SAMARA'S POV
Kinuha niya yung malaking box na nilagyan ng pinabili n'yang gown kahapon at binigay ito sa akin.
"Wear this baby"
Tiningnan ko naman siya na may halong pagtataka.
"Sinabi ko naman na sayo na ayaw kong umattend sa party na 'yan" umupo ako ng pabagsak sa kama at nakangusong nakatingala sa akin.
Bumuntong hininga naman s'ya at marahang umupo sa tabi ko.
"Diba napag usapan na natin yan. You need to be there, isa ka sa mga estudyante dun kaya dapat nandun ka"
Ngumiti naman ako at tila humugot ng malalim na hininga at tumitig ng deritso sa kanya.
"Amp Kai, can i ask you something?"
Tumango naman s'ya at masuyong nakatitig sa mga magaganda kong mata. CHARR.
"Anything baby"
"Between you and my kuya, Gaano na kayo katagal magkakilala?"
Pinisil kon'ya ulit ang pisngi ko dahilan para ngumuso ako. Aist, kainis.
"Anong klaseng tanong 'yan? syempre magkakilala na kami mula nung magkakilala tayo"
Bumuntong hininga ako at yumuko.
"What i mean is, the way you talk to him, having a conversation with him, parang matagal na kayong may pinagsamahan"
Parang napaisip naman s'ya sa mga sinasabi ko at hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng deritso sa mata.
"Baby, will you listen first?"
*BLAGG*
"Prime, yung buong university mo binandalan ng mga masasaganang dugo. May mga nakasulat pa gamit ang mga dugong 'yon"
Bigla naman siyang napatayo dahil sa ibinalita ni Ethan sa kanya
"Oh my God! Kai"
"Stay here baby, you should stay here" tumalikod na s'ya at mabilis lumabas ng kwarto. Ngunit sumunod ako sa kanya kaya napahinto s'ya at lumingon sa akin bago binalingan si Ethan.
"Ethan, mauna kana sa sasakyan" Mabilis namang tumalima si Ethan at naiwan kaming dalawa ni Kai.
"Baby?"
"Sasama ako, gusto kong makita"
"No, dito ka lang. Baby please listen to me, paano kung may manggugulo dun? dito ka lang okay?" Niyakap n'ya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi.
Mabilis siyang tumalikod at lalabas na sana ng bahay ngunit tinawag ko s'ya kaya napalingon naman s'ya sa akin.
"Ingat ka" masuyong saad ko at mabilis ang mga hakbang ko na lumapit sa kanya at hinalikan ko s'ya sa labi.
"I love you" mahinang bulong ko sa tainga n'ya pagkatalos tinulak ko s'ya ng mahina.
"Alis na, natuod kana diyan" pagtataboy ko sa kanya. Napangiti naman s'ya dahil sa ginagawa ko.
"Ayaw ko na pala pumunta baby" nilapitan n'ya ako at akmang yayakapin ulit ngunit napa igtad nalang s'ya ng biglang sumigaw si Ethan.
"Prime naman, bansa muna bago landi"
Napangiti nalanag ako at the same time nahihya. Nilingon muna n'ya ako saka tuluyang lumabas ng condo.
Naiwan akong mag isa dito sa condo ni Kai. Gusto ko sanang sumama ngunit ayaw naman niya. Kinuha ko yung malaking box na binigay niya sa akin at tiningnan ito.
"Another gown na naman? di ba siya naubusan ng pera kakabili nito? mukhang mahal pa naman 'to" tiningnan ko ang price tag niya kaya ganun nalang ang pagbilog ng mga mata ko sa nakita.
Worth of 30k? isang buwan ko na yung baon ah. Haist, iba talaga pag mayayaman. Mayaman naman kami ngunit di ako ganun ka borara pagdating sa pera.
Tiningnan ko naman yung phone ko at naisipang tawagan si kuya. Dinial ko number niya hanggang sa ilang ulit akong nag dial ngunit di naman niya sinagot. Binaba ko nalang ang phone ko at nilapag sa mini table dito sa sofa. Tiningnan ko naman ang wrist watch ko.
"Naku mag gagabi na pala" tumayo ako at nag punta ng kitchen, naisipan ko kasing ipagluto si Kai.
Kinuha ko yung mga ingredients ng lulutuin ko at nilagay ito sa lamesa. Marunong naman ako mag luto noh, kahit na buhay prensesa ako kay kuya.
Pinakuluan ko muna yung beef saka na ilalagay yung mga dapat ihalo.
After an hour, Naihain ko na lahat ng pagkain sa lamesa ngunit di pa din bumabalik si Kai. Ilang oras na kaya mula nung umalis sila.
Tinanggal ko naman yung suot kong apron at nag punta muna ako ng sofa. Ini'on ko naman yung tv niya at nanood muna ako ng palabas. Sa kalagitnaan ng panonood ko ay nakarinig ako ng mga bagay na tila nabasag mula sa kitchen.
Dali-dali akong nag punta dun at tiningnan kung ano yung nabasag. Nakita ko naman yung glass pala na ginamit ko kanina ang nahulog. Diko pala nailagay 'yon ng maayos. Nilinis ko yung mga bubug na nagkalat sa sahig ngunit nakarinig ulit ako ng mga bagay na nalaglag sa sahig, nag mula ito sa sala.
Mabilis akong tumayo at pumunta sa sala para sana tingnan kung ano ang nangyari, ngunit ganun nalang ang takot ko ng may nakita akong taong nakatayo malapit sa Drawer. Naka purong itim ito. Balot lahat ang katawan at mga mata lang ang makikita.
"S-Sino ka?" nanginig ang boses ko dahil sa takot. Lumapit naman ito sa akin at sinakal ako.
"Wag kang magkakamali sa iyong galaw, kundi di kana masinagan ng araw bukas" Malakas niya akong itinulak kaya napasalampak ako sa sahig.
"AHHH" napahawak naman ako sa balakang kong sobrang sakit dahil sa lakas ng pagbagsak ko.
Nakita ko naman na bumalik siya sa Drawer at tila may hinanap ito. Mabilis akong tumayo at lumapit sa mini table kung saan naka lagay ang phone ko. Nakatalikod siya sa akin kaya di niya ako nakikita.
Dinial ko ang number ni Kai. Laking pasalamat ko dahil mabilis naman niya itong sinagot.
[ Baby, pauwi na ako ]
"Kai t-tulong, may tao-" diko na natuloy ang dapat kong sasabihin dahil mabilis akong nilapitan nung lalaki at hinablot ang hawak kong celphone.
Ibinato niya ito sa ding-ding at binalingan ako ng tingin. Nakita ko pang may hinugot itong patalim at walang anuma'y sinaksak niya ako sa tagiliran.
Namanhid nalang bigla ang katawan ko at tila kandila ako na dahan-dahang naupos. Nahawakan ko pa ng mahigpit ang bandang leeg niya saka ako tuluyang bumagsak.
"K-Kai, h-help" mahinang usal ko habang nakahawak sa duguan kong tagiliran.
Nakita ko namang mabilis na lumabas ang lalaki sa condo ni Kai kaya dahan-dahan akong gumapang malapit sa ding-ding at isinandal ang likud ko.
Ang hapdi. Ang sakit. Nangilid naman ang mga luha ko dahil sa sakit na naramdaman.
"K-Kai. K-Kuya. T-Tulongan n-n'yo a-ako" huling bigkas ko at tuluyan ng nawalan ako ng ulirat.
PLEASE VOTE
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Romance"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES