Inikot ko ang aking paningin, umaasa 'kong narito pa siya at hindi pa nakakapasok sa boarding gate, dahil hindi ako maaring pumasok doon ng walang plane ticket at passport.
"Rigel 'wag naman ganito! Sinabi kong ayoko ng makita ka, pero hindi ko sinabing umalis ka. Sana hindi ka pa nakakapasok sa loob, handa 'kong bawiin ang lahat ng salitang nasabi ko sa 'yo makita lang kita ngayon." I said to myself.
"Kc maghiwalay tayo para mas madali natin siyang makita." Casper said.
Magkaiba kami ng direksiyong pinuntahan ni Casper ng sa gano'n, mas madali namin siyang makita kung narito pa siya.
Makalipas ang ilang minutong paghahanap nagkita ulit kami ni Casper.
"Nakita mo ba siya?" I asked with a hopeful voice.
"No, he's not around anymore."
Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha at nawawalan na 'ko ng pag-asa.
"Kc do you have passport?" He asked.
"Wala 'kong passport." Problemado kong sagot.
"Okay, I'll just get my passport at my car then I'll buy a ticket para makapasok ako sa loob, hahanapin ko siya 'wag kang mag-alala." He said, trying to console me.
Agad na nagpunta si Casper sa parking lot at tumatakbong bumalik papunta sa bilihan ng airline ticket. Habang ako naman ay kinakabahang nag-aantay sakaniya. Bumalik siya sa kinatatayuan ko matapos niyang bumili.
"Kc I'll go inside, I will call you later to stay updated. You need to go at the customer service."
I didn't talk, I just nodded.
Umalis na si Casper at pumasok sa loob, dali-dali ko namang hinanap ang customer service. Nang mahanap ko ito, wala na 'kong sinayang na pagkakataon.
"Miss can you announce that I'm finding Rigel Vasquez?"
"Yes ma'am." She smiled at me.
"Mr. Rigel Vasquez, Mr. Rigel Vasquez, please proceed to the customer service please.""Thank you miss. Pero pwede bang pakiulit, ulit?"
"Mr. Rigel Vasquez please proceed to the customer service please. Mr Rigel Vasquez please proceed to the customer service please."
Halatang nakukulitan na siya sa 'kin ngunit desperada 'kong makita ulit si Rigel.
"Pwede din bang pakisabe andito 'yung future wife niya si Kelphie Cassiopeia Fernandez nag
aantay sakaniya, Miss please.""Your future wife is here, Ms. Kelphie Cassiopeia is waiting for you at the customer service area."
"Thank you miss, thank you so much pero pwede bang, paki sabing 'wag na siyang umalis dahil mahal na mahal ko siya, please miss last na talaga?" Pagmamakaawa ko.
"Seryoso ka ba ma'am?" Her eyes widened in shock.
"Oo seryoso ako miss, please kaya paki announce ayoko ng maiwan ulit. Hindi ko kayang mawala yung 'taong minahal ko ng sobra-sobra kaya miss, please lang." Umiiyak kong sabi sakaniyang harapan.
"Mr. Rigel Vasquez, she said that she loves you so much please don't leave her. Miss Kelphie Cassiopeia is waiting for you at the customer service area, please show up.
Agad namang tumunog ang phone ko, akala ko si Rigel na, ngunit si Casper lang pala.
"Kc, I'm sorry he's not here anymore. Where are you now?"
Hindi ako nakapagsalita agad, at umiyak nalang ako ng umiyak.
"Nasa c-customer service pa din." I said while crying.
YOU ARE READING
Gaze at the Empyrean and say, Hi!
Romance[Editing] Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer of Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full...