Maaga akong nagising isang araw. Naabutan ko na naman si tita na naghahanda sa kusina kaya nilapitan ko ito.
"Halika at tuturuan kitang mag-luto" sanadali akong napatingin sa samo't-saring gulay at pampalasa, meron ding isda sa kabilang banda
"Ano pong lulutuin tita?"
"Tinola. Simple lang naman ito kaya sigurado akong madali mo lang matutunan" Lumingon sa akin si tita "Ano bang madalas mong lutuin kapag ikaw lang mag-isa?"
"Sa totoo lang po ay hindi po talaga ako madalas mag-luto, itlog nga lang po ang kaya ko e" Napapahiya akong tumawa. Totoo naman talagang itlog lang ang kaya kong lutuin.
"Hindi naman itlog ang kinakain mo araw-araw diba?"
"Hindi naman tita. Nakakakain din ako ng ibang putahe kapag nandun si El, kapag wala naman ay madalas noodles ang kinakain ko"
"Naku, eh grabe ang preservative ng noodles diba? Nakakasama yun" Napabuntong-hinga si tita "Oh sya, tuturuan kita. Pano na lang kag nag-asawa ka na? Itlog ba ipapakain mo araw-araw?"
"Naku wala pa sa isip ko ang pag-aasawa tita, masyado pang bata. Saka meron din naman siguro akong matutunan na luto. Tuturuan nyo naman po ako diba?"
Simpleng tango lang ang sagot nya at inihanda na namin ang mga kakailanganin lalo na ang kamatis.
Sa mga nakaraang araw ay taga-abot lang ako ng mga sangkap, ngunit ngayon ay sinasanay na ako ni tita na magluto mismo. Hindi lang pagluluto ang tinuro sa akin ni tita, marami pang bagay ang aking natutunan. Tulong-tulong rin kami sa paglalaba, paglilinis ng bahay at iba pa. Marami akong natutunan sa araw na iyon at hindi na ako makapag-hintay sa mga susunod pang mangyayari.
Nang sumunod na araw ay ako na ang nagluto. Gusto kong matuto. Napapansin ko din kasing balisa si tita kaya pinaupo ko nalang sya habang ako naman ay naghahanda.
Agad naming natapos ang pagkain dahil na rin sa gutom, medyo natagalan kasi ako sa paghahanda. Naghuhugas ako ng plato habang si tita ay naglilinis nang may biglang magsalita sa labas.
Hindi ko nakikilala ang boses ng tumatawag sa pangalan ni tita ngunit alam kong lalake ito. Nakasarado kasi ang pinto kaya hindi malinaw sa pandinig ko.
"Tita ako na pong mag-bubukas" bahagayan kong ipinunas ang mga kamay sa gilid ng suot at hahakbang na sana nang pigilan ako ni tita.
"Ako na Janine" wala na akong nagawa nang lumapit sya sa pinto, ipinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas. Nakatalikod na ako sa kanila. Narinig ko na lang ang pag-bukas ng pinto at mga paang umaapak papasok.
"Lara." kilabot ang bumalot sa buo kong katawan nang marinig ang malalim na boses ng bisita. Bahagya kong nabitawan ang kubyertos na hinuhugasan, dahilan para makagawa ako ng ingay. Hinarap ko sila at nanlaki ang mga mata sa nakita.
"Janine." walang kasing kaswal na pagbanggit nya sa aking pangalan. Kung mag-salita sya, parang walang nangyari. Hindi man lang sya nagulat na nandito ako.
"A-anong ginagawa m-mo dito?" Utal na tanong ko. Hindi ko inaasahan at hindi ko din pinapangarap na magkita kami. Lahat ng sakit, lungkot at galit ay bumabalik kapag nakikita ko ang pagmumukha nya.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
AléatoireJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...