"Good Morning Jillian!" Bati ko sa aking kapatid.
"Good Morning ate."
"Halika baba na tayo, naamoy ko na, 'yung niluluto ni mama." Aya ko sakaniya.
Inaantok pa si Jillian pero tumayo din naman agad siya kaya bumaba na kami, nakita kong nasusunog na ang niluluto ni mama.
"Ma! Balak mo bang sunugin bahay natin? Asan ka ba?" I yelled.
Pinatay ko ang kalan sa takot na masunog ang bahay namin.
"Kc! Ang lola mo!" Sigaw ni mama.
Agad naman akong nataranta at kinakabahang nagtungo sa kwarto ni lola. Nakita ko si lolang nahihirapan nanamang huminga. Agad na gumapang ang takot sa buong pagkatao ko.
"Ma paabot nung inhaler ni lola." I said while panicking.
Agad kong binigay kay lola ang inhaler niya para matulungang guminhawa ang pakiramdam niya. Kinuhanan ko siya ng tubig upang makainom si lola.
"La ayos ka na ba?" I asked worriedly.
"Nahirapan lang akong huminga apo, pero umaayos naman na at bumabalik na sa dati ang aking paghinga."
"Halika na la, kain muna tayo."
Inalalayan ko namang tumayo si lola at inakay papunta sa hapag.
Kumain na kami at pagkatapos naligo na 'ko para mag handang pumasok sa school.
"La? Ayos ka na po ba? Pag nahirapan kang huminga patunugin mo lang 'tong bell mo ah? Para marinig ka ni mama o kaya ni Jillian. Alis na po ako I love you la." I hugged and kissed her hand before I left.
Pagkalabas ko ng bahay nagulat nanaman ako sa presensiya ni Rigel.
"Anak ng tinapa naman Rigel, lagi mo nalang akong ginugulat kada umaga!"
"I'm sorry, I didn't mean it." He kissed me on my cheek.
"Bakit 'di ka pumasok sa loob?"
"I just arrived a while ago, let's go?" Pag aya niya sa 'kin.
"Kumain ka na ba? Tara muna sa loob."
"I've already eaten, let's go. I have important meeting today." He seriously said.
"May meeting ka pala sinundo mo pa 'ko, makakapasok naman ako sa school kahit 'di mo ko sunduin!" Pagbibiro ko sakaniya.
"I want to see you." He casually said.
"Halika na nga." Aya ko sakaniya.
Sumakay na kami sa kotse at nag maneho na siya papuntang school.
"Bye Rigel." I gave him a soft kiss then I get out of his car.
Maglalakad na sana 'ko papasok ng school ng may maisip akong kalokohan, nakalimutan ko baon ko. Bumalik ako sa kotse niya at kinatok ang bintana sa driver seat.
"Allowance dad." Nilahad ko ang aking kamay.
"Here." Abot niya sa tissue.
Nang i-crumpled ko ang papel ay biglang may lumabas.
"Rigel letse ka, napakabagra mo may sipon pa 'to tapos ibibigay mo sa 'kin?" I rolled my eyes.
Hinagis ko pabalik sa kotse niya 'yung tissue na may sipon.
"Bye Cass I love you." He chuckles.
"I love you, your face!" I rolled my eyes again.
Pumasok na 'ko sa loob ng school at nag tungong bathroom para maghugas ng kamay.
YOU ARE READING
Gaze at the Empyrean and say, Hi!
Romansa[Editing] Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer of Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full...