KAI'S POV
Nandito kami sa kwarto ng ospital kung saan nakaratay si Samara. Dalawang araw ang nakalipas simula no'ng pangyayari. Inayos ko na muna ang lahat bago gumawa ng hakbang. Si Marky naman medyo okay na din. Madali lang siyang naka recover dahil malakas ang katawan niya.
"Anong plano mo ngayon Prime?" tanong ni Dieg sa akin habang nag hahain ng pagkain sa mesa.
Simula kasi ng araw na 'yon dito na ako dumiritso pagkagaling ko ng paaralan. Nagpapakuha nalang ako ng damit kina Ethan at Clark sa bahay.
"Simula na ng paniningil, gusto ko yung dahan-dahan. Yung unti-unti niyang mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon" Kinuha ko muna ang cutter knife sa table at binalatan ko yung apple.
"Paano natin gawin 'yon, eh hindi natin alam kung sino-sino ang mga kasapi niya"
Ngumisi akong humarap kay Ethan, at prenteng isinandal ang paa sa upuang nasa harapan ko.
"Hindi ako bobo para hindi makilala kung sino ang taong hinugutan niya ng lakas Ethan. Alam kong alam niyong may kahinaan ako, ngunit hindi niyo alam ang tunay na ako" ibinalik ko ang cutter knife sa table at marahang kinagat ang mansanas na hawak ko.
"Ngunit paano si Marky, prime?"
Tiningnan ko naman si Dustine, pagkatapos tumayo ako at may kinuhang papel sa back pack ko.
"Alam mo na kung anong gagawin mo d'yan" Inabot ko sa kanya ang papel na may lamang sulat.
Tiningnan naman niya ito at marahang tumango.
"Alam ko kung saan ito" inilagay niya ang binigay kong papel sa pocket niya at nagsimulang kinalikot ang phone.
"Clark, kunin mo ang mga gamit ko sa underground ng condo ko, dalhin mo sa underground ng paaralan" baling ko kay Clark.
Tumayo naman si Clark at kumuha ng dalawang pirasong mansanas saka humarap sa akin.
"Masusunod Prime" nag salute pa ito sa akin, pagkatapos dali-daling lumabas ng kwarto.
"Paano yung nag bandal sa buong univ. Prime" tanong naman ni Ethan sa akin.
"Magsama ka ng tao at linisin mo ang dapat linisin" binigay ko pa sa kanya ang susi ng kwarto ko sa mansyon namin.
Kinuha naman niya ito at binigay din niya sa akin ang dogtag na pinakita ni Clark sa akin kanina.
Kinuha ko ito ay tinitigan ng mabuti.
"Ang sama ng pasok mo sa akin. Bumalik ka nga, ngunit di ko naman maramdaman ang saya ngayong nandito kana sa mga kamay ko, dahil nag aagaw buhay naman ang babaeng mahal ko" mahinang bulong ko habang umagos na naman ang mga luha ko.
"Prime, diba dapat itago mo muna yan?"
Nilingon ko naman si Dieg na nagsalita sa likuran ko. Inilagay ko sa back pack ko ang dogtag na hawak ko at hinarap si Dieg.
"Kumusta si Marky?"
"Maayos na siya. Sabi ng doctor, kailangan lang daw niya ng pahinga"
Tumango naman ako at umupo ulit sa inuupuan ko kanina.
"Pano yung party Prime?" umupo siya sa tapat ko at kumuha na din ng pagkain.
"Postponed muna 'yon"
Tumango-tango naman siya habang pinagpatuloy ang pagkain.
Lihim naman akong napangiti habang nakatingin sa mukha niya. How lucky i am dahil nag karoon ako ng kaibigang gaya nila. Kaibigan na hindi nang iiwan. Kaibigang sinasamahan ako sa hirap at ginhawa.
"Dieg, alam kong nakakabakla ito ngunit kailangan ko pa ding sabihin"
Nag angat naman siya ng tingin at enosenting nakatitig sa akin.
"Maraming salamat dahil nandiyan kayo palagi. Kahit alam kong sobrang hirap ng mga pinapagawa ko ngunit ginawa niyo pa din. Sabihin niyo lang sa akin kung sumusobra na ako"
Ngumiti naman siya at binato ako nong balat ng saging.
"Yuck! Nakakadiri ka Prime"
Tangna! Seryoso ako dito ngunit ganyan lang reaction niya? seriously? ayy puta! nakakabakla.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang makita ko siyang tumayo at lumabas ng kwarto.
"Pupuntahan ko si Marky, baka mamaya matuluyan kana eh"
Napailing-iling naman akong napangiti dahil sa sinasabi niya. Bumuntong hininga ako at nilingon si Sam. Hiniwakan ko ang kamay niya at nilaro-laro ito.
"Baby? baka naman gusto mo nang gumising diyan. Miss na miss na kita eh. Alam mo bang dito din ako natutulog katabi mo?" hinawi ko naman ang buhok niyang medyo tumabon sa bandang noo niya.
"Ang hirap baby, ang hirap-hirap makita kang and'yan. Sobrang sakit sa dibddib. Nakakabaliw. Please baby gumising kana oh, alam mo bang may ginagawa ako para sayo?" Nag simula na namang mangilid ang mga luha ko. Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ko.
"Gumising kana. Marami pa akong gustong gawin kasama ka. Papakasalan pa kita baby kapag nasa tamang edad na tayo. Baby naman eh! yung pangarap nating dalawa? sabay nating tutuparin 'yon" Hindi ko namalayang humagulgul na pala ako dito. Ngunit ito lang ang paraan para naman kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Vote.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Lãng mạn"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES