Chapter 17

23 7 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil anong oras na, baka ma late pa 'ko. Nagulat ako ng makita si Rigel sa labas ng gate namin.

"Anak ng tokwa naman!" I held my chest in panic. "Anong ginagawa mo diyan? Bakit 'di ka pumasok sa loob?"

"You're not responding to my text." He simply said.

"Nagmamadali kasi ako, wala 'kong oras para mag cellphone." I said.

Third year na 'ko ngayon taon kaya mas lalong dumoble 'yung hirap. Kung dati nakakatulog pa 'ko ngayon swertihan nalang pag nakatulog ako ng tatlong oras.

"Let's go Cass, I'll take you to your school."

He opened the shotgun door for me. I went inside then he drove as fast as he could.

"How are you? You look so tired. Did you sleep last night? Have you eaten your breakfast?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Nakakapagod pero kaya naman para sa pangarap. Three hours lang tulog ko dahil andaming plates na kailangan ipasa. 'Di ako nakakain ng breakfast dahil nagmamadali ako, ayoko namang ma late.

"Here." Inabot niya ang paper bag na may lamang pancake at coffee, "You should eat all the time, you have to take care of yourself Cass when I'm not around. Don't forget to eat." Panenermon niya sa 'kin.

Kinuha ko naman ang inabot niyang paper bag.

"Yes I will, Sorry." I gave him an apologetic smile.

"How are you? How's work?" I curiously asked him.

"I'm getting used to it, don't worry about me. I'm doing my best to be promoted."

Kahit na sa sariling kumpanya nila nagtrabaho si Rigel, nagsimula siya sa pinakamababang pwesto dahil gusto niyang paghirapan ang bawat tagumpay na makukuha niya. Natuto siyang pahalagahan ang mga bagay na mayroon siya.

Nang makarating kami sa school hinalikan ko siya sakaniyang  pisngi.

"Thank you for the ride, I love you." Bumaba na 'ko sa kotse at nag simulang tumakbo sa takot na baka late na talaga 'ko.

Pagkarating ko sa Mac lab namin, buti nalang wala pa ang prof namin sa Computer Aided design.

Nilingon ko si Mica mukang problemado siya sa buhay niya.

"Mica!" Tawag ko sakaniya. "Okay ka lang?" Takang tanong ko.

"Oo puyat lang ako." She chuckles.

Dumating na ang prof namin at nag simulang mag discuss.

"CAD is an important industrial art extensively used in many applications, including automotive,ship building and aerospace industries, industrial and architectural design, prosthetics and many more. CAD is also widely used to produce computer animation for special effects in movies, advertising and technical manuals, often called DCC digital content creation. The modern ubiquity and power of computers means that even perfume bottles and shampoo dispensers are designed using techniques unheard of by engineers of the 1960s."

Natapos ang subject namin sa CAD na puro daldal lang sa harapan ang ginagawa ng prof namin.

Matapos ang klase namin sa lahat ng subject, dumiretso ako sa faculty ng prof namin sa architectural design para ipasa ang mga pinapagawa niyang mga plates.

Lumabas na 'ko ng school namin at nag-antay ng jeep dahil didiretso ako sa condo ni Rigel, namimiss ko na siya. Ilang linggo ko siyang hindi nakasama dahil busy ako sa pag-aaral habang siya naman ay nagtatrabaho.

Nang makarating ako sa condo niya, wala pa siya doon dahil masyado pang maaga. Kaya naman naisipan kong ipagluto siya ng paborito niyang buttered garlic shrimp buti naman at kumpleto ang mga ingredients sa ref. Matapos kong magluto ay dumiretso ako sa living room. Binuksan ko ang tv at nanuod muna ako ng movie para mag relax habang inaantay siya.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now