Chapter 21

29 9 0
                                    

"Kc anong nangyare sa 'yo? Ba't ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni kuya.

Agad akong lumapit sakaniya upang mayakap siya. Niyakap niya ako pabalik at hinimas niya ang aking likod. Umiyak ako sa dibdib niya, mabuti nalang at andito siya dahil kailangan ko ng masasandalan.

"Kuya b-break na kami ni Rigel."

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong, "Asa'n 'yung gagong 'yun? Babasagin ko mukha nun Kc, sinasabi ko sa 'yo!" His eyes were bloodshot.

"Kuya, ako 'yung nakipagbreak ako 'yung tumapos sa relasyon naming dalawa. Ayoko pa sanang pakawalan siya pero kailangan. Ayoko sanang saktan siya pero wala kong choice kung hindi ang masaktan kaming dalawa, dahil alam kong hindi pwede. Sobrang sakit para sa 'kin na makita siya sa gano'ng sitwasyon kuya, dahil simula ng makilala ko siya do'n ko lang siya nakitang masaktan ng todo. Alam kong sobrang sakit no'n para sakaniya, pero mas grabe 'yung sakit na nararamdaman ko kuya habang sinasabi ko ang mga katagang 'yun sa harap niya, habang nakatitig sa mga mata niya. Sobrang naawa ko sakaniya. Ginamit ko pa si Casper, nag sinungaling akong nahulog na 'ko sa kaibigan ko para lang magawa akong bitawan ni Rigel." I said while I was crying.

I don't want to let him go. But the destiny is against us, and I don't have any choice. It's so painful for me, but I know it triple's the pain when I finally let him go. I hope we can survived this.

"Bakit ka ba nakipagbreak? Hindi kita maintindihan Kc." Pinahid ni kuya ang mga luhang bumagsak sa aking pisngi.

"Kuya naalala mo pa ba 'yung mukha nung nasa picture na binigay mo sa 'kin dati? Yung picture ng tatay ko?"

"Oh, anong meron do'n sa litratong 'yun? Anong meron sa tatay mo?" Kunot noong tanong niya.

"Kuya siya yung D-daddy ni Rigel, kuya magkapatid kami sa ama."

"Ano?" His eyes widened in shocked.

"Magkapatid kami sa ama ni Rigel kaya pinakawalan ko siya kahit hindi ko gusto pero ayon ang tamang gawin. Kuya tama naman desisyon ko 'diba? tama namang pakawalan ko siya, kahit nasasaktan kaming dalawa?" I asked him because I was so confused.

"Magpakatatag ka Kc, panindigan mo ang desisyong ginawa mo dahil ayon ang tama." he hugged me so tight to console me.

"Kuya parang hindi ko kaya, sakaniya na umikot ang mundo ko sa apat na taon naming pagsasama. Kuya parang hindi ko kakayanin." I cried again.

"Kaya mo Kc, nagawa mo ngang makipaghiwalay sakaniya. Nakaya mo ngang bitawan ang pinagsamahan niyong dalawa. Wala tayong magagawa dahil tadhana na ang kalaban niyo. 'Wag mong isiping hindi mo kaya, andito lang si kuya sasamahan kita sa laban mo. Iiyak mo lang lahat Kc, iiyak mo lahat ng sakit hanggang sa mapagod ka. Hindi ka iiwan ni kuya andito lang ako para sa aking prinsesa, aalalayan kita."

Umiiyak lang ako nang umiyak sa dibdib ni kuya habang magkayakap kaming dalaw. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala 'ko kakaiyak.

Kinabukasan, nagising akong nakahiga na sa kwarto. May nakita 'kong note sa lamesa at isang basong tubig, pag mulat ng mga mata ko.

Kc magpakatatag ka ngayong araw, nasa trabaho lang si kuya pag 'di mo na talaga kaya, text mo lang ako uuwi agad ako para sa 'yo. Inumin mo 'tong tubig baka madehydrate ka, kakaiyak mo. Laban lang, kaya mo yan!

Wala kong gana kumilos ngayong araw pero wala akong choice dahil kailangan kong pumasok sa Ojt.

Hindi muna ko bumangon at bumalik ako sa higaan, nakatulala lang ako sa kisame habang inaalala ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa, kung paano kami nagkakilala, paano kami nagsimula, paano kami nahulog sa isa't-isa at kung paano kami natapos.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now