SOMEONE'S POV
PINAGMASDAN ko ang mga pictures niya na nakalagay sa album ko, simula no'ng mga bata pa kami at hanggang ngayon. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at pumikit habang sinariwa ang nakaraan.
"Cokie, pag ako ba humingi ng Favor sayo, pagbibigyan mo ba ako?" sabi niya sa akin habang naka puppy eyes pa.
Ang cute talaga niya. Pinisil ko naman ang magkabilang pisngi niya.
"Ano yon Ara?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Since magkaibigan naman tayo, pwede bang mangako ka sa akin na hindi mo ko iiwan, nakakalungkot lang kasi, palaging wala sina mommy at daddy, eh si kuya naman, napakaseryoso. Ikaw lang ang gusto kong kasama palagi at kalaro" nakapout na saad niya.
Mabilis akong tumango at hinawakan ang dalawa niyang kamay pagkatapos hinalikan ito. Pagkatapos itinaas ko ang kanang palad ko na parang nanunumpa.
"Ako si Cokie, nangangakong hindi iiwan itong babaeng nasa harapan ko ngayon, sasamahan sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, magiging karamay sa mga problema, tagapagligtas sa tuwing mapapalapit siya sa kapahamakan" huminto akong magsalita at pinisil muna ang pisngi niya.
"Ako si Cokie, nangangakong hindi babaliwalain ang tiwala ng babaeng kaharap ko ngayon. Nangangakong hindi sasaktan at paasahin, at hindi ipagpapalit kanino man. Ako si Cokie, nangangakong tutuparin ang pangako" nakangiti akong nakatitig sa maluha-luha niyang mata.
Itinaas din niya ang kanyang palad at ginagaya ako.
"Ako si Ara, ang babaeng naniniwala sa mga sinasabi ni Cokie. Ang babaeng hindi siya ipagpapalit, hindi siya iiwan, dadamayan sa lungkot at saya. Ako si Ara, nangangakong ang lalaking nasa harap ko ngayon, ay ang lalaking makakaharap ko sa tamang panahon" nangingislap ang matang saad niya.
Kinuha ko ang dalawang Dogtag na pinagawa ko. Heart shape ito at may nakasulat sa harap na litrang 'S', at sa likod naman ay litrang 'K'. Isinuot ko sa kanya ang isa, at sa'kin naman ang isa.
"Ito ang nagpapatunay, na tayong dalawa ay may pinangangakoan" sabi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi.
Hinahapuhap naman niya ito habang nakangiti.
Kahit sa ganito ka murang edad ko, hindi lang sa kanya ako mangako, kundi pati sa sarili ko.
Hinding-hindi kita iwan Ara.
Sobrang saya niyang tingnan habang nakahawak at nakatingin sa Dogtag na ibinigay ko sa kanya. Bigla nalang sumilay ang mga matatamis na ngiti sa aking labi habang nakatingin sa kanya.
Ngunit bigla itong nawala ng may mga lalaking dumating at may mga baril ito.
"Ikaw, ikaw ang anak nina Mr and Mrs Pendleton. Kailangan mong mawala" hinila ako nong isang lalaki at nilatigo.
"COOKKIIEE"
Ngunit niyakap ako ni Ara ng mahigpit, kaya pati siya tinamaan ng latigo.
"AAAAHHHHH"
"AAAAAHHHHHHH"
Sabay naming sigaw."ARA" tinulak ko siya papalayo para hindi siya matamaan, ngunit mahigpit ang pagkayakap niya sa akin.
Nilatigo kami ng sampung besis no'ng taong mukhang leader nila habang yung iba naman ay tinutukan kami ng baril"C-Cokie, h-hold o-on" utal niyang bulong habang nakayakap pa din ng mahigpit sa akin.
Ramdam na ramdam ko na ang sakit at hapdi ngunit pinilit kong magpakatatag para iligtas sana si Ara.
"A-Ara, t-tumayo ka at t-tumakbo, i-iwan mo n-na ako d-dito" utal ko ding bulong sa kanya habang pinipilit siyang pinatayo.
"Sa tingin mo, mabubuhay kapa bata? ikaw ang susunod sa pagiging primo kaya kailangan mong mamatay" sabi no'ng lalaki habang hinahawakan ang buhok ko at pinilit inangat ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Romance"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES