"Selos na selos si manang, wala naman akong ginagawa" mapang-asar na aniya na nakaupo sa kama sa kwartong tinutuluyan ko.
'Ano naman sayo?'
"Hindi ako nagseselos, assuming ka masyado. Sinasabi ko lang naman na lumayo ka dahil masama ang pakiramdam ko sa kanya, para bang masamang espiritu" napahalakhak sya. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtutupi ng damit ko. Pansamantalang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid, mga huni ng ibon sa labas ang nangingibabaw.
"Maganda naman sya diba? Iniisip ko nga na ligawan yun e" agad akong napatingin sa kanya gamit ang nanlalaki kong mata, kumurot ng dibdib ko sa sinabi nya. Nakatingin na rin sya sa akin ngayon na nakataas ang isang kilay at may diing sinabi ang mga katagang "Magmamahalan kami araw-araw, magiging malalim iyon hanggang sa mauwi sa kasalan. Ano sa tingin mo?"
'Walang hiya! alam ng nagseselos ako, pinapalala pa'
Tumayo ako at padabog na iniwan ang mga damit na nakapagpahalakhak sa kanya ngunit hindi iyon naituloy nang higitin nya ang braso ko. Nananatili syang nakaupo sa kama habang ito ako't natitigilan habang nakatutok ang mga mata namin sa isa't-isa. Nawala na ang mapang-asar na ngisi nya, napalitan ito ng seryosong mukha.
Tila bumagal ang takbo ng paligid at tanging kabog lang ng dibdib ko ng naririnig. Wala man kaming inisasatinig pero nagkakaintindihan kami base sa mga emosyong ipinapakita ng mga mata namin. Hinila nya ako papalapit na naging dahilan ng pag-upo ko sa kandungan nya. Hugot ko ang hininga habang nanatili pa ring nakatitig sa kanya. Tuluyan na akong binalot ng kakaibang pakiramdam. Akala ko noon ay wala lang ito pero nasisiguro ko na ngayon kung ano ang totoong nararamdaman ko at kung sino ang tinitibok nito.
Mas dumoble pa ang bagal ng paligid nang dahan-dahan nyang ilapit ang mukha sa akin, halos maduling ako sa lapit. Napansin kong nakatitig lang sya sa labi ko kaya nakagat ko iyon, doble din ang bilis ng tibok ng puso ko. Ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi namin nang biglang
"Ryle?!" Pasigaw na tawag ng kanyang tiya. Nagkatinginan kami't napatikhim sya, agad naman akong tumayo at lumabas diretso sa labas ng bahay.
"Ano yun?" Sapo ko ang noo na tinatanong ang sarili. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, tinangka lang naman nya akong halikan! Pilit kong pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso ko. Ibig bang sabihin, may nararamdaman din sya sa akin?
Teka, nanaginip yata ako. Paulit-ulit kong sinampal, kinusot at tinusok-tusok ng sarili ko ngunit nakaramdam ako ng sakit kaya halos mapatili ako sa halo-halong nararamdaman. Wala akong ibang magawa kaya tumambay ako sa labas, nakasandal sa likod ng sasakyan. Tinawagan ko si Ellie, natagalan pa bago nya sagutin pero okay na din.
"Ellie..." bungad ko. Natahimik sandali ang kabilang linya bago magsalita ang kaibigan ko.
"Beh... nabalitaan ko yung nangyari kay tita Lara. Nakikiramay ako beh" matutunugan ang lungkot sa tono nya. Oo nga't ilang araw lang ang nabahagi namin sa isa't- isa kasama si tita ngunit iyon ang pinakamasaya. Nagkasundo na rin si El at si tita kaya alam kong nagdadalamhati rin ang kaibigan ko.
"Thanks beh, pero paano mo nalaman? Sinong nagsabi? Hindi ko pa sinasabi sa inyo ah" may isang tao lang ang pwedeng magsabi na pumapasok sa isip ko.
"Si Ryle ang nagsabi sakin, magkasama nga daw kayo ngayon" nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nya iyon. Mukhang naiintindihan naman ni El kung bakit yon lang yung sinabi ni Ryle sa kanya. Hindi naman namin pwedeng ibahagi ang tungkol sa mga naghahanap sakin, mag-aalala lang sila. Tinawagan din ako ni Chris at Alyza, pinapaabot ng pakikidalamhati nila.
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
RandomJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...