Chapter 11

28 7 0
                                    

Nang makalabas na kami ni Mica, aayain ko dapat siya sa convenience store kaso may nakita 'kong nagtitinda ng dirty ice cream kaya hinatak ko nalang siya papalapit doon dahil nakasimangot pa din ang muka niya.

"Manong dalawa nga po, ano pong flavor mayroon?" I asked him while smiling.

"Avocado, cheese at cookies and cream po mam."

"Dalawang avocado flavor po kuya 'wag niyo pong haluan ng ibang flavor."

Nag scoop na si kuya ng avocado flavor sa cone. Na excite naman ako dahil antagal ko ng hindi nakakain ng avocado flavor na ice cream, favorite ko kasi 'yon dahil ansarap at sobrang creamy.

Inabot na ni kuya sa 'kin 'yung cone na may laman ng avocado flavor na ice cream. Binigay ko naman kay Mica 'yung Isa.

"Kuya magkano po?" Tanong ko.

"Bente lang ganda."

Kumuha ako ng bente pesos sa wallet ko at inabot sakaniya, "Thank you kuya." Naglakad na kami ni Mica.

"Kc is it clean? Is it edible?" Nandidiring tanong ni Mica.

"Dirty ice cream lang tawag dyan pero malinis 'yan shunga! Nakakain 'yan, tingnan mo nga dinidilaan ko na. Ba't 'di mo tikman? Ansarap kaya."

Tinikman naman ni Mica, no'ng una parang nandidiri pa siya dahil first time niya pa lang makakain ng dirty ice cream. Maya-maya lang ay ubos niya na,  at naunahan pa 'ko.

"Kc I want more, it's so delicious."

"Alam mo ikaw? Abuso ka." I smirked.

"I'm the one will pay, come on let's buy some more."

Hinatak niya naman ulit ako pabalik do'n sa pwesto nung nag titinda ng ice cream kanina pero wala na si kuya.

"Manong ice cream is not here anymore." Malungkot na sabi ni Mica.

"Malamang wala na agad 'yun, nilalako no'n 'yung ice cream niya para madaling maubos. Kung binili mo na kanina lahat ng ice cream odi sana 'di siya umalis. Tara na, abangan nalang natin sa susunod na araw si manong."

Tumalikod na ko kay Mica para maglakad na sana, pero pag kaharap ko nabunggo ako sa dibdib ng lalaking nasa harap ko, "Teka sino ba 'to?" I asked myself.

"Umalis ka nga sa dadaanan ko, sipain ko 'yang bayag mo!" Matapang na sabi ko.

"Ouch it hurts." Then he dramatically held his private part.

"Best actor ka? 'Di ko pa nga nasisipa nag-iinarte ka na!" I rolled my eyes.

"Hahaha I'm just kidding Cassiopeia. By the way where are you going?" Rigel asked.

"Wala ka na do'n!" Then I let out my tongue.

"Let's go to mall!" Aya ni Rigel.

"Oh sure, let's go Rigel!" Mica grabbed Rigel's arm.

Naiwan lang akong nakatayo doon hinayaan ko silang maglakad papuntang parking lot. Nang maramdaman nilang 'di ako nakasunod sakanila, bumalik silang dalawa para hatakin din ako.

"Come on Kc, Let's have some fun." Aya sa 'kin ni Mica.

Hinatak niya na ko dahil alam niyang ayokong sumama. Hindi naman kasi ako nagpupunta sa mall, ayoko sa madaming tao.

Hinatak niya 'ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse ni Rigel.

"Pumasok ka na Kc! Ano pang inaantay mo? Pasko? Let's Go!" Masiglang sabi ni Mica.

Sumakay na 'ko kahit labag sa kalooban ko dahil ayoko namang malungkot pa ulit si Mica gaya kanina.

"Ano bang gagawin natin sa mall? Wala kong pera." Sabi ko sakanilang dalawa.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now