CHAPTER 25

1.2K 66 0
                                    

SAMARA'S POV

"Baby, wait"

Patuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng univ. Di ko pinansin ang pagtawag ni Kai sa akin. Kanina pa niya ako sinusundan ngunit di ko siya nagawang lingunin. Hanggang sa naabutan niya ako at niyakap mula sa likuran.

"Mag usap muna tayo. Pakinggan mo muna paliwag ko" Mahigpit niya akong niyakap habang nakatalikod.

"Ano ang pag uusapan natin? yung paglilihim niyo tungkol sa pagiging GANGSTER ni kuya?" ini emphasize ko pa ang word na gangster, para ma feel niya.

Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Tinago namin 'yon sayo, dahil pakiusap 'yon ni Marky. Ayaw niyang ma disappoint ka sa kanya"

"Oo, ma didisappoint talaga ako. Kasi hindi ko hiniling na magkaroon ako ng kuya na isang gangster"

Napakunot noo naman siya dahil sa sinasabi ko. Wala akong pakialam kung ano ang mararamdaman niya. Ang gusto ko lang ilabas ang sama ng loob.

"Ayaw mo magkaroon ng kapatid na gangster? tapos sinagot mo ako, kahit na alam mong gangster ako?" ramdam ko ang pagkalito niya dahil sa mga sinasabi ko.

"Tama na yong isa Kai. Para kapag may mangyaring masama, isang beses lang akong masaktan. Ayaw kong maulit na naman yung mga nangyari noon. Masakit! Dahil sarili kong kuya pinaglihiman ako, at nakikisabay kapa"

"May dahilan si Marky kaya niya nilihim 'yon. Pinagbigyan lang namin ang pakiusap niya"

Tumawa ako ng pagak habang nakatingin sa kanya. Di ko pa din matanggap na pinaglihiman nila ako. Tama na yung isang beses.

"Pati ba pag tago ng totoong pagkatao mo, pakiusap parin ni kuya? Huh? COOKIE?"

Bigla naman siyang napaawang sa sinasabi ko at napakurap-kurap habang hindi inalis ang tingin sa akin. Alam kong nagulat siya ngunit wala akong pakialam. Desperada na akong malaman ang totoong dahilan niya.

"P-Paano m-mo nalaman?"

"Paano ko nalaman? Simple lang. Dahil si Kieran na nagpakilala sa akin bilang si Cookie, ni minsan di niya ako tinawag na Ara. Iisa lang ang taong tumawag sa akin no'nn Kai, si Cookie lang. At oo, naaalala ko na na si Ara at ako ay iisa" pinilit kong pigilan ang sarili kong wag maiyak.

Sobrang sakit sa dibdib kung hindi mo mailabas ang saloobin.

"No'ng gabing nalasing ka, tinawag mo akong Ara diba? no'ng gabing nalasing ka, doon ko nalaman na ikaw at si Cookie ay iisa. No'ng gabi ding 'yon, narinig ko ang pag uusap nina Ethan tungkol sa dogtag na pinapahanap mo. At no'ng gabi ding 'yon, may sasabihin sana si Dustine sa akin tungkol sa katotohanan" pinahid ko ang luhang tuluyan ng bumagsak sa pisngi ko.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin, at tila nag hihintay ng susunod kong sasabihin.

"Di ko alam kung paano ako mag react no'ng panahong 'yon. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa tuwing maalala ko na ang lalaking nangangako at nang iwan sa akin noon ay nasa harap ko na pala"

Tiningnan ko sina kuya na nakamasid lang din sa amin at masuyo lang na nakikinig. Alam kong pati sila nagulat din.

"Gusto kong magalit. Gusto kitang tanongin kung bakit mo 'ko iniwan noon,  ngunit diko nagawa dahil ayaw kong mawala ka sa akin ulit. Ayaw kong iwan mo ulit ako tulad ng dati. Ayaw kong mangyayari 'yon, dahil mahal kita. Minahal kita bilang Primo, at mas lalong nangingibabaw ang pag mamahal ko sayo no'ng nalaman kong ikaw at si Cookie ay iisa"

Humagulgol na ako nang iyak dahil sa sobrang sakit. Nakita ko pang lumapit si Dieg sa akin at hinagud-hagod ang likud ko.

"Sige Sam. Ilabas mo lahat"

Kumapit ako sa bisig ni Dieg para hindi ako matumba. Nanghihina na ako.

"Hindi ko 'yon gagawin baby. Mahal na mahal kita kaya malabong magagawa ko 'yon sayo" dahan-dahan siyang umupo at lumuhod sa harap ko.

"Prime"

Sabay naman na lumapit sina Kuya at Ethan pati na din sina Dustin at Clark na kakarating lang. Inalalayan nila si Kai para tumayo,  ngunit umiling-iling lang ito at itinaas pa ang isang kamay.

"I'm sorry. Hindi ko ginusto 'yon. Hindi kita iniwan. Alam ng Diyos 'yon" humagulgul na din siya at nakahawak pa sa dibdib.

"Hindi mo ginusto? ang alin? ang hindi pag sabi sa akin ng totoo? o ang pag iwan mo sa akin noon. Matagal akong nag hintay at nag babakasakali noon na bumalik ka. Matagal akong naniniwala sa sarili kong kasinungalingan, na babalik kapa at mag hintay lang ako. Nakakatawa dahil pati sarili ko, pinagsisinungalingan ko dati"

"Ano pa ang dahilan ng pagtitiwala ulit? Hindi lang isang beses o dalawang beses mo akong ginago. Alam kong iniisip niyo na sobrang babaw ko, ngunit masama bang humiling na pwedeng wag na akong masaktan tulad ng dati? Na pwedeng hindi na mauulit yung minsang nawalan ako ng mahal sa buhay? Masama bang hilingin na pwede, mananatili kayo sa tabi ko na walang kasinungalingan?"

Lumuhod ako sa harap nila habang humagulgul ng iyak. Sobrang sakit, na sa tuwing maisip ko na mawawala sila akin pariho ay baka hindi ko kakayanin. Sila nalang yung lakas ko. Si Kuya at si Kai. Ayaw kong maiwan na naman ako ulit.


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon