"Hey" nabalik ako sa ulirat ng tapikin ni Ryle ang balikat ko. Hindi ko namalayang kanina pa pala umaagos ang di mapigilanang luha ko habang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang litrato "Na pano ka?"
"May naalala lang, ayos lang ako" Kasabay ng pagpahid ko ng luha ay ang pag-harap ko sa kanya.
"Sigurado ka?" Paulit-ulit akong tumango at pinakita ang pekeng ngiti na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang ginamit sa buong buhay "Magpahinga ka na muna kaya, nilalagnat ka pa naman kahapon diba?"
Nang hapong iyon ay nagising ako, may pagkain ng nakahanda sa tabi at nakapikit na si Ryle habang nakahiga sa sofa. Inihakbang ko ang mga paa papunta kung saan sya natutulog. Pinagmasdan ko kung gaano sya ka himbing.
"Hanggang ngayon ay naguguluhan ako kung ba't mo ako tinutulungan ng ganito pero... salamat"
Sa buong buhay ko hindi ako natagpo ng lalakeng handang tulungan ako sa anumang bagay. Yung handang tumapak sa butas para lang maalagaan at mailigtas ako. At nagpapasalamat ako dahil dun.
Sa tingin ko ay kumain na si Ryle dahil may paper plate na naka tabi, halatang kakagamit lang. Magaala-una na rin kaya pinili ko nang kumain, naligo ako pagkatapos. Kasalukuyan kong itinutuyo ang buhok ko habang lumalabas sa comfort room. Gising na si Ryle at nakita ko syang may tinatawagan pero nanatili syang nasa sofa, pinabayaan ko na lang.
Nang sumapit ang gabi, gusto kong lumabas pero hindi ako pinayagan ni Ryle. Delikado daw at baka makita pa ako, kaya pinili ko na lang lumabas sa balcony pero balot ang katawan gamit ang jacket. Ang tanawing matagal ko nang hindi nasisilayan ay nakita ko na sa wakas ngayon. Pinagmasdan ko ang ilaw sa iba't-ibang buildings at bahay, ilaw galing sa mga sasakyan at mga taong naglalakad sa daan. Kita ko din mula dito ang makapal na ulap na tinatabunan ang mga bituin. Uulan yata ngayon.
"Na miss mo din ang ganito noh?" Maya maya ay boses ng lalaki na nanggagaling sa likod ko. Napaharap ako sa kanya, nakatingin lang si Ryle sa baba kung saan makikita ang mga sasakyang patuloy na umuusad.
"Oo, matagal na rin bago ko nakita ang ganitong view" sagot ko bago ibalik ang paningin sa tinitignan kanina.
"Pero sigurado akong ganyan din ang mararamdaman mo kapag naisip mo ang isla" natigilan ako. Humugot ng malalim na hinga bago ito ibuga.
"Siguro... lalo na si tita. Sa totoo lang ay nag-aalala ako sa kanya, baka ano ng nangyari" Hinarap nya ako at inilapat ang dalawang kamay sa magkabilang balikat. Diretso ang tingin na pilit kong sinasalubong.
"Hmm, wag kang mag-isip ng negatibo. Bibisita din tayo doon kapag naging maayos na ang lahat"
"Kung pwede lang talaga na diretsahang tanungin sila kung bakit nila ako sinusundan ay ginawa ko na. Pero pinangungunahan ako ng takot"
"Hindi mo kasi alam kung anong klase silang tao. Maari ka nilang saktan, pahirapan o patayin" natahimik ako, totoo naman talaga. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sakin. Ni hindi ko nga alam ang dahilan.
Alas-nuwebe na nang gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nakahiga nga ako pero nananatiling dilat. Mahaba-haba din kasi ang naitulog ko kanina kaya kabaliktaran ang nangyayari ngayon. Bukod doon ay marami din bumabagabag sa utak ko. Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng pwesto pero walang epekto.
![](https://img.wattpad.com/cover/222796799-288-k281654.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Belongs To You
De TodoJanine Cordeza ay isang simpleng bababe at walang ibang gusto kundi ang payapang buhay. Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa kanyang buhay, napilitan syang umalis sa puder ng kanyang ama. Sa kanyang pagharap sa mga suliranin, makakahanap sya n...