Chapter 4

43 12 10
                                    

Nagising ako dahil sa liwanag na nakakasilaw, hindi ko alam na bumukas pala ang bintana sa aking kwarto.

Tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Nagulat ako ng makitang 8:20 na ng umaga.

Nalimutan ko ding i-alarm ang cellphone ko kagabi dahil sa sobrang pagod.

Tumayo agad ako at bumaba para maligo. Nagmadali ako, at wala pang sampong minuto  natapos na agad ako dahil ayokong malate.

Nagsuot ako ng uniporme at hindi na 'ko nag-abala pang kumain dahil sa takot na malate.

Inayos ko na ang gamit ko at handa ng umalis.

"Lola alis na po ako, kumain nalang po kayo ni Jillian may niluto po si kuya dyan."

Nagmamadali akong tumakbo papuntang terminal ng maalala kong wala akong suot na ID, pati ang mga plates ko ay naiwan ko sa bahay. Kaya wala akong ibang choice kung hindi bumalik.

Tumakbo ako ng mabilis pabalik sa bahay para kunin ang mga bagay na aking naiwan.

Tumakbo ulit ako papunta sa sakayan, sa takot kong malate at hindi maipasa ang aking mga pinaghirapan at pinagpuyatan.

Nang makarating ako sa school nagmamadali ako para makaabot sa klase.

Ngunit bigla kaming nagkabungguan nung lalaki, nalaglag ang mga dala-dala ko.

Natapon ang kape niya sa aking uniporme at natalsikan din ang mga plates ko.

"Pag minamalas ka nga naman!" Inis na sabi ko.

"Sorry miss." He picked up the plates that been dropped.

Pag-angat niya ay namukhaan ko siya.

"Ito 'yung lalaking sumuka sa'kin sa bar ah?" I asked myself.

"Ikaw nanaman?" Kunot noong tanong ko.

"Huh?" He asked, with so much confusion in his face.

"Nuisance!" I yelled at him.

"Why? Is there any problem?" His brows furrowed.

"Ikaw! Ikaw yung problema ko! Anlaki mong perwisyo sa buhay ko. Una sinukahan mo 'ko sa bar, pangalawa tinapunan mo 'ko ng kape pati mga pinagpuyatan kong plates nadamay!" Inis na sabi ko sakanya.

Kinuha ko sakaniya 'yong mga plates na hawak niya, at hinatak ko ang kaniyang ID lace para tiningnan ang pangalan niya.

"Rigel Kienne Vasquez, sumama ka nga sa'kin!" Pinang dilatan ko siya ng mata.

"But I also have a class." Apila niya.

"Wala akong pake kung may klase ka, ako nga naperwisyo mo na ng sobra!" I said, angrily.

Binabalak ko siyang dalin sa classroom at siya na ang bahalang mag explain sa professor namin kung anong nangyare sa plates ko. Dahil alam kong hindi niya tatanggapin ang mga 'to.

Hinatak ko siya, wala 'kong pake kung nahihirapan o nasasakal ba siya.

"Miss wait a minute, I can't breath." He complaint.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom.

Nadatnan kong pinapasa na ng mga kaklase ko ang mga gawa nila.

"Pumasok ka sa loob at ikaw magpaliwanag sa prof ko kung bakit nagkaganiyan 'yang mga plates ko, dahil hindi niya tatanggapin 'yang mga plates kong nadumihan." I glared at him.

Tinulak ko siya sa loob ng classroom, habang nakasunod ako sakanya para hindi siya makatakas.

Nagulat ang mga kaklase ko dahil sa lalaking kasama ko, kahit ang professor namin ay nagulat din.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now