SAMARA'S POV
"Bunso! Anong nangyari?" Tanong ni kuya sa akin. Nag tataka siguro s'ya kung bakit hinila ko nalang s'ya bigla.
Mabilis kaming nakarating sa labas ng bahay, at naabutan namin si Kai na kakababa lang ng sasakyan at parang maputla ito. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Anong nangyari?" Umiiyak na tanong ko sa kanya, sobrang nag alala talaga ako kaya hindi n'yo ako masisisi kung ganito ako mag react.
Ngayon lang kami nag kakaayos. Saka paba may mangyayaring masama?
"Baby, i-im okay" paos ang boses na tugon n'ya.
Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa kanya, dahil sobrang panginginig ng katawan ang nararamdaman ko. Mabilis akong mawalan ng lakas, kapag mga mahal na sa buhay ko ang pag uusapan. Hindi ako ganun ka tatag para labanan ang pwedeng mangyari.
Kumalas ako sa kanya, at nagulat nalang ako ng biglang lumapit si Kuya kay Kai, at inalalayan ito.
"Ako ng bahala dito bunso. Kunin mo nalang ang mga gamot sa bed side table ng kwarto ko"
Tumango nalang ako at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Deritso lang ang takbo ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng kwarto ni kuya. Hinanap ko naman ang mga gamot na sinasabi n'ya, at laking gulat ko nalang, dahil sa dami ng gamot na nakalagay sa ibabaw ng table n'ya. Kinuha ko ang mga ito at tiningnan.
B'at ang dami nito? Para saan ang mga gamot na'to? Hindi naman ito para sa simpleng flu lang.
"Para saan to? Bakit may mga ganitong klaseng gamot si kuya?" Tanong ko sa sarili ko.
Iba't ibang klase ng gamot ang nakikita ko, kaya hindi ko alam kung saan ang kukunin ko. Ang ginawa ko nalang ay kinuha ko lahat nang 'yon at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.
Naabutan ko pa si kuya at Kai na nakaupo sa sofa.
Lumapit ako sa kanila at nilapag sa mini table ang mga dala kong gamot.
"Para saan ang mga yan? Kuya?" Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Bunso, pwedeng ipag luto mo muna ako. Nagugutom na talaga ako. Kakarating ko lang kasi, 'di pa ako kumakain"
Tinignan ko muna si Kai, bago sinunod ang utos ni kuya. Tumalikod na ako at nag punta nang kitchen. Dali-dali akong nag luto ng ulam, at yung kanin, ininit ko nalang. Wala talaga ako sa mood para mag luto. Na kay Primo lang talaga nakatuon ang isipan ko. Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko.
Ano yung kanina? Pinag alala n'ya muna ako, bago s'ya lumabas ng sasakyan. Tapos yung mga gamot? Para saan 'yon? Bakit meron si kuya nun? May sakit ba si kuya tapos hindi n'ya sinasabi sa akin? Naguguluhan na talaga ako. Yung kanina kay Kai, pakiramdam ko hindi normal na flu lang yun. Hindi s'ya gumagalaw kanina na para bang sobrang sakit ang nararamdaman, parang nag iipon muna s'ya ng lakas bago nilabanan ang kung ano man ang nararamdaman n'ya.
Ano bang nangyari sa'yo, Primo?
Habang nagluluto ako ay walang ibang laman ang utak ko. Parang Naghahalo sa isipan ko yung sinasabi ni Karina sa akin at yung nangyari kanina.
Kinalma ko muna ang sarili at binilisan nalang ang pag luluto. Gusto kong maliwanagan. Nag hain na ako ng kanin at ulam at naglagay ng dalawang plate sa lamesa. Pagkatapos pumunta ako sa sofa at tinawag sila kuya.
"Nakahain na po ako kuya, kain na po kayo"
Tumingin naman si kuya sa akin at ngumiti.
"Salamat bunso. Tara Prime, kain na muna tayo"
"Susunod ako Marky"
Tumango nalang si kuya at naglakad papuntang kitchen. Sinundan ko naman ito ng tingin. Mukhang ayos lang naman si kuya, mukhang malakas naman ang katawan n'ya. Lumingon naman ako kay Kai na nakangiting nakatingin sa akin.
"Sit" tinapik n'ya ang bakanting upoan sa tabi n'ya.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi n'ya. Yung kaninang maputla n'yang mukha ay nagkakulay na ngayon. Bumalik na uli sa normal yung mga galaw n'ya.
"Ano ba talagang nangyari? Bakit pinag alala mo ako kanina?" Mahinahong tanong ko. Nanatili pa din ang tingin ko sa kanya. Gusto kong kabisaduhan ang mukha n'ya nang malaman ko kung paano s'ya mag sisinungaling.
"Wala lang 'yon baby. Sumakit lang yung t'yan ko. Dahil siguro sa kinakain ko kaninang umaga" natural lang pagkakasabi n'ya. Yung tipong walang tinatago at walang sekretong kinatatakutang maibunyag.
"E, ano yung gamot na pinakuha ni kuya sa akin kanina? Para saan yun?"
Ngumiti naman s'ya at pinisil ang pisngi ko.
"Iwan ko, hindi ko naman alam na may ganung gamot si Marky. Baka incase of emergency lang naman"
"Kai, hindi yun simpleng gamot lang. Sa tingin ko, gamot yun sa may malalang sakit" pumihit ako paharap sa kanya habang hindi inaalis ang tingin ko sa mukha n'ya. "Sabihin mo nga sa akin, may sakit ba si kuya? May alam kaba tungkol sa kalagayan n'ya?
"Ano kaba? Walang sakit si Marky. Saka yung gamot kanina, wala lang talaga yun, okay? Wag ka ngang mag isip ng ganyan" niyakap naman n'ya ako, kaya medyo napanatag naman ang kalooban ko.
Sana nga. Sana nga walang may sakit sa kanilang dalawa. Dahil baka hindi ko kakayanin kapag ganun. Malakas talaga ang kutob kong may tinatago sila sa akin.
"Baby, aalis muna ako. Bibilhin ko lang yung mga kailangan mo sa byahe natin. Babalik ako agad"
Tinanguan ko nalang s'ya. Gusto ko sanang sumama kaso, baka dudumugin na naman ako ng mga tao, mahirap na. Tumayo na s'ya at hinalikan muna ako sa noo bago umalis. Nakasunod lang sa kanya ang tingin ko.
Paano ko ba natiis ang taong 'to? Ang taong walang ibang iniisip kundi ang kalagayan ko. Paano ko ba nagawang balewalain s'ya? Gayung sobrang kasiyahan lang naman ang dinulot n'ya sa akin. Ako lang 'tong OA mag react. Ako lang tong sobrang mag isip ng masama.
VOTE.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Storie d'amore"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES