"Huy Janine" Nabalik ako sa ulirat nang tapikin ni Alyza ang balikat ko. "Kanina pa kita kinakausap"
"H-hah? Ano nga ulit yun?" Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari, gumugulo kasi sa isipan ko yung napaginipan ko kagabi.
"Janine, pangalawang beses mo nang pinaulit sa akin yung sinasabi ko. May nangyari ba? Bakit parang wala ka ata sa sarili?"
"A-ah ah w-wala wala, wala namang nangyari"
"Sigurado ka?"
"Ah oo, siguro dahil lang to sa pagod kaya lumilipad ang utak ko"
"Siguro nga, oh sya sige eto na yung order" sabay abot sakin nung list. Sinimulan ko na ang trabaho at pilit na tinutuon ang pansin sa ginagawa ko.
Ngunit bigo ako, hindi ako makapag-focus. Ang daming tanong na bumabagabag sa isipan ko.
'Anong ginagawa nung lalakeng yun sa panaginip ko?'
'Saka yung marka sa kutsilyo, bakit sobrang pamilyar non sakin?'
'Saan ko nakita yun?'
'Posible bang magkatotoo ang panaginip kong yun?'
"Janine!" Napalingon ako sa aking gilid at nakita si Chris na nakabuka ang baba. "T-tignan mo ang ginagawa mo" Bigla akong napatingin sa hawak ko, hindi ko namalayang sobra sobra na pala ang gatas na nilalagay ko at umapaw na ito.
"P-pasensya na" utal na sabi ko
"Janine okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Lumapit si Chris at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako" Ngumiti lang ako sa kanya, kinuha ko ang kamay ko at tumalikod na.
Hindi ko maintindihan pero iba ang kinikilos ni Chris nitong mga nakaraan. Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa ang mga kilos nya.
Pagkatapos ng tarabaho ay dumiretso ako pauwi, marami pang tanong si Alyza at Chris ngunit pinakiusapan ko silang ipagpaliban muna.
Humiga ako sa kama at pinatay ko na ang ilaw sa lampshade. Madilim na at tanging ang liwanag nalang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng aking unit. Nakakahiya mang aminin pero parang natatakot akong matulog, natatakot ako na managinip na naman ng masama.
Ilang minuto din akong mulat at pilit na ginigising ang sarili ngunit hindi ko rin mapigilan ang makatulog.
"Hindi pwede! Sino ang hampas lupang nagsulat nito? Sino?!" Nanggagalaiting bulyaw ng tatay ko. Napayuko ang assistant nya.
"Paumanhin po sir pero kasaluyung pa naming tinitignan ang cctv"
Biglang naging blur ang lahat at nakita ko nalang na nasa office na ako ni dad, lumapit daw ako sa table nya at nakakita ng maliit na sobre. May nakasulat doon na 'RICO' at may marka sa ilalim.
Pawis na pawis na naman akong bumangon sa kama. Hindi ko na alam ang nagyayari, dalawang magkakasunod na panaginip na at sa dalawang panaginip na iyon ay nakikita ko ang markang iyon. Hindi malinaw ang pagkakakita ko noong unang panaginig pero alam ko, alam kong parehang marka lang ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
RandomJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...