CHAPTER 57

1K 48 0
                                    

SAMARA'S POV



"ANONG NANGYARI?" Sigaw ni Karina mula sa pintuan. Galit itong nakatingin sa akin ng deritso.

Walang ganang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya. Wala akong panahon sa kanya ngayon. Hindi s'ya importante para pag laanan ko nang pansin. Dahan-dahan akong tumayo at inalalayan naman ako ni Clark. Si Clark, Ethan at Myka lang ang naiwan kasama ko. Si Almond kasi sumama din kina kuya papuntang ospital.

"Walang hiya ka! Sagutin mo ako" sinugod ako ni Karina dahil parang nagagalit ito nang walang nakuhang sagot mula sa akin. Sasampalin n'ya na sana ako ngunit hinarang ni Clark ang katawan n'ya sa harapan ko.

"Wag na wag mong mailapat yang kamay mong kasing dumi ng pagkatao mo, kay Sam! Dahil kung hindi kapa nasasapak ni Prime, baka ako ang unang taong makakasapak sayo! Tandaan mo, kaibigan ako ni Prime! Kung demonyo si Prime, demonyo din kaming mga kaibigan n'ya! At ang mga demonyo, ay mananatiling demonyo" galit na saad ni Clark habang nag tatagis ang mga bagang habang nakatingin kay Karina.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Sinasabi ko na sa pinuprotiktahan n'yong babae, na kukunin ko si Kai sa kanya, dahil hindi n'ya ito ma aalagaan. Hindi nga ako nagkamali"

"Ano bang karapatan mo kay Kai? Alam mo ba, ikaw ang nag dadala ng malas sa buhay n'ya?"

*PAAKK*

Sinampal ng malakas ni Karina si Clark. Uumbagin na sana ito ni Clark kaso pinigilan ko ito.

"Clark, let me handle this" nag lakad ako sa harapan ni Karina at tiningnan s'ya nang deritso sa mata.

"Una, isa kalang babaeng baliw na kahit kailan hindi magugustohan ni Kai! Alam mo kung bakit? Simula bata palang, wala nang ibang ginusto si Kai, kundi ako lang. A.K.O lang! At isaksak mo yan sa mabaho mong kukuti! Pangalawa, kahit mangisay kapa d'yan dahil sa inis, hindi ko ibibigay ang pag mamay-ari ko sa isang baliw na gaya mo. Pangatlo, umalis kana dito sa harapn ko, dahil gulong gulo ang isip ko ngayon, at kapag tuluyan na talaga akong mawala sa katinuan, baka babalatan kita ng buhay, at bubuhusan ng isang sakong asin, at bibitayin patiwarik habang nakabilad sa araw" cold kong pagkasabi sa kanya. Wala akong panahon para makipag biruan, kaya wag s'yang magkamali sa mga galaw n'ya dahil totohanin ko talaga ang mga pinagsasabi ko.

"How dare you"

Itinaas n'ya ang kaliwang kamay n'ya at akmang sasampalin ako, kaya lang inunahan na s'ya ni Ethan. Sinipa ito ni Ethan sa sikmura kaya tumalsik ito at sa pintuan ng room.

"AAHHH" Sigaw n'ya dahil sa sobrang sakit.

"OH MY GOSH" Napasinghap naman si Myka dahil sa ginagawa ni Ethan.

Nakakatakot yung mga banta ni Clark kanina kay Karina, ngunit mas nakakatakot ang ginawa ni Ethan. Dahil tahimik lang itong nakikinig sa amin kanina, at hindi namin akalain na s'ya pala ang gagawa sa mga banta ni Clark laban kay Karina.

"Punong puno na ako sayong hinayupak ka, kaya wag mo akong sasagarin dahil baka hindi lang ito ang aabutin mo sa akin" sabi ni Ethan kay Karina. Galit pa din itong nakatunghay kay Karina habang namimilipit si Karina sa sakit.

"Myka, ihatid mo si Karina sa kwarto n'yo. At baka ako ang mag papatuloy sa naudlot na insayo ni Ethan. Baka bukas may lalamayan na ang buong angkan nang pamilyang Zalde" sabi ni Clark kay Myka.

Nag mamadali namang lumapit si Myka kay Karina at dahan-dahan itong pinatayo.

"Sinabi ko na sayong wag kang mag tatapang-tapangan, dahil hindi mo pa kilala ang mga binabangga mo. Ano ngayon ang napala mo? Baliw talaga" sermon naman ni Myka kay Karina, kahit sobrang putla na ito dahil sa natamo nito mula kay Ethan.

Lumapit naman si Ethan sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Sam, everything well be okay! Magtiwala kalang kay Prime. Malakas yun, at hindi yun ganun-ganun nalang susuko" pag pagaan ng loob n'ya sa akin.

"Ano ba talagang nangyari? Bakit s'ya nagka ganun?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Clark.

"Hindi kami ang dapat magsabi sayo. Mas mabuti pang si Marky nalang ang tanungin mo" sabi naman ni Clark.

Tumango nalang ako at inayos ang sarili para puntahan sina kuya. Malapit na ako sa pinto nang makita ko naman si Dustine na kararating lang.

"Anong nangyari? Kamusta na si Kai?" Deritsong tanong ko kay Dustine, kahit hindi paman ito masyadong nakakalapit sa amin. Hindi n'ya ako sinagot, bagkus lumingon ito sa likuran n'ya at nakita ko sina kuya at Dieg na kararating lang din.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon