"Isa... dalawa... tatlo..." pagbilang ko sa talulot ng bulaklak na tanim ni tita sa loob ng bahay. Nasa paso ito at inilagay sa maliit na mesa, nakayuko din ako para maging pantay ang bulaklak at mata ko. Sa sobrang bored ko, miski ganitong bagay ay pinagtutuonan ko ng pansin. Wala na akong ibang magawa simula nang umuwi ang mga kaibigan ko.
"Apat... lima... " pagpapatuloy na bilang ng taong nasa harap ko, ang katamtaman na lalim ng kanyang boses ang naging dahilan para mapalingon ako. At hindi na ako nagulat pa nang si Ryle ang syang kaharap ko. Diretso itong nakatingin sa bulaklak, o baka nagkakamali ako dahil sa akin sya nakatingin. Naging dahilan iyon ng pag-ayos ng aking tayo.
"Bakit ba nakakapasok ka na lang ng basta dito?" Kunwari'y galit na tanong ko, humalukipkip pa ako para maging mukhang makatotohan ito. Umayos din sya ng tayo at hinarap ako.
"Tsk close kami ni tita Lara, may problema ka don?"
"Anong kailangan mo?" Malawak itong ngumiti ngunit nananatiling hindi nakikita ang ngipin. At aaminin kong sobrang cute nyang tignan kapag ganon.
"Wala naman, gusto lang kitang makita" natigilan ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Alam ko namang biro lang ang mga sinasabi nyang ganyan pero hindi ko maiwasang umasa na sana ay totoo ito "Ikaw ba?"
"A-ano?" Inilapit nya ang mukha sa akin na naging dahilan ng pag-atras ko, muntik pa akong matumba kung hindi nya ako nasalo.
"Gusto mo din ba akong makita?" Diretso ang tingin nya habang hawak pa din ang bewan ko, nakahawak naman ako sa balikat nya. Sa sobrang lunod ko sa pagkakatitig sa kanya, hindi ko namalayang ilang minuto na palang gano'n ang puwesto namin. Agad akong umayos ng tayo at tumalikod sa kanya, napahawak ako sa magkabilang pisngi. Ramdam kong nag-iinit na ito kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Tigilan mo nga ko sa kalokohan mo"
"Sabihin mo na kasing gusto mo din akong makita" pangungulit nya, sinusundan ako kung saan pumunta.
"E kung sabihin mo din kaya kung ano ang totoong pakay mo dito?!"
"Part ba to ng araw araw na pag-aalaga?" Napaharap ako sa kanya na may nagtatakang tingin "Titiisin ko na lang, baka makatikim pa ako ng sapak galing kay Ellie"
'Ahh so gagawin nya talaga yung birong bilin ni El? Aiish'
"Kung ako kaya ang sumapak sayo?" Pinakita ko ang kamao kaya agad nyang hinarap ang dalawang kamay upang pigiln ako.
"Wag, wala ng mag-aalaga sayo kapag ganon"
"Para kang ewan" padabog akong lumabas sa pinto at siniguradong hindi nya ako masusundan. Gusto kong magseryoso sya sa mga sinasabi, gusto kong totoo lang ang lumalabas sa bibig nya, gusto ko ding malaman nyang ayokong umasa sa mga bagay na biro lang para sa kanya.
Naglakad ako nang naglakad, naabutan ko na lang ang sariling nakaupo sa malaking bato. Matunog na pagbuntong-hininga ang napakawalan ko. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman, gulong-gulo ako ngayon. Natanaw ko ang namamangkang si mang Pedro sa gitna ng karagatan, tumatawa ito kasama ang kanyang anak na lalake. Siguro ay sinasanay nya ito. Napangiti na lang ako, hinahangad na sana ganyan din sakin ang ama ko pero malabo na iyon. Malabong malabo.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
AcakJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...