Chapter 24

39 3 16
                                    

Walong taong gulang si Ryle nang una syang makapunta sa bahay namin. Ang kaniyang ina na si manang Milda ay dinala sya doon dahil gusto syang makita ni dad, kasama sa kasunduan ni dad at manang ang pag-aralin si Ryle. Sinagot yun lahat ni dad. Manghang-mangha sya noon dahil sa ganda ng istruktura bahay, pati na ang tanawin na makikita sa labas. Tumatakbo ako noon dahil tinatawag ako ng mga kaibigan, sya lang ang nakakita sakin. Doon sya natigilan, pitong taong gulang ako noon. Hindi nya inaasahang hahanga sya sa anyo na mayroon ako. Pinatira sya sa kalapit na bayan kasabay ng pagpapa-aral sa kanya ni ama.

Sunod nya akong nakita noong labing-limang taon gulang na ako. Hindi na nagtatrabaho samin si manang ngunit patuloy pa rin na pinag-aaral ni dad ang anak nito, dahil lang din sa kagustuhan nya. May ginagawa ako ng mga panahong yon kaya hindi ko na naman sya nakita sa pangalawang pagkakataon. Pero alam na daw ni Ryle ang totoong nararamdaman nya, alam nyang humahanga na sya sa anak ng nagpapa-aral sa kanya.

Nang humantong sya sa edad na labingsiyam, pinatawag sya ni dad at kinausap. Doon nagsimula ang tinatawag nilang 'misyon'. Halo-halo ang nararamdaman nya noon, nandon ang excitement dahil makikita nya na daw ako ngunit nandon din ang kaba dahil sa kaligtasan ko. Hindi sinabi ni dad sa kanya ang buong kwento kung bakit nasa panganib ang buhay ko ngayon, dapat lang ay protektahan nya ako at alagaan.

Yan ang ikinuwento ni Ryle habang nakaupo kaming dalawa sa kama.

"Hindi kasama sa usapan namin ni sir Miguel ang pagbibigay ko ng mga libro sayo, kusa ko yung ginawa dahil gusto ko at alam kong yun ang gusto mo" seyosong aniya, nakahawak sa isang kamay ko. Tinignan nya ako ng diretso "At yung letter na nakita ni Ellie noong na hospital ka, ako din ang nag-lagay non. Nag-alala talaga ako lalo na't alam kong ikaw lang mag-isa. Gusto man kitang alagaan noon pero natatakot ako na baka mawirdohan ka sakin" parang nanlambot ang puso ko dahil sa sinseridad na pinapakita nya. Kung kanina ay nakakaramdam na ako ng galit dahil sa tinatago nila, nawala iyon lahat dahil sa mga paliwanag nya.

"Kung ganon, bakit hindi ka nagtapat ng maaga?" Sandali syang natahimik, ramdam ko ang paghaplos ng hinlalaki nya sa kamay ko "Ryle..."

"Inuna ko yung misyon na inatas sakin ng ama mo. Natatakot din ako kung ano ang sasabihin nya kapag may pag-tingin ako sa anak nya. Ayokong isipin nya na wala akong utang na loob, kaya pinilit kong kalimutan to" mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko, itinapat nya ito sa dibdib nya "Pero Janine, hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko ngayon. Mahal na yata kita" natitigilan ko syang tinignan.

~~~

Gabi na't lahat pero patuloy pa din ako sa paggulong-gulong sa kama. Andami kong na realize. Hindi dapat ako magalit sa kanya dahil napag-atasan lang sya, sa katunayan nga ay dapat akong magpasalamat dahil pinoprotektahan nya ako, hindi lang dahil yun yung nautos sa kanya kundi dahil din sa nararamdaman nya. Andami kong nalaman sa araw nato pero hindi mawawala sa puso't-isip ko ang katotohanang gusto ko sya lalo pa't nalaman ko na ngayon ang kwento nya, at ang nararamdaman din nya. Binigay ko ang buong tiwala sa kanya, oras na rin siguro na idamay pati ang puso ko. Tutal, yun naman talaga ang totoo. Pero hindi ko pa kayang umamin ngayon, ngayong may problema pa.

May bagay pa akong hindi pa nalalaman, ang rason kung bakit ako hinahanap ngayon at sino sila. Dapat mahanapan ko yun ng kasagutan.

Tahimik at madilim na sa labas. Nangingibabaw ang tunog ng mga kuliglig. Nakasuot ako ngayon ng jacket dahil malamig, maghahating-gabi na rin kasi.

Maraming bituin sa kalangitan ang nagniningning. Iba't-iba man ang sukat nito, lahat ay maganda kapag tinitignan ng dalawang mata. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagtikhim ng isang tao galing sa gawi ng sasakyan. Nakasuksok ang dalawa kong kamay sa jacket habang pumapanhik doon.

"Umiinom ka lang mag-isa?" Tanong ko nang makitang may hawak itong beer. Nakatayo ito sa likod ng sasakyan habang tinitingala ang kalangitan, malalim ang iniisip. Nakakatawang isipin na hindi ako nakakaramdam ng hiya kahit na umamin na sya. Parang noong isang araw lang ay mamamatay ako sa hiya dahil sa naudlot na pangyayari, ngunit ngayon heto ako't saya ang tanging nadarama sa kanya. Siguro'y ganon talaga kapag natauhan ka sa sarili mong nararamdaman. Ano kayang feeling nya ngayong umamin na sya? Kinikilig ako.

"Mukha ba akong may kasama?" Natawa ako sa tanong nya. Wala syang reaksyon na nakatingala pa din sa langit, hindi man lang ako sinulyapan. E kung ipaalala ko kayang umamin sya kanina? Baka mamula to sa hiya.

"Wala... kaya nga sasamahan kita" hinablot ko sa kanya ang canned beer at tumungga doon. Wala pa din syang reaksyon na nakatingin na ngayon sa akin. Ano bang problema nya?

"Bakit ba palagi mo kong binibigyan ng rason para mas lalong mahulog sayo?" Natahimik ako don. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Kung alam lang ng lalakeng to na gusto ko sya... naku. Teka, yun ba yung dahilan kung bakit to naglalasing? Dahil akala nya binalewala ko yung nararamdaman nya?

'Wag kang mag-alala, aamin din ako sa tamang oras. Kapag maayos na ang lahat'

Gusto ko ding umamin sa oras na wala na syang iintindihing misyon o kung ano pa mang inaalala nya tungkol sa ama ko.

"Pwede ba kitang yakapin?" Hindi ko alam kung malungkot ba sya o masaya. Hindi ko masyadong makita kung ano ang totoong sinisigaw ng mga mata nya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis na syang lumapit sa akin upang ikulong ako sa mga bisig nya. Agad ko din syang niyakap... ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso namin dalawa, at alam kung iisa lang ang isinisigaw nito, ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

"Gusto kong makausap si dad" maya maya'y aniko habang nananatili pa ring nasa bisig nya. Hinahaplos ko ng marahan ang likod nya, ilang minuto na kaming nananatiling ganito. Alam kong may nagawa si dad at nadadamay lang ako kaya gusto kong malaman kung ano yun.

"Ako nang bahala, gusto ka rin nyang makausap... matagal na. Hindi lang sya nakakakita ng tyempo" napangiti ako, totoo ngang inuuna nya yung misyon. Kahit kasi may pinagdadaanan sya, sumasagot pa din sya ayon sa naiatas sa kanya.

Mataas na ang sikat ng araw nang gisingin ako ni Ryle galing sa mahimbing na pagkakatulog. Matipid itong ngumiti at sumenyas na maghanda na ako. Siguro ay ngayon ko makakausap si dad. Pikit mata akong bumangon at ganon din habang pumupunta ako sa banyo. Muntik pa akong mabangga, buti na lang ay pinigilan ako ni Ryle.

"Hindi tayo dederetso sa bahay nyo, delikado" nakatingin lang ako sa kanya habang ipinapasok ang susi sa dapat nitong kalagyan "May pagkikitaan tayo. Malayo pa yun kaya pwede ka pang matulog uli" deretso lang ang pagkakasabi nya, hindi pa talaga nakakaget-over sa mga pangyayari kahapon. Nakangiti ko syang tinitigan.

"Alam ko..." nakangiti pa ring aniko. Hindi naman sa nasisiyahan akong nahihirapan sya pero masaya lang akong kasama sya.

Isang oras na kaming bumabyahe pero hindi pa rin kami nakakaabot sa patutunguhan. Hindi naman ako inaantok kaya wala akong ibang magawa. Bigla nalang ay may tanong na nag pop sa utak ko. Ang bobo ko lang talaga na ngayon ko pa naisip.

"May tanong ako. Itong sasakyan, saan nanggaling to?" Mabagal ang takbo ng truck na nasa unahan namin kaya pati kami ay mabagal ang pagpapatakbo. Malayo na ito sa syudad. Sinalubong nya ang mga tingin ko, ngayon ay kitang-kita ko na talaga ang mga mata nya. Ganon na nga lang siguro ang epekto ng pambabalewala ko sa sinabi nya kahapon. Napangiti ako.

"Sa dad mo" napakapit ako sa sasakyan ng pinaharurot nya ito at nag overtake sa truck na nasa unahan namin kanina "May tanong din ako" tinitigan ko lang sya habang hawak ang dibdib ko, nandito pa rin ang kaba dulot ng kanina "Hindi mo ba talaga masusuklian ang nararamdaman ko?"

________

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon