Chapter 15

30 4 34
                                    

"Marami pang kahoy doon! Dalian mo" pang-aasar ko kay Ryle na nagsisibak ng kahoy kasama si mang Pedro. Nasa gilid sila ng bahay at katapat ng duyan na kinauupuan ko. Ilang araw na ang nakakaraan ng umuwi sya dito. Palagi nya akong inaasar kay Chris kaya

'Ako naman ngayon'

Natigilan ako at napatitig nang tanggalin nya ang shirt na basa na ng pawis. Tumingin ito sa akin na puno ng pang-aasar.

'Wag kang tumingin Janine, sasampalin kita'

Baliw na kung baliw pero hindi ko maiwasang kausapin ang sarili ko lalo na't parang hindi na ako ito.

"Huy, asan na pang-aasar mo?" napairap ako at nag-iwas ng tingin.

"M-manahimik ka nga"

"Tsk wala ka pala e, titigan mo na lang ako"

"Huh! Kapal ng mukha mo" hindi makapaniwalang aniko.

"Ah... mahilig ka pa lang tumitig sa mga makakapal ang mukha?"

"Bakit? Sinong nagsabing tinitigan kita?"

"Bakit? Hindi ko ba nakita?" panggagaya nya sakin.

"Nakakainis ka" sa halip na mas pagtuonan pa sya ng pansin ay tumayo ako at diretsong naglakad papasok sa bahay.

'Kainis yon ah. Pinapakitaan nya ako ng iba, e kung pakitaan ko din kaya sya?'

Napatigil ako sa tapat ng bahay nang napagtanto ang tinuran sa sarili.

'Ano tong iniisip ko? Erase erase! Hindi ko kailanman gagawin 'yon!'

"Nakakunot na naman yang noo mo." natatawang sabi ni tita. Nakahalukipkip ako ngayon at malamang ay kunot na kunot ang noo.

"Kasi tita e... nakakainis"

"Si Ryle na naman ba iyan?"

"Opo, palagi nya na lang po akong inaasar" akala ko ay makakabawi ako ngayon pero mukhang ako pa ang sobrang nainis.

"Naku, pabayaan mo na lang ang binatang iyon. Baka gusto lang ng atensyon mo" nanlaki ang mata kong nakasunod kay tita na pumunta sa kusina.

'Aishh si tita talaga'

Maya maya ay nakarinig ako ng pagbukas sa pinto kaya napaayos ako ng upo. Ganon na lang ang pag-irap ko nang ang tumatawang si Ryle ang bumungad sa akin.

"Asar na asar si manang"

"Ano ba! Isa pa, sasapakin na kita"

"Tita, sasapakin daw po ako ng pamangkin nyo"

'Huh parang bata!'

Napansin ko din na ibang-iba ang ugali nya noong nandun pa kami sa city at ngayong nasa isla na kami. Sa isang tingin mo pa lang sa kanya ay aakalain mo ng suplado ito, seryoso din sya doon. Ngunit ngayong nandito kami ay puno ng pang-aasar ang laman ng utak nya, siguro ay ngayon lang nya naranasang mang-asar kaya sinasagad.

My Heart Belongs To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon