpunta kayo dito para makapag-relax kaya dapat masaya lang, wag mo munang isipin iyan" pareho kaming natawa na lang.

"Manang, ang laki po ng ipinagbago nyo. Hindi ko nga po kayo nakilala agad e"

"Ayy naku! Marami lang problema ang manang Milda mo kaya tumatanda na"

"Ay hindi po, para nga po kayong bata e"

"Wag mo nga akong bolahing bata ka" sabay kaming napahalakhak. Naisipan naming umupo doon sa malaking bato na inupuan namin ni Ellie kahapon, nangangalay na din kasi ang mga paa namin. "Iha, may sasabihin ako sayo, makinig kang mabuti"

"Ano po iyon manang?"

"Mag-tiwala ka anak, mag tiwala ka sa taong magliligtas sayo dahil saa mundong ito, maraming masasamang tao ang may masasamang balak"

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Nanganganib ang buhay mo, kailangan mong mag-tiwala sa taong magliligtas sayo" nanatiling tikom ang bibig ko at nakatingin ng diretso sa mga mata ni manang Midla.

'May kinalaman ba to sa mga napapanaginipan ko at ang markang nakikita ko?'

"Maiintindihan mo din ang lahat, hindi pa sa ngayon ngunit darating din ang panahon" Magsasalita pa sana ako nang biglang sumulpot sila tita Lara, Ellie at yung batang kasama nila.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon