Nagising akong naka-tape ang bibig at may tali ang kamay na nasa likod, inilibot ko ang paningin sa silid na kinaroroonan. Sa tingin ko'y madaling araw na dahil sa mga manok na naririnig ko ngunit sobrang dilim pa rin ng paligid. Mabaho din dito dahil sa sigarilyong hinihithit ng nagbabantay.
Kahit masakit ang ulo ko't nahihirapan, pinilit kong bumangon. Tahimik akong tumayo ngunit agad din akong nakita ng bantay. Pilit kong iginagalaw ang panga, nagbabakasakaling makuha ang nakatakip na tape dito pero bigo ako. Sunod kong sinubukan ang tali sa kamay, pilit ko iyong tinatanggal ng palihim. Ngunit ganon na nga talaga ang pagkakahigpit nito at wala man nagbago. Bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalakeng malaki ang katawan.
"Kumusta ka na... Janine?" Agad nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtayo ng mga balahibo ko. Ang boses nya na ilang beses ko nang narinig ang nakakapagdagdag kilabot sakin. Wala akong ibang ginawa kundi sumigaw kahit na may takip ang aking bibig. Mukhang sya na ang tinutukoy ni dad na Rico ang pangalan.
"Mali pa lang nagpakampante akong hindi ka aalis sa lugar mo" Mala-demonyo itong tumawa na bumalot sa buong kwarto, tumahimik agad sya't sinamaan ako ng tingin. Rinig na rinig ang mga hakbang nya papalapit dahil sa tahimik na lugar. Patuloy akong umaatras habang sya'y lumalapit ngunit ganon na lang kabilis tumibok ang puso ko nang wala na akong maatrasan, wala akong ibang nagawa kundi ang mapa-upo "Ngunit wala nang lugar ang pagsisisi ngayon, dahil andito ka na't handa nang pagbayaran ang kasalanan na ginawa ng ama mo"
Napapikit ako ng itutok nya ang kutsilyo diretso sa leeg ko. Ilang sandali pa ay marahan kong iminulat ang mata at ang kutsilyong may marka ang bumungad sa akin.
Akala ko'y sa palabas lang nangyayari ang mga ganito, hindi ko inakalang isa pala ako sa makakaranas ng ganito.
Sinong mag-aakalang ang mga panaginip ko noon ang syang banta sa mangyayari sa hinaharap?
Naalala ko pa na ganitong-ganito ang nangyari sa panaginip ko. Tinutukan ako ng kutsilyo na may tatak na letrang R. Naalala ko din yung araw na may tumawag sa akin. Hindi ako nagkakamali, sya yon. Ang malalim na boses nya ang syang naging dahilan upang makilala ko na iisang tao lang silang lahat.
Sumenyas sya sa bantay at sunod non ang pagpasok ng dalawang tao, isang lalake at isang babae. Muli na namang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dalawa.
'Arnold?'
Nakita ko kung paano umangat ang isang gilid ng kanyang labi habang umiiling-iling.
"Remember?" Tinignan ko ang pinsan ni Chris nang masama. Hindi ko akalaing ganyan pala ang tunay nyang ugali. Unang kita mo pa lang, aakalain mong mabait at mahiyain yun pala'y kabaliktaran lang ang lahat.
Sunod kong tinitigan ang babae. Masama ko din itong tinignan ngunit inirapan lang nya ako. Sa palagay ko'y isa sya sa mga tauhan ng malaking lalake na nasa harap ko. Katulad ng unang pagtatagpo namin, naka shorts na naman ito at jacket sa pantaas. Kaya pala ako ang gusto nilang ipag-serve noon sa coffee shop dahil may iba silang kailangan sakin.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Arnold sa akin. Iniluhod nya ang isang tuhod upang magkapantay kami, hindi ko din inalis ang masamang tingin sa kanya. Bigla na lang ay napapikit ako sa sakit dahil sa biglaan nyang pag-tanggal ng tape na nasa aking bibig. Muli syang napangisi.
"Walang hiya ka Arnold!" Narinig ko kung paano ito tumawa at lumapit sa aking tainga.
"Sa tingin ko'y sa iyong ama mo dapat 'yan sinasabi" bulong nya't saka mahigpit na hinawakan ako sa panga "Alam mo bang muntik na akong mahulog sayo? Buti na lang at nananatili ang katapatan ko kay ama" natatawa sa unang patuloy na bulong nya.

BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
AcakJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...