Chapter 23

24 8 0
                                    

"La kumain ka na ba?" Tanong ko kay lola pagkababa ko ng hagdanan.

Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sakaniya. Kaya agad akong nagtungo sakaniyang kwarto.

"La!" Agad na gumapang sa katawan ko ang takot, ng makita kong hirap na hirap na si lola sa paghinga.

"Ma, Si lola nahihirapang huminga!" Malakas kong sigaw.

"Anong nangyari anak?" Naguguluhang tanong ni mama.

"Ma, dalhin na natin sa ospital si lola."

Agad akong lumabas at tumawag ng tricycle. Mabuti nalang at mabait 'yung driver dahil tinulungan niya kaming buhatin si lola palabas, nang maisakay na namin siya labis na takot ang nararamdaman ko. Natatakot ako para kay lola.

"La, lumaban ka 'wag mo muna kaming iwan please. Lola enhale, exhale." Naiiyak kong sabi.

"Kuya pakibilisan naman oh?" Nag aalalang sabi ni mama.

"La kumapit ka lang, malapit na tayo." My tears started to fall, when I realized that lola is unconscious.

Nang makarating kami sa Ospital, agad na binuhat ng driver si lola papuntang emergency room.

"What happened?" Tanong ng nurse.

"Nahirapan siyang huminga at bigla siyang nawalan ng malay." Umiiyak na sabi ni mama.

"Miss please gawin niyo lahat ng makakaya niyo para kay lola, please." I begged her.

Habang nag-aantay kami ay umiiyak na si mama kaya kailangan kong maging matatag para sakaniya. Hindi mawawala si lola, 'yan ang tinatak ko sa aking isipan.

"Ma, magiging okay din si lola, gagaling siya." I said with a hopeful voice.

Gustong-gusto ko ng umiyak dahil unti-unti akong nalalason, sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan, habang pinapanuod si lola na i-revived ng doctor.

"Doc anong nangyayari kay lola? Doc tulungan niyo siya please, Doc please." Pagmamakaawa ko sa Doctor.

Ngunit biglang tumunog ang life monitor machine hudyat na hindi na kinaya ni lola at sumuko na talaga ang katawan niya.

"Time of death 7:45 A.M. I'm sorry we tried are best to revive her, but there's no response."

"Doc hindi totoo 'yan, hindi totoo 'yan." I shook my head, "Doc bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi totoo 'yon 'diba?" I asked with a hopeful voice. "Doc tulungan mo si lola please, lola ko 'yan doc tulungan mo siya! hindi totoong patay na si Lola!" Lumuhod ako sa harap ng doctor upang magmakaawa.

"I'm sorry, but we did everything we can do."

Lumapit ako kay lola para tingnan siya. "Lola! Gumising ka na, 'wag mo naman kaming iwan." Umiiyak kong sabi habang hawak ko ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo diyan? Bakit nakatayo ka lang? Bakit hindi ka kumikilos para gamutin si lola? Gamutin mo siya!" Sigaw ko sa Doctor.

"I'm sorry we tried our best to save the patient." The doctor said before she leaved.

"Kung ginawa niyo 'yung best niyo bakit namatay ang lola ko? Doctor ba talaga kayo? Bakit hindi niyo nagawang iligtas ang lola ko?" I sobbed.

"Kc tama na. Wala na tayong magagawa, wala na ang lola mo. Masakit man pero kailangan nating tanggapin ang pagkawala niya." Umiiyak na sabi ni mama.

"Ma hindi totoo 'to, panaginip lang 'to 'diba?" Patuloy ang luhang umaagos sa aking mga mata.

"Lola gumising ka na diyan please! La 'diba sabay nating titingnan 'yung bar exam results? Bakit nakahiga ka lang diyan? La tumayo ka na please, 'wag ka namang mag biro ng ganiyan. La andaya-daya mo naman. 'Di ko pa naabot pangarap ko iniwan mo na 'ko." Niyakap ko si lola ng napakahigpit.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now