Chapter 12

34 4 10
                                    

Mainit ang naging pagtanggap sa akin ni tita Lara. Masaya akong tinanggap ako dito. Nakikita ko din ang kasiyahan sa mga mata ni tita, para nga itong nabunutan ng tinik.

"Mabuti naman at tinanggap mo ang alok ko Janine" Tanong ni tita nang makapasok kami sa bahay "Mabuti rin at nakarating ka ng ligtas dito "

"Oo nga po tita e, maraming salamat po talaga"

"Walang anuman, basta ikaw"

Agad akong inakay ni tita papunta sa hapag. Maraming nakahandang pagkain na akala mo ay pinaghandaan talaga. Naisip ko ding naparami ang pagkain ngayon dahil mahilig syang mag-luto. Ang pagluluto nga siguro ang hindi ko namana sa pamilya, magaling din kasing magluto si mom. Ngunit alam ko ding lahat ay pwedeng magawa kapag pinag-aralan.

Inimbita din ni tita si manang Milda at ang anak nito. Mukhang sanay na silang pumunta sa bahay nang isa't-isa lalo na't walang kasama si tita dito.

Napatitig ako sa cute na mukha ng anak ni manang, nahihiya pa itong napatingin din sa akin. Ang hugis ng mukha, ang mga mata at ang ilong ni Robert ay pamilyar sa akin. Hindi ko alam pero may pumapasok sa isip kong tao na may kaparehas na katangian ni Robert. Hindi ko lang talaga makilala at matandaan.

"Wag mo sanang masamain pero ano o sino ang nagtulak sa iyo para tumira sa tita mo hija?" Biglang tanong ni manang habang kumakain kami. Nahihiya akong tumingin sa kanya.

Inilapag ko muna ang pares ng kubyertos bago sumagot  "Uhm si tita po ang nag-offer na dito na lang ako tumira, at mukhang magandang ideya naman po iyon manang kaya pumunta ako rito" narinig ko kung paano ito nag-pakawala ng buntong hininga.

'May nasabi ka akong mali?'

"Bakit po?"

Napalingon ako kay tita nang tumikhim ito "Ang ibig kasing itanong ng manang mo, eh kung may nangyari ba kaya ka nakumbinse na tumira dito?"

"H-Ha?" Wala sa sariling nasabi ko.

"Hindi mo naman basta-basta iiwan ang trabaho mo at tumira dito ng walang dahilan diba?" Makahulugang saad ni manang na naging dahilan para matigilan ako. Lahat kami ay nakalapag ang kubyertos at naka-pokus ang atensyon sa sasabihin ko.

"Kaya ang ibig lang naming malaman eh kung may nangyari bang masama o sino ang nag-udyok sayo? Kahit na kasi hindi mo sabihin, nakikita naming malalim ang iniisip mo simula pa kanina" si tita na ang nag-tanong. Wala namang masama kung aamin ako, karapatan din naman nila na malaman dahil kapakanan ko ang iniisip nila.

"Sa totoo lang po ay meron" Isinalaysay ko kung ano ang mga nangyari, simula una hangang huli. Nagulat pa sila sa mga nalaman.

"Sinaktan ka ba niya?" Nag-aalalang tanong ni tita.

"Hindi naman po"

"Sinigurado mo bang hindi ka nasundan?"

"Opo, may kasama po kasi ako papunta dito?" Nakita ko kung paano nagkatinginan si tita at si manang. Nagkakaintindihan. Gusto ko sanang banggitin na si Ryle iyon ngunit sa ugali ni tita ay nagdadalawang-isip ako, sigurado kasi akong tukso ang aabutin ko kahit pa magpaliwanag ako.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon