SAMARA'S POV
"MS. FUENTES, introduce your self infront of them" sabi ng prof namin habang naka-upo sa desk niya.
Tumayo ako at nag punta sa harap.
"Hi, my name is Samara Fuentes, 17 years old. Nice to meet you guys" bibo kong sabi sa harap nila at nag bow.
Naagaw naman ang atensyon ko sa grupo ng mga babaeng nag bubulong-bulongan habang pa sulyap-sulyap sa kinaroroonan ko.
"Diba siya 'yong kanina?"
"Ang kapal naman ng mukha niyang sapakin si Kaizer"
"Baka hindi pa niya alam kung sino ang binabangga niya"
"Oo nga, hindi siguro tinuturuan ng magandang asal ng mga magulang"
"Baka pati magulang hindi maganda ang asal"
Bigla nalang nag dilim ang paningin ko. Mabilis akong nag lakad patungo sa kinaroroonan nong limang impaktang nag che-chismisan tungkol sa akin, sa harapan ko pa mismo.
Hinablot ko 'yong bag na yakap-yakap nung babaeng nag sasabi na walang asal ang mga magulang ko, at malakas ko itong inihampas sa mukha niya.
Narinig ko naman ang pag singhap ng iba ko pang kaklase.
"Fvck! Walang hiya ka" sigaw nong impakta. Akma niya akong lalapitan pero inunahan ko na siya.
Sinakal ko ang leeg niya at isinandal sa ding-ding.
"Tandaan mo'to ha! Ayaw na ayaw kong makarinig ng mga katagang masyadong masakit sa tenga. Wag na wag mo kong sagarin at baka tuluyan pang mag dilim ang paningin ko't sa kabaong ang bagsak mo!" Nanggalaiti kong bulong sa kanya habang diniinan ko pa ang pagkakasakal sa leeg nya.
Wala akong pakialam kahit pa nakatingin sa amin si prof. Mamaya ko nalang haharapin ang parusa ko.
Nakita ko naman namumutla na ang babaeng impakta at parang iiyak na ito sa higpit ng pagkakasakal ko sakanya.
Nabalik ako sa katinuan habang nakikita ko sa mga mata niya ang takot at pagkabigla.
Bigla kong binitawan ang leeg niya at dali-daling kinuha ang bag ko sa inuupoan ko at humarap kay prof.
"I'm sorry prof, parusahan mo nalang ako bukas. Aalis na po muna ako" pagkasabi ko nun ay dali-dali na akong lumabas ng classroom.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing makakarinig ako ng hindi maganda lalong lalo na patungkol sa akin, parang mag iiba ang pagkatao ko. Parang gusto kong pumatay. Ayoko ng ganito. Ayokong makakasakit ng ibang tao.
Lakad lang ako ng lakad. Hindi ko na namalayan nakarating na pala ako sa-
Park? May park pala dito sa likud ng school?
"Woooww, ang ganda" tanging usal ko.
May nakita akong nag iisang puno sa di kalayuan kaya nag pasya akong puntahan 'yon at umupo dun.
Ilang sandali pa't naisipan kong iidlip sana pero naudlot yon dahil sa pesting gumagapang sa paa ko.
"Waaaahhh, uod! waaahhh" sigaw ko habang napatalon-talon.
*Booggsshhh*
"Arrrgghh! fvck" napalingon ako sa lalaking nakasalampak sa lupa habang naka hawak sa balakang n'ya.
Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kanya na nakapikit ang mata at nakalukot ang mukha.
Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang lalaking nakaaway ko kanina.
Nakoo. Patay!
Napapitlag pa ako ng bigla siyang tumingin sa'kin. Bahagya pa akong napa atras dahil sa titig niya, na parang kakain na ng tao.
"You!" Turo niya sa akin. Dahan-dahan siyang tumayo at humakbang palapit sa akin.
Kinalma ko naman ang sarili ko at matapang na humarap sa kanya.
"Ako nga! Bakit?" Angas kong sabi sa kanya.
"Alam mo bang nakakatatlo kana sa akin?" Napatiim bagang na sabi niya.
Pahakbang ng pahakbang pa siya papalapit sa akin. Ako naman na gaga, nakatayo lang habang nilalabanan ang titig niya.
"Nakakatatlo? Saan? " pag mamaang-maangan ko sa kanya habang nakakapit ang mga kamay ko ng mahigpit sa dulo ng uniform ko.
Konti nalang talaga magkalapit na ang mga katawan namin, pero nanatili pa din akong nakatayo, at pinilit pinakalma ang sarili.
Hindi ako mag papasindak sa kanya no. Kala niya ha.
"Hindi mo na ba naaalala? Pwes ipapa-alala ko sayo" sabi niya habang hinahaplos-haplos ang buhok ko at may nakapaskil na mapaklang ngiti sa labi.
Pinanatili ko pa ding naka angas ang mukha ko para hindi niya mahalata na nenerbyos na ako dito.
"Una, sinapak mo ako sa mukha. Pangalawa, tinuhod mo yong kabukolan ko sa baba. Pangatlo, nahulog ako sa puno dahil nagulat ako sa sigaw mo. Alam mo bang teritoryo ko'to, at kapag ganitong oras, natutulog ako sa punong 'yan ha"
Tinuro niya yong punong pugad niya, at nanatiling mahinahon pa din ang boses niya, pero aware pa din ako no. Baka mamaya saksakin pa niya ako ng patalim, edi patay ako. Duhh!
I rolled my eyes bago huminga ng pagka bigat-bigat.
"O, ano ngayon? Huyy. Para sa kaalaman mo rin, iniinsulto mo ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko alam kong ugali mo ba yon o sadyang nagpapasikat kalang sa ha-" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang malalambot niyang labi sa labi ko.
Parang binuhusan ako ng tubig dahil sa sobrang panlalamig ko. Feeling ko bibigay na yong tuhod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Ilang sigundo lang 'yon pero napakalakas ng impact non sa akin. Nanatili lang akong nakatulala habang siya naman ay nakatitig lang sa akin.
"So ngayon, amanos na tayo" sabi niya na nakangiti at humakbang na patalikod sa akin, ngunit nakakatatlong hakbang pa lang siya ay muli itong lumingon sa akin.
"By the way. Ang sarap pala ng labi mo" kumikindat pa siya sa akin na may ngiti sa labi.
Napa tulala lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa tuloyan na siyang nawala sa paningin ko.
Bigla akong napahawak sa labi ko habang patuloy pa din sa pagkabog ang dibdib ko.
''Y-Yong, first kiss ko. Tangina" tanging naibulong ko sa hangin.
___
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Romance"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES