Chapter 20

27 9 0
                                    

Author's note:

Please play Say something by A great big world while reading this Chapter, thank you and enjoy reading everyone.
__________________________________
Simula ng malaman ko ang katotohanan, hindi ko na tinangka pang sabihin 'yon kay Rigel. Binaling ko sa iba ang aking atensyon. Nag focus ako sa internship at nag re-review ako kapag may free time para sa bar exams, ayokong isipin ang mga problema dahil baka malunod ako at hindi na makaahon pa.

Andaming nakatambak na gawain sa 'kin ngayon buti nalang at four weeks pa bago ang deadline nito.

Maya-maya may lumapit nanaman sa desk ko. Hudyat na may paparating nanamang bagong gagawin.

"Fernandez can you do a revit model of my garage? I need it within this week."

"Yes Sir." I tried to smile at him.

Wala 'kong choice kung hindi tanggapin nang tanggapin ang pinapagawa nila dahil intern lang naman ako dito, wala akong karapatan para mag reklamo kahit na tambakan pa nila ko ng napakadaming gawain.

Sinimulan kong gawin ang mga nakalinyang mga gawain, ngunit biglang nag vibrate ang cellphone ko dahil sa tawag.

"Hi Cass are you busy? Please don't forget to eat okay? Rest if you have time. I love you."

"I'm busy right now, I'll eat later. Don't worry about me I'm fine I can handle myself." I ended the call.

Matapos kong malaman ang katotohanan, bihira nalang kaming mag kita ni Rigel dahil parehas kaming busy. Naging pabor naman sa 'kin 'yun dahil napaka hirap pata sa 'kin ng problemang ito.

Month passed by, natapos ko ang lahat ng pinapagawa nila sa 'kin at napasa ko naman ang mga 'yon on time, kaya naman hindi na tambak pa ang mga trabahong ginagawa ko kada araw. Kahit papaano ay nakahinga na 'ko sa napakaraming gawain. 'Yung sweldo ko dito binibigay ko kay mama, nagtatabi din ako ng konti para sa sarili ko.

Nagulat ako nang makita ko sa labas ng building si Rigel pagkalabas ko.

"Happy Birthday Cass." Rigel greeted me while holding a cake.

Napangiti naman ako dahil kahit sobrang busy niya, hindi niya ko nakakalimutan. Mas lalo akong pinapahirapan ni Rigel dahil sa mga ginagawa niya. Lagi siyang nag eeffort lalo na pag pagod na pagod ako. He always try to make me smile kahit na pagod din siya galing sa trabaho. Malapit na kaming mag four years pero never siyang nag bago, lagi pa din siyang andiyan para sa 'kin, pinapahalagahan, inaalagaan at minamahal ng walang hanggan kahit na napakacold na ng pakikitungo ko sakaniya.

"Thank you Rigel." I smiled at him.

He wanted to kissed me on my lips ngunit agad akong umiwas, gusto sana niya 'kong halikan sa labi ngunit hindi niya nagawa, kaya tumawa nalang siya.

"Let's go Cass!" Aya niya sa 'kin.

"Where are we going?" I asked him.

"Just trust me." He chuckles.

"I trust you." Maikli kong sagot.

He opened the door at the shotgun seat then I went inside, he gave me the cake before he went to the driver seat and started the engine. He drive straight to his condo and after a few minutes we finally arrived.

Bumaba na kami sa sasakyan niya at naglakad kami patungo sa elevator. Nang makarating kami sa pintuan ng unit niya, tinakpan niya ang mga ⁰mata ko.

"Rigel!" Inis kong sabi.

Naramdaman kong binuksan niya ang pinto. Pagkabukas niya, tinanggal niya ang piring sa mga mata ko, nakita ko ang mga rose petals na nagkalat sa sahig, lobo sa kisame, heart shape na mga pictures namin sa pader at bouquet of flowers sa lamesa.

Gaze at the Empyrean and say, Hi!Where stories live. Discover now