CHAPTER 29

1.2K 55 0
                                    

SAMARA'S POV


"Sino yung kasama mo kahapon?"

"Oo nga e, may kasama ka lang na gwapo, nakakalimutan mo na kami ni Norine. Nakakatampo ka naman"

Tiningnan ko lang silang dalawa na parihong naka nguso. Haha, nakakatawa naman kasi pag gan'tong nagtatampo sila sa akin. Para silang mga bata.

"Ano ba naman kayo. Kaibigan ko 'yon, si Lucas  . Matagal na kaibigan" kinuha ko yung tubig na hawak ni Norine at ininom ito ng deritso.

Grabe, nakakapagod talaga. Kahit nag lalakad lang ako, sobrang pagod pa din ang nararamdaman ko.

Nandito kasi kami ngayon sa isang spa malapit sa Favorite naming Coffee shop. Napagkasunduan kasi namin kahapon nag mag pa pa'spa kami ngayon. E itong dalawa diko naman alam na mag dadala pala ng sasakyan. Kairita, lugi ako. Sobrang pagod ako dito tapos sila pa chill-chill lang.

"Uyy, Sam. Ano na? Ba't di mo sinagot tanong namin? Sino yung kasama mo kahapon?"

Tinaasan ko naman ng kilay si Norine dahil sa pangungulit sa akin.

"Si Lucas nga 'yon. Lucas De Mesa, kababata ko" simpleng sagot ko habang nag pupunas ng pawis sa noo. Grabe talaga ang pawis ko.

"What? Kababata? Akala ko ba si Kai lang ang kababata mo! Meron pa palang iba?" Mulat na mulat ang mga matang sabi ni Norine.

"Wow! Sam, Iba ka talaga, napapaligiran ka ng mga mala adonis na lalaki"

Siniko naman ni Norine si Dana dahil sa mga pinagsasabi nito Bigla nalang akong nakakaramdam ng lungkot nung binanggit ni Dana si Kai. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba 'tong maramdaman. Kung may karapatan pa ba akong masaktan gayung di ko alam kung babalik pa ba siya o hindi na.

I took a deep breath habang hindi makatingin ng deritso sa kanila. Nag iba nalang yung mood ko. Pakiramdam ko, wala na talaga akong halaga sa kanya. Ganun nalang ba 'yon? Ganun nalang ba niya kadali kalimutan ang lahat? Oo inaamin ko, kasalanan ko 'yon. Di ko naman alam na mali palang humingi ng oras! Tss sorry naman no.

"Huyy, natuod kana diyan?" Pinitik pa ni Dana ang mga daliri niya sa harap ng pagmumukha ko.

"Ano kaba Dana! Kulit mo. Alam mo namanag may pinag daanan 'yang tao. Wala ka bang puso at hindi ka nakakaramdam ng habag?"

"E, kasi naman, di ako sanay na manahimik si Sam. Alam mo naman 'yan, pag may dinaramdam, hindi natin malalaman. E kasi nga, nag sosolo ng saloobin"

"Kaya nga, wag mo nang dagdagan pa. Ano kaba? Hindi ka ba talaga marunong tumyempo? Tss"

"Aba't! Wag mo nga akong mairap-irapan Norine,  hindi bagay sayo"

"Yan kana naman! Porke't sinuway kita, mag gagalitan kana naman. Ayaw mo lang talaga na sinusuway ka sa harap ni Sam e"

"Exactly" sabay irap niya kay Norine.

Napa irap nalang din ako dahil sa mga inasta nila.

Ganyan talaga sila palagi. Sensitive kasi si Norine kapag tungkol na sa akin. Ayaw niya daw akong makitang malungkot, kaya kung maari, iwasan daw ang mga bagay na nakakapag palungkot sa akin. Ganun siya e.

"Tss, tama na nga 'yan. Pumasok na nga tayo. Mamaya niyan, kung saan-saan nalang mapunta 'yang mga pinag uusapan niyo" na una akong mag lakad papasok sa loob ng spa. Ngalay na ngalay na talaga ang mga binti ko. Gusto ko nang umuupo kasi parang namamaga na yong mga paa kakalakad.


Nandito ako sa park na favorite spot namin ni Kai noon. Gusto ko lang sariwain ang mga panahon kong saan mag kasama pa kami. Gusto kong kalimutan na ang mga namamagitan sa amin noon, kaya kahit sa huling pagkakataon man lang, gusto kong balikan muna ang mga pangyayari dati. Kung saan niya ninakaw ang unang halik ko.

Kung saan man siya ngayon, sana ingatan niya ang sarili niya. Gusto ko siyang makita kahit isang beses lang. Gusto kong alamin kung maayos ba ang lagay niya. Miss na miss ko na siya.

Gaano ba kalaki ang kasalan ko? Bakit niya ako pinaparusahan ng ganito? Deserve ko ba talaga ang ganito?

"Kai! Please balikan mo na ako! Kahit anong gagawin ko para lang makalimutan ka, ngunit di ka parin mawala-wala sa isipan ko. Please! Wag naman ganito ohh. Nahihirapan na ako! Please, Primo" nilagay ko ang dalawang palad ko sa mukha ko.

Nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. Kahit anong tago ko sa nararamdama ko, hindi ko talaga mapipigilang wag ilabas ito. Patuloy lang ako sa pag iyak dito. Wala na akong pakialam kung may mga tao bang nakakakita sa akin, ang importante ngayon ay mailabas ko ang bigat sa dibdib ko.

Patuloy lang akong nakayuko habang yung mga palad ko ay nanatili pa rin sa mukha ko. Gusto kong ilabas lahat ng sakit. Kasi kung tatanungin niyo ako,  hindi ko na talaga kaya.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng presensya ng isang tao sa paligid ko. Mabilis kong inangat ang mukha ko at nag pa linga-linga sa paligid, ngunit wala naman akong nakita.

Ibinaling ko ang paningin ko sa isang puno kung saan ang tambayan ni Kai dati. Napamulat naman ako ng mga mata nang may nakita akong lalaking nakatayo sa ilalim ng puno habang nakatalikod sa akin.

Dali-dali akong naglakad at nilapitan ang lalaki, ngunit humakbang din ito palayo sa akin.

"WAIT" malakas na sigaw ko habang patuloy pa din sa pag hakbang.

Mas lalo lang akong kinabahan ng hindi man lang huminto o lumingon ang lalaki.

"Sandali lang pleas- fvck" napahinto naman ako dahil sa malaking batong nakaharang sa dinaanan ko.

Sa kakahabol ko sa lalaki hindi ko na namalayan na may bato pala dito na nakaharang, na tisud tuloy ako.

Arrghh! Shiit!


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon