Chapter 2

52 15 16
                                    

Alas-sais palang ng umaga ay nagising na 'ko kahit na alas-nuwebe pa naman ang pasok ko, dahil kailangan ko pang mag-aral ulit dahil natulugan ko ito kagabi.

Kinuha ko na ang mga libro, papel at ballpen ko. Sinimulan kong isulat ang mga keywords dahil mas maraming nareretain sa utak ko pagsinusulat ko ang mga ito.

Matapos kong reviewhin ang Theory of Architecture, nag plantsa na 'ko ng aking uniporme at pagkatapos ay bumaba na'ko upang kumain.

"Oh anak gising ka na pala!" Gulat na sabi ni mama habang nag hahanda ng pagkain sa lamesa.

"Sa'n ka galing kagabi ma?" My brows furrowed.

"Ah diyan lang anak."

"Saan po 'yong dyan lang? Dyan lang sa lalaki mo?" I tried so hard to remain calm.

Hindi na nakasagot pa si mama.

"Imbis na trabaho po hinahanap niyo, bakit lalaki pa 'yong hinahanap mo? Matutulungan po ba tayo ng lalaki mo sa mga gastusin dito sa bahay?" I tried so hard to tone down my voice because I still respect my mom.

Pagkatapos magluto ni mama ay umakyat na siya para gisingin si Jillian, kaya naman umupo na'ko para kumain.

Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Pagkababa ko nakita kong kumakain sila kuya, lola, at Jillian, si mama naman ay natulog na sa taas.

"Alis na po ako." I kissed them on their cheeks.

"Ingat ka." Habilin ni kuya.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Ingat ka apo."

"Opo la, I love you."

Sinimulan ko ng lumakad paalis ng bahay. Sumakay akong tricycle papunta sa school.

Pagkadating ko sa classroom ay agad na hinanap ng mga mata ko ang aking kaibigan.

"Asa'n na kaya 'yon?" I asked myself.

Habang wala pa kaming Professor ay nagbasa muna ako. Maya-maya ay dumating na si Mica na sobrang lapad ng ngiti.

"Bakit ngiting aso ka?" I asked.

"Because my best friend passed!" Mica proudly said.

"Huh?" I asked with confusion.

Agad niya 'kong niyakap, muntik na kami matumbang dalawa.

"You passed the audition! Congrats Kc!" Sabay tili.

"Pa'no mo nalaman?"

"Malamang, bago ko pumunta dito dumaan muna 'ko sa bulletin board. I'm so proud of you!" She said, happily.

Dumating na ang Professor namin kaya agad na natahimik si Mica.

Nagsimula na din kaming mag quiz. At pagkatapos ay nagparecitation ang professor namin.

Pagkadismissed dumiretso na agad kami sa next class namin.

"This is exhausting!" Mica complained.

"May architectural visual communications pa tayo Hahahaha, chill ka lang!" I said while tapping her shoulders.

Pagkadating namin sa next class namin ay magsisimula na dapat mag discuss ang Prof namin ngunit natigilan siya ng makita kami.

"Good morning Ms." Bati namin ni Mica.

"Please be seated" she gestured us to come over.

Then she start discussing.

"Architecture is not just a picture of visual understanding how Designers create and communicate through visual means, but means of visual communication via diagrams, sketches, charts, photographs, video, and animation
in fundamental to the process of exploring concepts and
disseminating information to shape, the everyday quality of
life for individuals, communities and societies."

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now