Alas-siyete palang ng gabi nag punta na 'ko sa XG noble bar. Dahil kapag nasa bahay ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip. Unti-unti lang akong mababalot ng kalungkutan, kapag pinagpatuloy ko.
Umupo muna 'ko sa table malapit sa entrance, habang nag aantay akong mag nine o'clock.
Nagulat ako ng may umupo sa harapan ko.
"Hi!" Bati ng asungot.
"Hello." I try to give him a smile.
"Are you okay? You look sad. What happened?" He asked worriedly.
"Sabihin ko ba? Wala namang mawawala. Tsaka 'di naman kami close nito ni Rigel, sabi nga nila mas okay mag open up ng problema sa 'di mo kilala kasi no judgement." I said to myself.
"Iniwan kasi kami ng nanay namin." Panimula ko.
"What? Really?" His brows furrowed.
"What happened? He asked with curiosity.
"Pwede bang lumabas muna tayo? Maingay kasi dito, 'di tayo magkakaintindihan." Sabi ko sakaniya.
Lumabas kami, at umupo sa bench sa labas ng XG.
"What happened?" He asked sounded so concerned.
"Sa totoo lang hindi ko din alam." I look at the sky and bit my lower lip trying my tears to stop from falling.
Napangiti ako ng makita kong napakaganda ng kalangitan, punong-puno ito ng mga bituin at ang nag iisang napakagandang buwan.
"Hindi ko alam kung bakit niya kami iniwan, hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa'min 'yon. Alam mo andaming tanong sa isipan ko. Ayaw niya ba sa'min? Hindi niya ba kami mahal? Bakit niya kami iniwan? Bakit niya nagawa sa'min to? Anong dahilan? Bakit umalis siyang wala man lang sinabi at paalam? Bakit umalis siya at iniwan kami ng tuluyan?" Nakatingin pa din ako sa langit, tila para bang ang langit ang tinatanong ko.
"It's a different type of hurt, when your mom is the one who hurts your feelings. I know it hurts a lot, and I wish I can answer all those questions inside your head." He sincerely said while looking at the sky.
"Thank you, but I know everything happens for a reason, but I wished I know the reasons." I said.
"If you're going through a storm in your home, just stay in God house."
Nagkatinginan naman kami, at ngumiti kami sa isa't-isa.
"Do you drink?" He asked.
"Tubig oo, alak hindi. Never pa kong nag inom." I answered back.
"Do you want to eat? I'll treat you." He winked, "Do you remember what I said earlier?"
"Oo sabi mo babawi ka. Pero 'di naman na kailangan, tsaka tutugtog kami mamayang 9 'di na ko pwedeng umalis."
Nagulat nalang ako dahil hinatak niya 'ko papunta sa harap ng isang Chevrolet Corvette. Namangha ako sa ganda ng kotse.
He opened the shotgun door for me.
"Get in." He said, gesturing.
"Mag peperform pa nga kami mamayang 9." Inis na sabi ko.
"I know, we'll be back before 9." He assured me.
I went inside his car.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito, kinakabahan tuloy ako.
"Hoy sa'n mo 'ko dadalhin? Mamaya dalhin mo 'ko sa hide out niyo ah? Tapos pag piyestahan ako ng mga lalaki do'n." I said nervously.

YOU ARE READING
Gaze at the Empyrean and say, Hi!
Romance[Editing] Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer of Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full...