MARKY'S POVPAGKATAPOS naming makapag usap ni Nurse Jen, ay andito ako ngayon sa filled. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman pagkatapos kong malaman ang mga sinasabi niya.
'May nangyari ba sa kanya noon? kasi sa case ng kapatid mo, parang may pinagdaan siya na hindi niya matatandaan. Kapag ganung cases kasi, bigla nalang mag cocollapse ang isang tao kung may mga bagay na bigla-bigla nalang pumasok sa isipan nila na hindi nila inaasahan'
Yan ang mga bagay na sinasabi sa akin kanina ni Nurse Jen.
Bigla ko namang naalala ang nangyari noon. noong mga panahong hindi ko na gustong maalala pa.
FLASHBACK
"Dios ko, ang anak ko Renante. Anong dapat nating gawin?" umiiyak si Mommy habang naka luhod sa harapan ni Daddy.
Umupo naman si Daddy at pinantayan si Mommy.
"Huminahon ka muna Emelia, maayos din to. Gagawin ko ang lahat gumaling lang ang anak natin. Hihintayin nalang natin na lumabas ang Doctor na nag asikaso sa kanya" pag patahan ni Daddy kay Mommy.
Maya-maya lang ay lumabas na ang Doctor na nag aasikaso kay Samara.
"Doc? ano na? ano na ang resulta sa test ng anak ko? mabubuhay ba siya?" sunod sunod na tanong ni Mommy sa Doctor.
"I have a good news and a bad news Mr and Mrs Fuentes"
Nagtinginan naman sina Mommy at Daddy sa isa't isa. Habang ako nanatili lang nakamasid sa kanila.
"W-What is that?" nanginginig ang kamay na tanong ni Daddy.
"Good news, dahil maayos na ang lagay niya. Bad news, dahil ang itinurok ko sa kanya, ay gamot kung sa'n niya makakalimutan ang mga pangyayari. Ito lang ang paraan para mabuhay siya, and magkakaroon siya ng phobia or should i say, magpa bago-bago ang mood niya. Hindi siya dapat makakarinig ng mga masasakit na salita, at hindi siya pwede makakita ng sinasaktan sa harap niya. Baka ito pa ang dahilan upang makapanakit siya ng ibang tao" mahabang paliwag ng Doctor kina Mommy.
Napahagulgul naman si Mommy dahil sa mga naririnig.
Kung ganun, dapat tamang kalinga at pag iingat ang gagawin para maiwasan iyon ni Sam?
FLASHBACK END
Hindi ko maiwasang mag alala sa tuwing maalala ko 'yon. Simula pagkagising niya nung araw na 'yon, ay hinahanap na niya palagi si Cokie.
Oo, nakakalimutan niya ang mga pangyayari dulot ng injection. Ngunit hindi niya nakakalimutan ang tungkol kay Cokie. Mas pinili nalang naming manahimik sa tuwing mag tatanong siya tungkol kay Cokie. Pinili naming hahayaan siyang paniniwalaan na iniwan siya nito. Ngunit ang totoo hindi, hindi siya iniwan ni Cokie.
.............KIERAN'S POV
"Zup, Mom an Dad" bati ko kina mommy at daddy, alam kong nasorpresa sila sa pagdating ko.
"Kailan ka dumating anak?" gulat na tanong ni Mommy sa akin.
"Hindi naman ako umalis mom ah, pasensya na kung ngayon lang ulit ako nag paramdam sa inyo" ang alam kasi nila umalis ako ng bansa, ngunit hindi.
"Alam ba ito ng kapatid mo?" tanong naman ni daddy na parang walang gana makipag usap sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit bumukod ako sa kanila, at pinaniwala silang umalis ako ng bansa. Dahil sa pag iiba ng mood ni daddy sa tuwing kaharap ako. Hindi ko alam kung pagod lang ba siya sa pag aasikaso ng companies namin, o sadyang hindi lang niya ako gusto.
"Bakit ko naman ipaalam sa kanya? wala namang ibang ginagawa 'yon kundi ang makikipag basag bungo" napa iling iling nalang ako.
Nagulat naman si Mommy dahil sa malakas na kalampag ni daddy sa lamesa.
"Bakit? ikaw ba may matinong ginagawa? kahit ganun ang mga ginagawa ng kapatid mo, pero nag aaral 'yon ng mabuti. ikaw? anong ginagawa mo sa buhay? puro pag pakasarap? ganun ba?"
Napatiim bagang naman ako sa mga sinasabi niya. kalauna'y tumawa ako ng mapakla.
"Ang sakit naman no'n dad? palibhasa kasi puro ka nalang Kaizer. Kaizer na magaling, Kaizer na matalino, Kaizer na maaasahan. Bakit? ni minsan ba nakita mo din ang mga ginagawa ko?" mahinahon kong sagot sa kanya.
"Natutu kana ngayong sumasagot? may maipagmalaki ka na ba sa akin ngayon?"
"Tama na Alejandro, wag mo naman ganyanin ang anak natin" awat ni Mom kay Dad.
"Alis na ako mom. Mukhang nakakaabala pala talaga ako sa inyo" pagkasabi ko nun, ay tumayo ako at umalis.
Kahit na ilang beses na niyang ginagawa ito sa akin, still nasasaktan pa din ako. Hindi pa din ako nasanay. Ang sakit lang sa part na pareho naman kaming anak niya, ngunit bakit parang si Kai lang ang tinuring niyang anak?
Umuwi ako sa condo ko at dun nalang uminom. Wala akong ganang mag Bar ngayon. Pagdating ko sa condo ay bumungad sa akin si Joem, ang kaibigan ko.
"Saan ka naman galing? kanina pa ako naghihintay sa'yo dito" tanong niya sa akin.
"Kina mommy" maikli kong sagot.
"Huhulaan ko, senisermonan kana naman ng Daddy mo no?"
"Medyo" kumuha ako ng baso at nag salin ng wine.
Tumayo naman siya at nagtungo sa mini table ko. kumuha siya ng papel at nag sketch.
Patuloy lang ako sa pag iinom at napatingin sa kanya habang may bagay itong hinahawakan.
"Uyy dude, ang astig nito ah. Dogtag? sino si 'S'?" curious niyang tanong.
Lumapit naman ako sa kanya at hinablot ang hawak niyang Dogtag.
"Wag mo ngang pakialaman 'yan" inis kong sabi sa kanya.
Kalalaking tao, pakialamero. Tiningnan ko Ang Dogtag na hawak ko at nilalaro ito sa kamay ko.
Napangiti nalang ako habang binabasa ang nakasulat dito.
'S'
"Samara"
Bulong ko habang may ngiting naka paskil sa labi ko."By the way Kie, san ka mag tatransfer ng school?" tanong ni Joem sa akin.
Tumingin ako sa kanya, at tinungga ang isang basong alak.
"Kung san siya nag aral, dun na din ako" sabi ko sabay pikit.
'How long i wanted to see you, again'
PLEASE VOTE
BINABASA MO ANG
The Gangster's Muse(SEASON ONE)
Romance"DON'T FUCKING MESS WITH THE BITCH, BECAUSE YOU DON'T FUCKING KNOW, WHAT FUCKING BITCH CAN DO" -SAMARA FUENTES