CHAPTER 35

1.2K 54 0
                                    

SAMARA'S POV


"Yiihh! Perfect!" Puri ni Myka sa akin.

"Oh, tumalikod ka muna Sam. Tapos yung tingin mo, dapat nasa gilid"

Sinunod ko naman ang sinasabi Myka. Ang baklang alalay ni tita. Miguel talaga ang totoo n'yang pangalan, ngunit ayaw n'yang tawagin s'yang Miguel. Hahaha! Pinag tripan ko nga s'ya minsan.

Gaya ngayon.

"Ganito ba, Miguel?"

Nakita ko namang umasim ang mukha n'ya. Haha!

"Tse! Ang ganda-ganda ko, tapos tatawagin mo lang akong Miguel? Mag tigil ka nga Samara"

Natawa nalang ako sa mukha n'ya. Parang natatae!

"Oo na. Ito naman, di mabiro"

Sumeryoso na din s'ya. Ako naman ay ginawa ko ang pina pagawa n'ya. Naka fierce ako habang nakatingin sa gilid. Nakita ko pa sa peripheral view ko ang pag pasok ni Almond dito sa loob ng studio.

"Woah! Ka mangha-manghang binibini"

Naramdaman kong hinagod n'ya ako ng tingin, kaya medyo na ilang ako. Ikaw ba naman tingnan nang kasing gwapo ni Almond, iwan ko lang kung hindi ka mailang.

Nag simula na ding mag flash ang mga camera na nakatotok sa akin. Kaya pinanatili kong maging kalma ang sarili para hindi ko masira ang photo shot. Ayaw kong biguin si tita, lalo na ang sarili ko.

Ilang pose pa ang nagawa ko bago ako pina pahinga ni Myka.

"Bukas uli Sam. Tumawag si tita na papauwiin daw kita ng maaga" sabi ni Myka habang inayos ang mga gamit ko.

"Okay, see you tomorrow" inayos ko muna ang sarili bago kinuha ang mga gamit ko, na katatapos lang ni Myka ayusin.

"Ihahatid na kita"

Napalingon ako kay Almond na nagsasalita sa likuran ko. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at saka tinalikuran uli.

'Heyy! Sabi ko, ihahatid kita"

Huminto ako at hinarap s'ya.

"Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na ako bata na kailangang ihatid mo"

Itinaas n'ya ang phone n'ya sa harap ng mukha ko at binuksan ang message box.

"Read it"

Binasa ko naman ang txt message do'n.

'Ihatid mo si Samara, Almond'

Laglag panga akong nakatingin sa kanya. Nginitian n'ya ako kaya medyo kita ang dimple n'yang nakaka bighani.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga bagay na naisip ko. Wala akong panahong ma bighani sa iba, gayung masakit parin sa akin ang ginagawa ni Kai.

Iningusan ko s'ya at nauna nang maglakad. Sumunod naman s'ya sa akin.

Pagdating namin sa kotse n'ya ay pinag buksan n'ya ako ng pinto.

"Salamat"

Tumango lang s'ya at ngumiti uli.

Tss! Ganyan n'ya ba aakitin ang mga babae? Idadaan n'ya sa nakaka laglag panty na ngiti n'ya?

Inistart na n'ya ang sasakyan at dahan-dahan itong pinatakbo.

"Ilang taon ka na pala Sam?" Basag n'ya sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Bakit mo na tanong?"

"Wala lang, i just want to know" simpleng sagot n'ya, habang nakatuon lang sa daan ang paningin.

"Mag 18 na ako sa susunod na buwan"

"Uh-uh! Saan ka nga pala nag aaral?"

Lumingon ako sa kanya at pa simpleng ngumiti.

"Sa KAIPEN"

Kumunot naman ang noo n'ya dahil sa sinasabi ko. May mali ba do'n?

"Sa Kaipen? Pag aari nila Kaizer?"

Nasamid naman ako sa sarili kong laway dahil sa sinasabi n'ya. Ibig sabihin, kilala n'ya si Kai? What a coincidence.

"Kilala mo si Kaizer Pendleton?" Takang tanong ko sa kanya.

"Uh-uh! Pinsan ko s'ya, mag kapatid ang mommy ko at Daddy n'ya"

Tumango nalang ako, at hindi na nag sasalita pa.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na din kami sa bahay.

Mabilis akong umibis ng sasakyan. Hinarap ko si Almond para mag pasalamat sana, ngunit bumaba din ito ng sasakyan at nauna pang maglakad sa akin patungo sa bahay namin.

"Heyy! Where are you going?" Pinigilan ko s'ya sa braso at pinaharap sa akin.

"Hindi mo ako papasukin?" Takang tanong n'ya sa akin.

Medyo nahiya naman ako sa sinasabi n'ya, kaya hinayaan ko nalang s'yang makapasok sa bahay.

Haist! Ang kulit pala ng Almond na 'to. Siguro nag iisang anak lang s'ya kaya parang sanay sa pagiging spoiled. Grr! Kainis!

Mabilis akong pumasok sa bahay, at nagulat ako sa naabutan ko.

Si Kai na naka upo sa sofa namin habang masamang nakatingin kay Almond. No'ng makita n'ya ako ay nag iba din ang expression ng mukha n'ya.

Anong ginagawa nang gagong 'to dito?

"Insan. Andito ka pala?" Tanong ni Almond kay Kai, at humarap din ito sa akin "Mag kakilala pala kayo Sam?"

"Hindi" tanging sagot ko sa tanong n'ya. Sinulyapan ko naman si Kai kaya kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

Para saan 'yon?

"Bunso, oh Almond?"

Tiningnan ko si kuya na galing sa kitchen at may dala itong meryenda. Tila gulat din itong nakatingin kay Almond.

"Heyy bro, ikaw pala ang kapatid ni Samara, ang liit talaga ng mundo" nakipag high five pa si Almond kay kuya at ganun din si kuya.

Si Kai naman ay tahimik lang na nakikinig sa usapan. Minsan ay pa sulyap-sulyap ito sa akin, ngunit inirapan ko lang ito.

Bweset s'ya. Ang kapal ng mukha n'yang magpakita sa akin pag katapos n'yang gawin 'yon sa'kin.

"Hinatid ko lang si Sam. Sabi kasi ni Mommy na ihahatid ko si Sam dito. Hindi ko akalain na nandito pala ang gwapo kong pinsan" tinapik pa ni Almond ang balikat ni Kai, kaso parang badtrip ang mokong.

"Tss" 'yon lang ang tugon n'ya sa sinasabi ni Almond.

"A, Almond, dito kana mag hapunan, mag luluto ako. Bihis lang ako saglit"

"Kung ganun, handa akong tikman ang luto mo" sabi ni Almond sa akin.

Nginitian ko lang s'ya, pagkatapos humakbang na ako para umakyat sa taas. Pag pasok ko sa kwarto ko ay nag mamadali akong magbihis para makapag luto nang maaga.

Ano kayang pwede kong lutuin? Nakakasawa na kasi yung flavor ni kuya. Haha!

Nag suot ako nang short na maong at spaghetti strap. Pagkatapos ay bumaba ako at naabutan kong nag uusap si kuya at almond. Si Kai naman ay nakatingin lang sa kawalan.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon