CHAPTER 54

1K 43 0
                                    

SAMARA'S POV


Pumwesto ako paharap sa dagat habang nakahanda na di ang mga camera man. Hudyat nalang ni Myka ang hinintay. Sina kuya at Dieg ay nasa cottage lang. Sina Clark Ethan at Dustine naman ay katabi ni Primo habang nanood sa amin.

"Kailan ba yan sisimulan? Mainit na o" reklamo ni Kai at parang inip na inip kakaantay kung kailang ang hudyat ni Myka.

"Kunv naiinitan ka, Primo pwede ba, pumunta ka dun sa cottage?" Inis kung sabi sa kanya. Kanina pa s'ya panay reklamo, kala mo naman s'ya yung tumatayo dito. Hindi nga ako nag rereklamo na bilad na bilad ako sa araw.

"Sige na, simulan n'ya na"

Kanyan-kanyang flash naman ang camera nang pagkatapos ng hudyat ni Myka.

"Another pose naman Sam. Tumagilid ka, at yung tingin mo nasa taas, naka sun glasses ka naman, ayos lang yan"

Sinunod ko naman ang sinabi n Myka. Tumagilid ako at bahagyang tumingala. Nag simula na namang mag flash ang mga camera. Hindi ko na iniinda ang init, dahil ito talaga ang pakay namin.

"Perfect! Last pose na. I bend mo yung dalawa mong tuhod sa ground, at ipatong mo yung dalawa mong kamay sa magkabila mong hita, tapos titingala ka ng konti"

Ginaw ko uli ang utos ni Myka at lumiyad pa ako habang ginagawa yun, para naman mas nakaka attract.

"Woah! P*ta, ang sexy pala ni Samara Fuentes"

"Shitt, pare, tinatayuan na ako"

"Fvck! Akalain mo yun mga pari. Kitang kita natin si Samara Fuentes, parang kailan lang nasa imahinasyon ko lang s'ya. Grabe, ang ganda at ang sexy, bunos nalang yung kaputian"

Nag pagting naman ang tainga ko dahil sa narinig ko. Napalingon naman ang lahat sa kinaruruonan nung mga lalaking nag uusap tungkol sa akin. Ngunit ganun nalang ang pag singhap ng lahat, ng sabay-sabay ang mga itong natumba sa lupa.

"Shit, ano bang problema mo?" Tanong nung isang lalaki habang nakatingala kay Primo na nasa harapan n'ya.

"Wala kang karapatang bastosin ang girlfriend ko, kahit sa imahinasyon lang. Simulan mo nang magdasal dahil wala akong ititira sayo kahit kunting hininga man lang" pagkasabi n'ya nun, ay pinulot n'ya ang kahoy sa gilid n'ya, at nawala na sa katinuang hinampas n'ya ang ulo ng lalaki.

Sabay namang napasinghap ang lahat ng taong nakakita nang ginagawa ni Kai.

"Shit! Marky si Prime" sigaw ni Ethan kay kuya.

Dali-dali namang tumakbo si kuya sa kinaruruonan ni Kai, at pinigilan ito sa braso.

"Fvck! Prime, stop it" hinila ni Kuya si Kai, ngunit tumalsik lang ito dahil sa lakas ng pagtulak ni Kai. Lumapit pa sina Ethan, Clark at Dieg ngunit ganun lang ang ginagawa ni Kai. Tinulak lang n'ya ang mga ito.

Sobrang nag liliyab ang mga mata sa galit at nag tagis ang mga bagang habang nakatitig sa mga lalaking nasa harapan n'ya, tila walang ibang tao ang nasa harapan n'ya, kundi ang mga ito lang.

Napatakip nalang ako sa bibig ko ng makitang bumalik si Kai sa nakahandusay na lalaki at akmang hahampasin n'ya uli ito.

"PRIMO! WAG" Malakas na sigaw ko, kahit hindi ako makagalaw dahil sa takot. Ito lang ang tanging pag asa ko. Na sana, makinig s'ya sa akin, at hindi s'ya tuluyang lamunin ng galit n'ya.

Hindi n'ya natuloy ang ginawang pag hampas sana sa lalaki, dahil dahan-dahan itong lumingon sa akin, kaya kita ko ang pag lambot ng expression n'ya. Mula sa pagiging demoyo, ay nagiging maamo na uli ito. Mabilis namang lumapit ang apat sa mga nakahandusay na lalaki at pinapatikim din ang mga ito nang tig isang suntok, bago pinapatayo.

Habang si kuya naman ay lumapit uli kay Kai at hinagud-hagud pa ang likud nito. Parang wala lang sa kanya yung pagtulak ni Kai kanina. Ganun ba nila naiintindihan si Kai,? Di bale nang masaktan sila?

Ang swerte ni Primo dahil nag karoon s'ya nang kaibigan gaya nila kuya.

Dahan-dahan akong nag punta sa pwesto n'ya. Lumingon naman si kuya sa akin at tumango, bago ito umalis sa harapan namin.

Walang pasabing niyakap ko ito bigla.

"I'm sorry. Patawarin mo ako, dahil hindi ako nakinig sayo" umiyak ako habang sinasabi sa kanya ang mga katagang yun.

Hinalikan lang n'ya ako sa noo at gumanti na din ng yakap.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon