Chapter 6

47 4 10
                                    

Maaliwalas na ang kalangitan at kulay asul ang dagat. Presko rin ang hangin dito at nagdudulot ito ng magandang pakiramdam sa akin. Kakagaling lang ng ulan ngunit lumilitaw na si haring araw.

"Ang ganda pala talaga dito Janine no? Hindi mo ako binigo"

"Ang dami ding gwapo dito beh"

"Ayy ano ka ba Janine! Ngayon ko pa naranig sayo yan ah?"

"I was just kidding Ellie" Natawa pa ako dahil kita talaga sa mukha ni Ellie ang pagka-gulat sa sinabi ko. Iginala ko ang mga mata sa dalampasigan.

"Huy sinong hinahanap mo?"

"Wala, tinitignan ko lang ang paligid. Maganda no?" Napatango sya sa sinasabi ko at napangiti. "Tara na nga, pumunta muna tayo sa tita ko"

"Oh naku andito ka pala Janine ko!" Pag-akyat ko sa malaking kubo ay ang nakangiting si tita ang bumungad sa akin. Matagal din akong hindi nakapunta dito kaya na miss ko si tita Lara.

"Tita! " Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya, it's good to be back after ng lahat ng nangyari. "Na miss po kita" hinalikan nya naman ako sa pisngi at noo.

"Ako din Janine ko, bakit ngayon ka lang bumisita rito?" Gustong gusto ko talaga pag tinatawag ako ni tita ng 'Janine ko' napaka-sweet non para sa akin. Para na rin kasing pangalawang nanay ko si tita Lara.

"Sorry po tita dahil ngayon ko lang naisipang pumunta rito, day off ko din po kasi" Napatango naman sya ng marahan saka tumingin sa kasama kong si Ellie na ngayon ay nakayuko at nakahawak sa salamin nya.

"Sino naman tong magandang kasama mo Janine?" Ngumiti si tita at hinawakan ang balikat ni Ellie para hindi na ito mahiya. 

"Ako po si Ellie, pwede din pong tawaging nyo akong El"

"Kay ganda mo namang bata. Ako si Lara, tawagin mo akong tita. Okay?" Napatango at napahawak sa balikat ni tita Lara si Ellie, nagulat naman si tita kasi kanina nahihiya pa ito pero ang daling mag-bago. Napatawa na lang kami sa kanya.

"Ah tita Lara, uuwi din kami mamaya. Pumunta lang talaga kami dito para makapag relax kahit sandali lang"

"Ayy naku bakit naman? Mahigit isang oras kayong bumyahe tapos aalis agad?" Nasapo pa ni Tita Lara ang kanyang noo.

"Tita may trabaho pa po kasi ako bukas"

"Ay sayang naman, sana nag leave ka na lang sa trabaho bago pumarito" ngumiti lang ako sa kanya. "O sya.. Kumain na muna kayo at alam kong kumakalam na yang sikmura nyo" Hinila na nya kami sa mesa at pinaupo.

Malaki ang bahay ni tita at karamihan sa gamit dito ay gawa sa kahoy. Sa katunayan nga ay ang sarap tumira dito.

"Wow! Ang sarap nyo naman po man luto!" Takam na takam si Ellie sa kinakain nya. Tatlong putahe ang inahanda nya sa amin,  isda, hipon at alimango. Sasandok na sana ako ng kanin nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito at nakitang tumatawag si Alyza.

"Excuse me, sasagutin ko lang to" tumango lang sila kaya dali dali akong bumaba sa kubo at lumayo para sagutin iyon.

"Oh, napatawag ka Alyza?"

"Kamusta ka? Feeling better now?" Napapraning na siguro ako pero parang may halong sarkastiko ang tono ng pagtatanong nya.

"Oo, I feel better now. Sa katunayan nga ay nasa isang isla ako ngayon, sa bahay ng tita ko para mag relax"

"It's good to hear that, mag-ingat ka dyan okay?" Napa-praning lang talaga siguro ako kanina.

"Yes dear Alyza" dinig ko pa ang mahina nyang pagtawa sa kabilang linya.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon