Chapter 8

31 6 0
                                    

"Gusto ko ng pahinga. Gusto kong ipahinga 'yung mga mata kong pagod na, 'yung utak kong punong-puno ng problema, 'yung puso kong hindi na makahinga, 'yung pagkatao kong napapagod na." I sighed heavily.

I just need a break from reality.

"Everything seems so exhausting, If you get tired just rest don't ever quit. Keep holding on to things that gives you strength, someday everything will be alright." Rigel said sincerely.

"Sa totoo lang gustong-gusto ko na talagang sumuko tipong konti nalang bibitaw na 'ko, sobrang pagod na talaga 'ko. Kaso may pangarap ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko kaya hindi ako pwedeng sumuko, mapapagod lang ako pero hindi ko susukuan yung mga pangarap ko." I look at him and smiled.

Perseverance isn't easy, it is effort that you put towards accomplishing what you started out to do, inspite of difficulties, failures and oppositions.

"If you're feeling tired, lonely, or sad just look at the stars and the moon up in the sky it will help you feel better." He looks at me then he smiled back.

Ang bigat sa pakiramdam na kailangan ko pang libangin 'yung sarili ko para lang makalimutan yung mga problemang tumatakbo sa isipan ko.

Halos isang oras na kaming nakatingin sa kalangitan ng mapagpasiyahan kong bumalik na ulit kay lola dahil nakaramdam na ko ng antok.

Kinalabit ko siya, "Rigel tara na, balik na tayo sa loob."

Kahit papaano ay nabawasan 'yong bigat na nararamdaman ko dahil sakaniya. Tumayo na kami at bumalik na sa loob ng Ospital.

Natulog ako ng nakaupo habang ang ulo ko ay nakahilig sa kama. Si Rigel naman ay nakaupo lang din sa kabilang gilid pinagmamasdan si lola.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni kuya.

"Kc gising na pumasok ka na ngayon, hindi ka na nakapasok kahapon." Panggigising niya sa akin.

Minulat ko ang aking mga mata, nakita ko si lola na masayang nakahiga sa kama. Nagising akong may jacket na nakasampay sa balikat ko. Hinanap ng mga mata ko si Rigel ngunit wala siya.

"Nasa'n si Rigel kuya?" I asked him.

"Lumabas eh, 'di ko alam kung saan pupunta." He shrugged.

Dumating si Rigel na may dalang take-out na pagkain. Kumain muna kami nila lola bago ako umalis.

Hinatid ako ni Rigel pauwi sa bahay habang siya naman ay umuwi sa condo niya.

Tinignan ko muna si Jillian sa aming kapit-bahay bago ako nagluto at nag ayos para pumasok sa eskwelahan.

Bago ako umalis pinuntahan ko si Jillian para dalhan ng pagkain.

"Jillian ayos ka lang ba dito?" I asked her while patting her head.

"Oo naman ate, naglalaro lang kami tsaka nag aaral-aralan." She said enthusiastically.

"Sige Jillian alis na si ate ah? Pakabait ka dito." I kissed her on her cheek before I walk away.

Sumakay na 'ko papuntang school. Nagmadali ako dahil baka mayroon kaming gagawin o quiz ngayon, hindi man lang ako nakapagbasa o nakapag-aral kahapon.

Pagkadating ko sa school buti nalang at ando'n na si Mica.

"Kc why are you absent yesterday?" She curiously asked.

"Dinala kasi namin si lola kahapon sa Ospital, nahirapan kasi siyang huminga." I said with sadness in my voice.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now