Ngayon ang binyag ng anak ni Mica, buti nalang at day-off ko kaya magagawa kong umattend.
Pagkagising ko ng 10:00 am, naligo na agad ako dahil 11:00 ang start ng binyag. Tinanghali akong magising dahil pinagpuyatan ko kagabi gawin 'yong overall look ng building para sa bago naming project.
Matapos kong maligo ay agad akong nag bihis.
I'm just wearing a black high waist pencil cut ending above the knee, white casual long sleeve blouse, I paired it with black sandals and black sling bag.
Hindi na 'ko nag abala na kumain dahil baka malate ako. Nag madali na ako at sumakay ng tricycle.
Pagkadating ko ng simbahan ay nando'n na silang lahat. Agad kong pinuntahan si Mica dahil hawak-hawak niya si baby Faira.
"Hi baby Faira antaba-taba mo na, para kang marshmallow ang cute-cute mo!" Biglang ngumisi si Faira.
"Ba't ngayon ka lang?" Masungit na tanong ni Mica.
"Puyat ako, nakipag late night talks lang naman ako sa mechanical pen at tracing paper."
"New project?" She raised her eyebrow.
"Oo, tara na sa loob." Aya ko.
Nagsimula ng binyagan si baby Faira pagkadating ng pari, sinindihan namin ang aming mga kandila. Iyak siya ng iyak habang binibinyagan.
Matapos siyang binyagan, kinuhanan ng litrato bawat ninong at ninang.
Habang karga ko si baby Faira at kinukuhanan kami ng picture ng photographer, mayroon akong nakitang lalaki ngunit agad itong tumalikod at naglakad paalis, pinagmasdan ko ang kanyang likod habang naglalakad papalayo dahil magkaparehas sila ng hubog nang katawan ni Rigel. Natauhan naman ako ng sigawan ako ni Mica.
"Kc tumingin ka sa camera! Sino ba tinitignan mo?"
Agad naman akong ngumiti at humarap sa camera. Pinagsawalang bahala ko nalang ang aking nakita. Baka dahil lang 'yon sa gutom, hindi pa kasi ako kumakain ng almusal.
Dumiretso na kami sa reception pagkatapos, sumabay ako kay Dax at Casper dahil wala pa 'kong kotse.
"Kc wala ka pa ding boyfriend?" Dax asked.
"Dax wala ka pa ding girlfriend?" Balik kong tanong sakaniya.
"Siyempre wala, chix madami. Itong nanahimik dito may girlfriend na."
Tahimik lang si Casper habang nagmamaneho.
"Ba't 'di mo sinama Casper? Hindi mo man lang ba kami ipapakilala?" I asked him.
"Ikaw lang naman 'di nakakakilala Kc, hayaan mo papakilala kita sa susunod." He smiled at me.
"Kilala mo girlfriend niya Dax?"
Takang tanong ko."Malamang, pinsan ko girlfriend niyang mokong na 'yan eh. Ayon 'yung babaeng sumigaw dati sa bar na gustong iuwi vocalist natin."
"Yung babaeng lasing na sumigaw? Andaya niyo naman!" Nagtatampo kong sabi.
"Gusto mo papuntahin natin mamaya sa bar? Mayroong after party mamaya 'diba?" Tanong ni Casper.
"Oo pre, sa Pitcher's Perfect." Dax replied.
"Punta ka Kc ah? Para makilala mo si Nixie." Casper let out a smile.
Masaya 'ko dahil nakahanap na si Casper ng babaeng para sakaniya. 'Yung taong susuklian ang pagmamahal niya.
I believe in God's perfect timing.
Nakarating na kami sa venue, napakaraming tao dahil ando'n din 'yung mga business partner ng tatay ni Mica.
YOU ARE READING
Gaze at the Empyrean and say, Hi!
Romance[Editing] Filipino- English Rigel Kienne Vasquez, a Silver Steppers dancer of Holy Trinity University of Asia (HTUA), never expected to fall in love again after he broke up with her ex girlfriend 2 years ago. Then, he met Kc a girl drummer with full...