Chapter 24

30 8 0
                                    

Kinabukasan tinawagan ko si Mica upang maki-balita kung nakapasa ba siya sa board exams.

Ilang ring, pa lamang ng cellphone aay sinagot niya na agad.

"Hello Mica?"

"Hello, bakit?" Halata sa boses niya na kakagising niya pa lamang.

"Nakapasa ka?"

"Huh? Lumabas na ba result?" Takang tanong niya.

"Oo tanga! Kahapon pa, kaya tumayo ka na dyan tingnan mo kung ganap na architect ka na!"

"Eh ikaw Kc? Pumasa ka?" Excited niyang tanong.

"Oo Mica! Anuna kunin mo na 'yung laptop at tingnan mo."

"Wahhh congrats Kc! Sana ako din. Wait lang kukunin ko lang laptop ko, 'wag mong ibaba."

"Mica napakatagal mo!"

"Eto na madam, wait ka lang mahina kalaban. Kinakabahan ako Kc!"

"Tingnan mo nalang kaya? Kaba-kaba ka pang nalalaman dyan."

"Ito na nga kakabukas lang ng laptop, saglit lang aba punta lang ako sa site."

"Okay tyt."

"Kc." Malungkot niyang sabi.

"Oh ano? Nakapasa ka ba? Nakita mo ba pangalan mo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kc!" Nagsimula na siyang umiyak.

"Ano ba Mica? Nakapasa ka ba o hindi?"

"Kc nakapasa ko! Ahhhhh ganap na architect na tayo!" Sigaw niya.

"Congrats Mica! Umiyak-iyak ka pa diyan pasado ka naman pala!"

"Shunga syempre buntis, palit kaya tayo ng kalagayan!" Inis na sabi niya.

"Hahaha sorry na. Sige na Mica, baba ko na 'to, mag-aapply akong trabaho ngayon. Take care."

"Nakaka-inggit ka naman makakapagtrabaho ka na. Bye Kc ingat ka."

I ended the call and went down stairs to take a shower and to eat some breakfast. I wear a formal attire because I'm going to apply for a job today

Excited ako, na kinakabahan habang papunta sa kumpanya na a-applyan ko.

Madami akong kumpanyang inapplyan, para more chances of winning.

Matapos kong mag apply, umuwi na 'ko. Habang pauwi na 'ko ay naisipan kong magchat sa group chat ng banda namin para ibalita sakanila.

Kc: Architect na 'ko guys!

Migs: Wow taray, walang blow out?

Dax: Wala daw Migs, blow job lang.

Kc: Napakabastos mo Daxton!

Casper: Congrats Kc! Wala bang painom dyan?

Kc: Libre ko kayo guys sa first sweldo ko, pag natanggap ako sa pinag-applyan kong trabaho.

Dax: inaasahan namin, gagawan mo kaming libreng pabahay, hindi libreng pagkain.

Kc: Abusado ka talaga! Pag sa 'yo Dax doble presyo. Kay Migs at Casper libre.

Dax: Mali naman 'yon Kc! Alam mo miss na kaya kita, pa kiss nga.

Hindi na ko nagreply pa at tinago ko na ang cellphone ko dahil pababa na 'ko sa jeep. Sumakay ako ng tricycle patungo sa bahay.

Pagkadating ko sa bahay ay napakatahimik. Hinahanap-hanap ko pa din ang presensiya ni lola hanggang ngayon. Sobrang miss ko na talaga siya. Mabuti nalang at medyo natatanggap ko na kahit paunti-unti ang pagkawala ni lola.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now