SAMARA'S POV
"Primo? Ba't nag iba tayo nang daan? Hindi ito ang daan patungo sa bahay namin a" nag tatakang tanong ko sa kanya. Inilibot ko pa ang paningin ko sa dinadaanan namin.
"Ssh, malalaman mo mamaya, baby" seryosong sabi n'ya.
Hindi na din ako nag tanong. Wala naman akong makukuha kapag nag pupumilit ako. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa upoan at bahagyang ipinikit ang mga mata. Pagod ako sa byahe namin. Galing kasi kami nang Paris, lam n'yo na, honeymoon. Hehe
30 minutes lang ang byahe namin, at nakarating na din kami sa pakay n'ya. Nagtaka naman ako nang ipinasok n'ya ang sasakyan sa loob nang malaking gate. May tatlong guwardya pa ang nakabantay. Kunot noo naman akong napatitig sa isang malaking bahay na kulay ginto.
Ang ganda! Kaninong bahay kaya to? Baka kina mommy at daddy. Mag mula kasi nung kinasal kami, hindi pa n'ya ako dinala sa bahay nila.
"Were here" lumabas s'ya nang sasakyan, pagkatapos pinagbuksan ako nang pinto.
"Primo, kaninong bahay to?" Takang tanong ko sa kanya.
Hindi naman n'ya ako sinagot. Kinuha lang n'ya ang kamay ko at pinagsalikop ito. Naglakad kami papasok sa loob nang bahay, at sobrang namangha ako dahil sa sobrang ganda at laki sa loob nito.
"WELCOME HOME" Sabay na sigaw nina kuya, Dieg, Ethan, Clark at Dustine. May hawak pa itong mga ballooon.
"Surprise, baby. This is for you" nakangiting saad ni Kai habang itinaas ang kanang kamay na parang binibigyan ako nang karapatan sa lahat nang meron sa loob.
Medyo nalito naman ako sa kung anong ibig n'yang sabihin.
"What? Anong akin to?"
"Hay naku, Sam. Ang hina mo pala, malamang itong bahay, para to sayo" sabat naman ni Clark sa usapan namin.
Gulat naman akong napatingin kay Primo.
"A-Ano to?"
"Bahay. Bahay natin, at sa mga anak natin" niyakap n'ya ako at hinalikan sa noo.
"K-Kailan lang 'to?"
"Matagal na, nung time na humingi ka nang space sa akin. Pinapagawa ko 'to, dahil alam ko namang babalik at babalik ka sa akin"
Wala akong ibang nasabi. Napasapo nalang ako sa mukha ko, dahil na iiyak na naman ako. Grabe, ang swerte ko kay Primo. At hindi ako mag sasawang ulit ulitin yun.
"Napaka ano mo talaga, ang dami mo nang regalo sa akin. Tapos ako, wala man lang regalo sayo" hinampas ko ang dibdib n'ya dahil napaka unfair talaga n'ya.
"Yang pagmamahal mo lang, sapat na. Saka yung ano" huminto muna s'ya sa pagsasalita at kinamot pa ang batok n'ya.
"Yung ano, Prime?" Tanong naman ni kuya sa kanya.
"Basta, yung ano ni Sam. Hehe"
"Gagu" bintukan ko s'ya nang malakas, ngunit imbes na masasaktan, natatawang niyakap lang n'ya ako at hinalikan sa labi.
"Huyy, wag kayo dito" suway naman ni Dustine sa amin.
"Inggit ka lang" pang aasar naman ni Clark.
"O sige na, nakahain na yung mga pagkain sa misa" sabi naman ni Dieg, at nauna na itong naglakad patungo sa kitchen.
"Tara na, baby" hinila naman ako ni Kai, at iginaya sa loob nang kusina.
Pagpasok namin, ay nag si upoan naman silang lahat. Ako naman, ay natutuwang pinagmasdan ang bawat sulok nang kusina.
Grabe, pati kusina, imported. Ang yaman pala nang asawa ko.
"Bunso, upo na" tinapik pa ni kuya ang katabing upoan n'ya.
Umupo naman ako sa tabi n'ya at nag lalambing.
"Kuya, gusto ko n'yan" matagal nang hindi ako nakapaglambing kay kuya, kaya feel ko ang mag lambing ngayun. Miss ko kaya ang gwapo kong kuya.
Lumipat naman si Primo sa tabi ko at pinatayo pa si Ethan na nakaupo sa tabi ko. Haist, di pa din nagbago. Apaka bossy pa din.
Sa kalagitnaan nang pagkain namin ay may narinig kaming tila may nag aaway sa sala. At maya-maya lang ay tumakbo papasok sa loob nang kusina ang isang katulong ni Primo.
"Sir, may babaeng nag pupumilit pumasok sa loob, kaya ayun, naka pasok na po s'ya. Ano pong gagawin natin?" Nag panic na saad nang katulong.
"Sinong babae?" Tanong naman ni Primo sa katulong.
"Hindi ko po kilala. Basta, maganda po s'ya, matangkad. Maputi at sobrang sexy. Si sir Marky po ang hinahanap"
*Cough* Cough*
Napatingin naman kami lahat nang biglang umubo si kuya. Nabilaukan ata.
Tumingin naman s'ya sa akin, at nagsisimula nang mamutla.
"MARKY" Dinig naming sigaw nang babae. Parang naglakad ito papasok sa kitchen.
At hindi nga ako nagkamali. May babaeng maganda at sobrang sexy ang lumapit sa amin.
"Shannaiah Hiree El Tiero?" Gulat na gulat na tanong ni kuya habang nakatingin nang deritso sa babae.
SHANNAIAH HIREE EL TIERO? sino s'ya?
AN: abangan ang series two
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Romance"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES