Chapter 33

26 6 0
                                    

Nag leave ako ng isang linggo dahil pupunta kaming Palawan sa Lunes kasama ang mga kaibigan ko.

Sabado palang ng hapon kaya naman lumabas kami ni Kieff para maipasyal ko siya.

"Kieff, lets go baby." Tawag ko sakaniya.

Pumunta kami ni Kieff sa play ground ng subdivision upang maaliw siya. Bihira ko lang siyang mailabas ng bahay dahil busy ako sa trabaho.

Nakaupo ako bench habang hawak ko ang tali ni Kieff. Biglang nagvibrate ang cellphone ko, kaya agad ko itong kinuha.

From Rigel:

Where are you Cass?

Nagreply agad ako ng mabasa ko ang text niya.

To Rigel:

Andito kami sa play ground, sa loob ng subdivision.

From Rigel:

Okay, I'll go there.

Nilaro ko muna si Kieff habang wala pa si Rigel. Hinahagis ko ang bola niya at kinukuha niya naman para ibalik sa 'kin. Si Xyrius ang nagtrain sakaniya noong baby pa siya, silang dalawa ang laging magkalaro sa bahay.

Ilang minuto lang ang nakalipas at dumating na si Rigel. Nakasuot pa din siya ng formal attire dahil galing siya sa opisina.

Lumapit siya sa 'kin para bigyan ako ng halik sa noo.

"Okay lang bang sumama ka sa Monday? Wala bang magiging problema sa kumpanya?" I asked him.

"Tito will handle it for a while don't worry."

Lumapit siya kay Kieff upang himasin ang magandang balahibo nito.

"Hi little boy, how are you?"

Malaki na si Kieff pero baby pa din ang turing namin sakaniya.

"Tara, punta tayo sa bahay." Aya ko sakaniya.

"Let's go?"

Pumunta kami sa kotse niya. Binuksan niya ang shotgun door para makapasok kami ni Kieff sa loob, pumasok naman siya sa driver seat at nagsimula ng magmaneho patungo sa bahay.

"Bakit andito ka na pala? Ang aga pa, wala ka na bang trabaho sa opisina?"

He shook her head.

Nakarating na kami sa bahay kaya naman pagkabukas ko ng shotgun door agad na tumakbo si Kieff sa loob.

"Let's get inside." I said.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nagtungo sa sala. Walang tao sa bahay dahil busy sila mama at kuya sa pag handle ng negosyo namin. Si Jillian at Xyrius naman ay nasa school pa.

"Kumain ka na ba Rigel?"

"Yes, I eat lunch."

"Magluluto lang ako, dyan muna kayo ni Kieff."

Nagtungo na ko sa kusina, tinignan ko kung ano ang meron sa ref. May nakita 'kong hipon kaya ayon ang kinuha ko dahil iyon ang paborito ni Rigel.

Binabad ko muna ang hipon sa tubig dahil na frozen sa freezer, ng mawala na ang yelo ay niluto ko na ito sa butter.

Buttered shrimp ang niluto ko dahil alam kong madami siyang makakain pag gano'n ang luto ko.

"Cass, It smells good." Sigaw ni Rigel.

"Syempre ako nagluto, halika na dito kain na tayo."

Pumunta siya sa kusina at nilapag niya muna si Kieff. Naghugas siya ng kamay bago siya umupo sa dining table.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now