CHAPTER 66

1.2K 43 0
                                    

SAMARA'S POV

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Pinilit kong pauwiin si Primo sa condo n'ya ngunit ayaw naman n'ya. Asawa n'ya na daw ako, kaya kung asan ako, dapat daw andun s'ya.

"Huy, Prime. Dun ka pa din matutulog sa guest room ha? Hindi pa kayo kasal sa simbahan, kaya bawal muna mag tabi nang walang basbas galing sa pari" sabi ni kuya kay Primo. Natawa pa nga ako dahil kahit may mga dala s'ya, nag mamadali pa ding pumasok sa loob para lang sabihin yun.

"Marky. Asawa ko na si Sam. Lalaki ako, lalaki ka din. Alam mo ang pakiramdam nang isang lalaki"

Napakunot naman nang noo si kuya at tinuro sa mukha si Prime.

"Huy, Kaizer Pendleton! Kahit sobrang taas nang respito ko sayo, kahit Prime kapa, pagdating sa kapatid ko, ako pa din ang masusunod. Naiintindihan mo?"

"Haist, Oo na, dika lang kapatid nang asawa ko, kanina pa kita binitay patiwarik"

"Aba, ang lakas nang loob. Umiiyak naman" pang aasar ni kuya kay Primo.

"Umiyak ka din naman ah, kahit pala ang gwapo mo, pangit mo pa din pala umiiyak, Marky" sabi naman ni Primo at may pahabol pang nakakaasar na tawa.

"Sos, pariho lang naman kayong dalawa, ang papangit n'yo kapag umiiyak. Lamang nga kayo nang ka gwapohan sa akin, pero lamang din ang kapangitan n'yo kapag umiiyak. Hindi gaya ko, pogi pa din" pag mamayabang naman ni Ethan sa dalawa habang nakahawak pa sa baba n'ya at kumindat.

"Pogi ka nga, torpe naman. Magaling ka lang sa babaeng tinitibok nang batuta mo, pero sa babaeng tinitibok nang puso mo, bagsak ka, hina mo"

"Huyy, Marky, kung makapagsalita ka ah. Ikaw nga tong walang babaeng pinapakita sa amin e, sino ngayun ang mahina"

"Hahaha, akala mo lang yun, Ethan. Itong si Marky? Mahina? Naku, kung gaano kayo ka tuso ni Clark pagdating sa babae, mas tuso itong si Marky Fuentes. Laking respito lang n'ya kay Sam, kaya ayan, nag babait-baitan sa harapan natin. Ang di n'yo alam, Tatlong beses ang lamang ni Marky sa inyo sa pagiging babaero."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinasabi ni Primo. Waahh! Si kuya? Babaero? Ngayon ko lang alam yan ah. Bakit ang bait bait n'ya sa harapan ko? Huhuhu, wala palang matino sa barkada nila e.

"Gagu ka Prime! Na coma ka lang, nagiging madaldal kana? Bakit hindi mo nalang asikasohin kapatid ko?"

"Okay, tara baby, kwarto tayo. Aasikasohin kita" hinila ako ni Prime papunta sa guest room. Ngunit nakailang hakbang lang kami nang pinigilan kami ni kuya.

"Huy, saan mo dalhin kapatid ko?"

"Sa kwarto, aasikahin nga diba? Wag kanang aangal pa, kung ayaw mong sasabihin ko sa asawa ko ang pinag gagawa nang MABAIT n'yang kapatid. Hahaha"

"Tsss! Walang sagaran nang kweba ha" bilin pa n'ya.

"Di ako gaya mo, pati ka huli-hulihang kweba, nilalantakan pa" tatawa-tawang saad ni Prime.

Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha ni kuya at parang nahihiya pang tumingin sa akin.

Gaahh! Kung ganun, hindi na virgin ang kuya ko? Waahhh, bakit ganun? Lunnde mo Marky Fuentes, sumbong kita kina Mommy at daddy.

"Aahh" sigaw ko dahil bigla nalang akong binuhat ni Kai papasok sa guest room. "Ibaba mo nga ako, Primo! Sabing wag mag papagod e"

"Ayos lang naman kung mapagod ako, basta ikaw ang dahilan. Sige na baby, pagurin mo na ako" husky ang boses n'ya na para bang hinahamon talaga ako.

"Primo, pwede bang, saka mo nalang ilabas yang kalandian mo? Kakagaling mo lang sa hindi birong sakit"

"Tss, kaya nga nagising ako, dahil walang ibang laman ang utak ko, kundi yung mga sinasabi mo" nilapag n'ya ako nang dahan-dahan sa kama at binalikan ang pinto para isara ito.

"What? Ano namang connection dun sa sinasabi ko?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Diba sabi mo, 'Pangako Primo, kapag nagising kana, titikman ko na talaga ang special hotdog mo na may special white sauce' diba 'yon yung sinabi mo?" Umupo s'ya sa tabi ko at nang aakit na tumingin sa akin.

"W-What? W-Wala akong sinabi na ganun no. Imbinto mo," umusog naman ako paatras dahil baka tuluyan na akong maakit, maisuko ko pa ang bataan ko nang wala sa oras.

Ngumiti naman s'ya at hinila ako pahiga sa kama. Nilagay n'ya ang ulo ko sa balikat n'ya at hinalikan ang noo ko.

"I love you, Asawa ko" punong puno nang pag mamahal ang boses n'ya habang binibigkas ang mga katagang yun.

Tila may humahaplos naman sa puso ko, kaya para akong tuta na kunting haplos lang, aamo agad. Niyakap ko naman s'ya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya.

"I love you too, Primo" mahinang saad ko.

"Pagkatapos nang kasal natin, pwedeng hihingi nang regalo, galing sayo?"

Napangiti naman ako sa tanong n'ya.

"Oo ba, anong gusto mong regalo?" Mahinahon kong tanong.

Regalo kamo? Aba'y oo agad ako d'yan, sisimulan ko nang mag isip kung ano ang bibilhin ko para i regalo sa kanya.

"Yung ungol mo nalang, pwede?"

Napawi naman ang ngiti sa mga labi ko, nang marinig ko kung anong regalo ang gusto n'ya. Hinampas ko s'ya sa braso at sinamaan nang tingin.

"Tse"

Napatawa pa s'ya nang malakas habang tiningnan ang namumula kong mukha. Namumula, hindi dahil sa inis, kundi dahil sa halong kilig at inis.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon