Walang pasok ngayon araw dahil holiday. Ginawa ko ang mga plates na hindi ko pa din natapos kagabi.
Nakailang ulit ako dahil hindi ako masatisfy sa gawa ko.
"Arghhhhh nakakainis!" I massaged my head.
Tinigil ko muna ang ginagawa ko at bumaba para magluto ng almusal. Habang nagluluto ako nakita ko si kuya na pababa na ng hagdan.
"Kuys! Nag audition pala ko sa banda sa school no'ng isang araw, nakapasa ko. Tapos sabi nung head department ng music humanap daw kami ng pagpapart time-an namin kasi 'di naman kami laging tutugtog sa school occasionally lang kaya humanap kami agad, kaya mamaya may Gig na kami sa XG noble bar 9 pm. Yung perang sasahudin ko itutulong ko dito sa gastusin sa bahay."
"Hindi ba delikado 'yon Kc? Bar 'yung tutugtugan niyo?" Kuya asked worriedly.
"Hindi naman kuya isasama ko naman si Mica mamaya tsaka mababait yung mga kabanda ko, kagabi nga hinatid pa 'ko pauwi kasi gabi na." Pangungumbinsi ko kay kuya.
"Mabuti naman kung gano'n, mag iingat ka ah? Oh ano ba 'yang niluluto mo? ang bango naman niyan."
"Sopas kuya, favorite ni Jillian."
"Luto na ba 'yan? He asked with excitement in his voice.
"Malapit na 'to kuya, pa gising naman sila lola at Jillian, Si mama nga pala umuwi ba?"
"Hindi nanaman ata." He shrugged.
Wala namang bago kaya nasanay nalang kaming ganiyan si mama.
Pagkatapos kong magluto ay nag hain na 'ko ng sopas sa mangkok, pinagtimpla ko din si lola at Jillian ng gatas, kape naman para sa'kin at kay kuya.
Maya-maya ay gising na ang mga mahal ko sa buhay, ansarap gumising na makikita mo ang pamilya mong may ngiti sakanilang mga labi.
Nagdasal muna kami bago kumain. Si Jillian ang nag lead ng prayer namin.
"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen." She prayed, enthusiastically.
Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kami habang kumakain ng almusal.
Pagkatapos namin kumain ay naglinis muna 'ko ng bahay, pinaliguan ko si Jillian at inasikaso ko si lola.
Matapos lahat ng dapat kong gawin ay ibinaba ko ang mga gamit ko para sa sala gumawa. Inaantok kasi ako kapag sa kwarto ako gumagawa ng mga plates, para bang hinahatak ako ng kama.
Makalipas ang ilang oras ay natapos ko din ang mga plates na kailangang ipasa.
I always do my best when it comes to architectural designs and architectural visual communications.
Sobrang nakakasatisfied pag natapos mong gawin ang napakadaming plates pero nagawa mo ito ng maayos at maganda.
Magluluto na sana 'ko ng pagkain namin para sa tanghalian kaso pagkabukas ko sa lagayan ng bigas wala ng laman, tinignan ko din ang ref ngunit wala ng ulam puro tubig na lamang ang laman.
"Sa'n ako kukuha ng pangbibili namin ng ulam? Sakto lang 'yong perang binibigay sa'kin ni kuya pang allowance." I asked myself.
Nag-isip muna 'ko ng mga ilang minuto. Naalala ko ang ipon ko pambiling ticket papuntang Barcelona.
Simula High School ako iniipon ko na 'yon dahil isa talaga sa pangarap kong puntahan ang Barcelona, dahil kilala ito bilang Architectural Capital of the world. Nais kong makita ang Sagrada Familia at Casa Batllo na dinisenyo ng sikat na Arkitektong si Antoni Gaudi.
YOU ARE READING
Gaze at the Empyrean and say, Hi!
Romance[Editing] Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer of Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full...